"So hindi mo ako namimiss? Tanong ni Sandy at tiningala si Ares.
Hindi mo ba natanggap ang text ko? Sabi ko miss din kita.
Pakiramdam ni Sandy ay sinabuyan siya ng connfetti mula sa kalangitan. Shocks ! Confirmed na miss siya ni Ares. Hinawakan niya ang pisngi ng binata. Mahahalikan niya ito sa tuwa.
Naputol ang moment nila ng tumikhim si Krizzha sa likuran nila."Huwag naman kayong gumawa ng Rated SPG. May mga batang nakakakita sa inyo at pinapanood din kayo ng buong village. doon nga kayo sa opisina, utos ng kaibigan.
Namumulang hinatak ni Sandy papasok sa opisina si Ares. Hindi niya naisip iyon. Nang makita niya si Ares ay nawala na lang siya sa sarili.
"Pinagpawisan ka na, sabi ni Sandy kay Ares. May malinis akong towelette sa loob. Iyon muna ang gamitin mo. Hinila niya si Ares papunta sa kanyang private office at pinunasan ng towelette ang mukha at likod nito.
"How wifely, nakangiti nitong sabi.
" Matagal ng walang nag-aasikaso sakin ng ganyan. As soon as i was old enough to fend for myself, hindi na ako nakaranas ng ganyang pag- aalaga.
Sana lang pwede kitang alagaan lagi ng ganito pero tiyak na pagtatawanan ka ng mga tao. Masyado ka ng malaki para maging baby boy, panunudyo ni Sandy. Hindi ko alam na naglalaro ka ng football.
Iyon ang gusto kong laruin kasama ang mga kaibigan ko. Iyon lang sports na na-enjoy ko noong bata ako. Matagal na akong hindi nakapaglaro. Napasubo ako sa mga bata rito. Hindi sila natatakot na maglaro kahit na nakapaa lang. They are pretty good.
Gusto talaga nilang maglaro kahit na nakapaa lang sila. you can see so much passion of them. Kahit na walang magadang bola o spikes, laro lang sila ng laro. Ang iba sa kanila ay football player na sa eskuwelahang pinapasukan nila kaya practice sila ng practice.
Siguro pwede ko silang bigyan ng spikes at iba pang gamit sa football. Gusto ko sana silang makalaro. Pakiramdam ko bumalik ako sa pagkabata.
And you definitely look young. You should do it more often.
Ano? Ang maglaro ng football?
"Hindi. Ang ngumiti."
Nagulat si Ares. "Hindi ko napapansin yon. Anyway, nagprisinta na rin ako kay mama na ako na lang ang sasama sayo para sa pamimili ng gown na isusuot mo para sa party two weeks from now.
Ikaw ang sasama sakin na mamili ng damit? Gulat niyang tanong. "hindi ba awkward yon para sayo?
Nagkibit balikat si Ares. Mas madalas mong kasama si mama this few weeks kaysa sakin. This should have been our day together. Anong oras ka uuwi?
Just give me five minutes. Aalis na rin tayo. Iniwan saglit ni Sandy si Ares sa kanyang opisina at tinungo ang mga kaibigan para magpaalam.
Aalis kana agad? sabi ni London.
Oo. Sinundo ako ni Ares.
Akala ko ba ililibre mo ako ngaun? Nakataas ang isang kilay na sabi kaibigan.
Nagkibit-balikat si Sandy. Well. . . Next time nalang?
Umingos si London. "Ganyan ba talaga pag inlove? Nakakalimutan ang kaibigan?
Hinalikan niya sa pisngi si London. "Babawi ako next time. See you on monday. At sasabihin ko kay Ares na ipadate sayo ang isa sa mga guwapong friends niya. At saka humalik din sa pisngi ni Krizzha.
May galit ba sakin ang mga kaibigan mo? Parang sinimangutan nila ako pareho, tanong ni Ares paglabas nila sa shop.
Hindi naman talaga sila galit sayo. Nagkataon lang na akala ni krizzha ang coach ng football club na nagtuturo sa mga bata ang dumating at nadismaya siya na ikaw ang andito. Tapos nangako ako kay London na iti-treat ko siya ng kape ngaun.
BINABASA MO ANG
Arranged Married with Mr. Arrogant (Sandy&Ares)
General FictionHindi makalimutan ni sandy ang huling gabi niya sa seoul,south korea bago umuwi sa pilipinas para pakasalan ang lalaking pinili ng kanyang lolo para sa kanya. Nag-uwi siya ng lasing na lalaki sa kanyang apartment and the guy stripped in front of her...