27

75 0 0
                                    

Sandy was in war mode. Nasa gym siya na madalas nilang paglaruan ng mga pinsan. She was a member there. Nagsisiiwas sa kanya ang lahat ng makasalubong niya.

Kahit habang nagwa-warm up sa bamboo roller at sumisipa siya sa hanging sandbag ay walang gustong lumapit sa kanya. Lahat ay ilag. Baka iniisip ng mga ito kung gaano siya ka-pathetic pagkatapos ng pag-aaway nila ni Ares ng nakaraang gabi. Kapag may hindi pa magandang komento siyang naririnig, mabibigwasan talaga niya.

Sobrang sakit ang kanyang nararamdaman. Wala siyang pakialam kung namamanhid na ang kanyang mga kamay at paa at kung puno siya ng pasa sa katawan. Gusto lang niyang mawala ang sakit na nararamdaman at kitlin ang pagmamahal niya kay Ares. Wala iyong magandang maidudulot sa kanya.

Sandy, tama na yang training mo, saway ni kuya johnny ng lapitan siya. "Ayusin mo yang mukha mo. Natatakot na ang mga nagte-training dito.

Saka baka masaktan ka. Sobra ka na sa training. Hindi pa ako pagod, sabi sa malamig na boses.

Baka magsugat na yang kamay mo, nag aalala nitong sabi.

Wala akong pakialam! Bulyaw niya at matalim na nilingon si kuya Johnny. "kung gusto mong tumigil ako, mag-sparring tayo.

Napakamot ito ng ulo. "huwag na. Sa palagay ko, pagod ka na.

Hindi pa ako pagod., Itinulak niya si kuya johnny sa dibdib. "Mag-sparring tayo sabi." gustong-gusto n niyang magwala. Ang manakit o masaktan. Kahit ano basta may iba pa siyang maramdaman bukod sa sakit na ibinigay ni Ares.

Para sa pagharap uli niya sa binata ay hindi na siya masasaktan. Wala na siyang mararamdaman tuwing ibang babae ang iniisip nito at hindi siya.

Stop it, Sandy. Kung may problema kayo ni Ares, huwag mong idamay ang ibang tao. Ayusin mo nga ang sarili mo.

She was in so much pain. Hindi siguro maintindihan ni kuya johnny ang pinagdadaanan niya dahil kasama nito ang babaing handang ipaglaban at mahalin habang buhay.

Paano naman siya? Ngaun lang niya naranasang magmahal. Hindi naman niya alam na maaari palang maging komplikado ang lahat. Na maaari siyang mawalan ng kontrol sa kanyang nararamdaman.

Ibinalik ni Sandy ang atensiyon sa pagsuntok sa hanging sandbag.

Balita ko, kailangan mo ng sparring partner. Pwede ako.

Sige, sagot ni Sandy bago pa makilala kung sino ang nagprisintang magpagulpi sa kanya. Huli na para bawiin ang pagpayag ng makitang si Ares pala ang nagsalita.

Nakasuuot pa ng business suit si Ares maliban sa sapatos at medyas. Tinanggal nito ang coat at madilim ang mukhang kinalas ang necktie. "Good. Mainit ang ulo ko dahil kanina pa ako tawag ng tawag sa babaing pakakasalan ko pero ayaw sagutin ang tawag ko. Ni ayaw pakinggan ang paliwanag ko.

Sabi ko sayo ayoko ng makinig at ayokong makita ka. Leave me alone.

Then make me. Labanan mo ako. Then I'll leave you alone.

Nakatayo lang si Sandy habang nakatitig sa determinadong anyo ni Ares. Lalabanan niya si Ares? Ikinuyom niya ang mga kamay. Tsansa na niya iyon para mailabas ang lahat ng galit niya rito. Pero bakit hindi niya magawa? Pakiramdam niya, wala na siyang lakas na ilalabas nyaung kaharap na niya si Ares.

Wala akong oras sa kalokohan mo, Ares. Just go away! Nawalan na siya ng ganang magtraining at makipag-away. Naglakad siya palabas ng training room.

Hinarangan siya ng binata. "Hindi ako aalis. Labanan mo ako." hinawakan ni Ares ang dalawa niyang kamay at idinunggol sa katawan nito. "come on! Hit me, Sandy. Ilabas mo ang lahat ng galit mo sakin. Ginawa kitang tanga, ipinahiya kita sa mga tao. Gantihan mo na ako. If that would make you feel better.

Arranged Married with Mr. Arrogant (Sandy&Ares)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon