CHAPTER 3

2.2K 46 1
                                    

CHAPTER 3



"So how's the wedding preparation on-going bez?" Pang-uusisa sakin ni Riza habang nasa isang fast food kami nagla-lunch.

"Okay naman. Ako magdedesign ng dream wedding dress ko at yung suit na susuotin ni Kiev. You better help me out." Nakangiti kong sabi sa kanya. Excitement filled me habang iniisip na mga designs ko ang isusuot sa mismong kasal ko.

"Of course bezzy girl, kahit hindi mo hingin magvo-volunteer pa rin ako. Ako na bahala sa susuotin ng mga abay sa kasal and that includes me!" She laughed like a witch pero kaagad ding natahimik nang maalalang nasa public place kami.

According to her siya yung maid of honor ko kaya pagbibigyan ko nalang siya.

Two months nalang kasal na namin. We only have enough time to prepare for the wedding. Kaya naman siguro yun ng dalawang buwan besides I have my family and friends who's helping me out.

"By the way, I remember monthsarry niyo ngayon ni Kiev diba? Don’t you have plans?" I was about to open the topic nang maunahan niya ko. Riza nga naman.

Sumandal ako sa upuan ko since tapos na naman ako kumain at siya nalang inaantay ko.

“Balak ko sanang di lang hanggang greetings yung ngayon. Ilang buwan na rin kasi kaming di nagcecelebrate ng monthsarry eh. I want to surprise him this time. Siya lang kasi yung palaging gumagawa non' sakin."

"Anong surprise naman? Baka waley na naman yan? Panis?" Pinanliitan ko kaagad siya ng mata.

"Kaya nga sasabihin ko muna sayo diba? Nilait ba naman agad." Pagtataray ko sa kanya.

"Oo na ano na nga?" Tanong niya habang pinupunasan ng table napkin ang mga labi.

"Busy siya ngayon, sure ako na babad na naman yun sa work. I want to cook dinner for him sa bahay sana nila. Is that alright?"


Pagkatapos at pagkatapos ng trabaho ay dumiretso nako sa kina Kiev. Bago ako pumunta doon ay nakapagpaalam na 'ko kay tita Kianna na hihiramin ko muna ang kusina niya. Kagaya ni Kiev ay busy din ito ngayong araw dahil out of town silang dalawa ni Tito Kleo for a business meeting.

Tuwang-tuwa pa siya nang malaman ang tungkol sa plano kong pagsurpresa kay Kiev.

Pagkarating ko sa kanila ay sinalubong kaagad ako ng iilan nilang kasambahay. Tinulungan nila ako sa pagdadala ng aking mga pinamili kanina.

"Sabihan niyo lang po ako kapag may kailangan kayo. Bilin ni maam Kianna asikasuhin ka namin." Sabi ni Manang Elsa. Matagal ko na siyang kilala dahil minsan na rin akong bumibisita dito.


"Salamat po." Ngumiti ako sa kanya habang inilalabas isa-isa ang mga pinamili ko. Talagang tinawagan pa sila ni Tita Kianna para lang asikasuhin ako.

Bumalik na si Manang Elsa sa trabaho niya kaya nagsimula na rin akong hiwain ang mga kakailanganin kong sangkap para sa putaheng ihahanda ko mamaya. Plano kong ipagluto si Kiev ng paborito niyang steak at sinigang.

Di ko mapigilang mangiti habang iniisip ang magiging reaction ni Kiev dahil sa surpresa ko sa kanya.

"Ikaw pala yan." Napatalon ako sa gulat nang may biglang magsalita sa may pinto. Muntik ko pa mabitawan ang hawak na kutsilyo dahil sa panggugulat niya.

"Ah. Hi?" I don't know what to say.

He's wearing maroon jogging pants and a white shirt. His chestnut brown hair was messy na para bang bagong gising.

I Will Be Here For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon