Bigla siyang lumingon. Pamilyar ang boses na iyon pero ang boses na natatandaan niya ay arogante. Samantalang ang boses ng lalaki ay nakikiusap at nagmamakaawa sa pagmamahal ng isang poste?
Imposible.
Napasinghap si Sandy dahil hindi lang pamilyar ang boses ng lalaking nakayakap sa poste. Ito mismo ang masungit na lalaki sa restaurant kanina. "Siya yon " ang agad na sabi niya.
Anong siya yon? Tanong ni Nikka Jean.
Yong sabi mo sa restaurant na hot.
Inaanig din ni Nikka Jean ng mabuti ang lalaki.
Oo nga ay pogi! Malanding sabi ni Nikka Jean sabay lapit sa lalaki.
Annyeong haseyo!
Nilingon ng lalaki si Nikka Jean. "Ewan ko sayo"
Sa unang pagkakataon naaliw si Sandy sa kasungitan ng lalaki.
Pinoy! Pinoy ka! kaya naman pala iba ang kaguwapuhan mo. Pumadyak si Nikka Jean na parang kinikilig. Nakalimutan yatang may asawang naghihintay rito. I'm Nikka Jean. Ano pala name mo?
Tiningnan si Nikka Jean ng lalaki na animo insekto." lasing yata ako. Bakit nakakaintindi ako ng korean? Tanong ng lalaki at naglakad palayo. Subalit mabuway ang lakad nito kaya muntik ng matumba sa direksiyon ni Sandy.
Mabilis niyang sinalo ang lalaki. O dahan-dahan lang.
Sorry,
Sandy was thunderstruck for a moment hindi niya alam kung bakit parang hinahaplos siya ng boses ng lalaki. She felt hot and cold felt oddy pleasurable parang okay lang na sumandig sa kanya ang lalaki hindi iyon normal.
Hindi ba at normal na reaksiyon ng isang babae kapag nadikitan ng isang lasing ay itilak ito palayo bakit gusto pa niyang kabigin palapit ang lalaki?
Ayuko dito sa korea. Maanghang ang pagkain maingay ang mga lasing at gumagalaw ang kalsada. Gusto ko ng umuwi," ungol ng lalaki.
Saan ka nakatira? Tanong ni Sandy.
Sa bahay, sagot nito at isinubsob ang mukha sa kanyang leeg. " Hmmm. . . "Tumawa ito. Buko pandan gusto ko ng buko pandan.
Kumunot ang noo ni Sandy at pilit na nilalalbanan ang nakakakiliting pagdampi ng hininga ng lalaki sa kanyang leeg. Kakaibang kuryente ang naramdaman niya ng lalong dumikit ang katawan nito sa kanya ng yakapin niya sa baywang ang estranghero para hindi tuluyang
matumba. Hindi siya pweding maattract sa lasing na nuknukan ng sungit at mas trip yumakap sa poste.
Sa hotel. Saang hotel ka tumutuloy? Tanong ni Sandy. Hindi pweding tumagal ng nakasubsob sa kanyang leeg.
Kailangang maidispatsa niya ang lalaki sa lalong madaling panahon dahil baka ito ang mapapak niya.
Hindi niya kailangan ng pampagulo ngayon.
Uuwi na siya sa pilipinas. Ang gusto lang niyang isipin ay kung saan siya mamasyal bukas bago siya tuluyang lumipad pabalik ng Pilipinas bukas ng gabi.
Ayoko sa hotel. Pag bumalik ako doon, makikita ko lang silang masaya. Wala ring buko pandan doon. Dito lang ako sayo.
"Patay! nausal ni Sandy. Paano niya ito maihahatid ku.mng hindi niya alam kung saang hotel tumutuloy ang lalaki? Paano niya ito ididispatsa? Sa police station? Baka mapag-trip-an pa ito roon.
Iuwi mo na yan, udyok ni Nikka Jean.
"Ano? Sa sobrang gulat ni Sandy nanlaki ang mga matang tinignan ang kaibigan. . . "Hindi pwedi,"
BINABASA MO ANG
Arranged Married with Mr. Arrogant (Sandy&Ares)
Fiksi UmumHindi makalimutan ni sandy ang huling gabi niya sa seoul,south korea bago umuwi sa pilipinas para pakasalan ang lalaking pinili ng kanyang lolo para sa kanya. Nag-uwi siya ng lasing na lalaki sa kanyang apartment and the guy stripped in front of her...