CHAPTER 8

1.8K 45 3
                                    



CHAPTER 8


Kiev was fine. He’s totally okay. He’ll come back to me and we’ll get married. We’ll travel around the world; we’ll go to our dream places together. We will build our family and reach our dreams in life.

Yan ang paulit-ulit na sinasabi ko sa sarili ko habang tinatakbo ang daan mula parking lot hanggang ospital. Pagkaapak ko palang sa loob ng emergency room ay nakita ko na siyang naliligo sa sariling dugo at kulay papel na ang mukha dahil sa labis na pamumutla. Halos mawalan ako ng ulirat sa aking nakita. Parang pinupunit ang puso kong makita siya sa ganoong kalagayan. At habang nasa bingit siya ng kamatayan at pilit na isinasalba ng mga doctor ay wala akong ibang magawa kundi panoorin lamang siya.



May humahawak sa braso ko para pigilan ako sa paglapit sa kanya pero pilit ko lang iyong iwinawaksi. Gustong-gusto ko siyang yakapin at gisingin pero ang layo ko sa kanya.
Umiling ang doctor at dumungaw sa kanyang relo habang binabanggit niya ang napakasakit na kataga.


“Time of death 3:45.”


Tuluyan na ngang tumigil ang mundo ko nang makita ko siyang unti-unting tinatabunan ng kumot. Natulala ako at hindi ko maigalaw ang mga paa ko para lapitan siya.


Naglakad patungo sa direksyon namin ang doctor at humingi ng tawad na hindi niya na nagawa pang iligtas ang buhay ni Kiev. Aniyay masyadong malalim ang mga sugat na natamo nito at masyadong maraming dugo na ang nawala sa kanya dahilan para tumigil na rin sa pagtibok ang puso niya. Tinapik niya ang balikat ng nakatulalang si tito Kleo bago kami iniwan doon para magluksa. 

Umalingawngaw ang malakas na iyak ni tita Kianna habang mahigpit na niyayakap ang katawan ni Kiev. Despite of what I see, I still hold unto the possibility that he might still open his eyes again, na sana ay nagkamali lang ang doctor na iyon tapos lalapitan niya kami saka patatahanin. Just like what he always does. Come on baby, wag ka namang ganyan, please wake up!


Pinanghinaan ako ng tuhod at parang gusto ko nalang magising sa bangungot na ito. Pinagdadasal ko na sana ay panaginip lang nga  talaga ito dahil hindi ko alam kung kaya ko ng wala siya.
Si tito Kleo ay lumapit na para yakapin ang asawa na halos himatayin sa nakitang kalagayan ng anak. Maging ang mga luha niya ay walang tigil sa pag-agos sa kanyang mukha.


Hindi niya man lang ako hinintay, hindi ko man lang siya naabutang buhay. Ganon ganon nalang ba iyon? Nakatulog lang ako pag gising ko wala na siya? Paano na yung mga pangarap na binuo namin ng magkasama? Ako nalang ba mag-isa ang tutupad non? Paano na’ko? Paano na yung magiging kasal namin?



Hindi matigil sa pagbuhos ang mga luha ko habang nakaupo sa waiting area ng OR. Hindi ko na alam kung ano ang susunod kong gagawin. Sobrang sakit ng mga nangyari sa araw na ito, masyadong masakit at hindi ko matanggap ang nangyari.


Habang nakaupo ako doon ay biglang dumaan sa harapan ko sina tita Kianna at tito Kleo, parehong namumula ang kanilang mga mata at namumugto. Nilapitan ako ni tita Kianna at lumuhod sa harapan ko para yakapin ako. Mas lalo lang akong nasaktan at umiyak dahil sa ginawa niya dahil pakiramdam ko pati siya ay sinasabing totoo nga itong mga nangyayari ngayon.

“I know this is too painful for you, hija.” Aniya at muling humagulgol habang hinahagod ang aking likuran. Alam kong mas masakit sa kanya ito  dahil ina siya pero nagagawa niya parin akong i-comfort. I want to comfort her too but I am too miserable right now to give comfort to anyone. I can’t even do it for myself.

She offered me for a ride home but I rejected it lalo na noong nakita ko si Kiel sa likuran niya habang inaalalayan ni tito Kleo. His hair was messy and he was dirty all over. May bahid ng dugo ang suot niyang pang-itaas at may mga pasa at sugat siya sa mukha. Basa rin ang kanyang damit.

An unexplainable hatred scattered through my soul as I looked at him. My heart shattered every time I think of what he did to me that night and how Kiev died following him. This was all his fault. Kung hindi siya naging gago ay hindi mangyayari ang lahat ng ito.

Kiev was stabbed multiple times because he received the knife that was intended for him. May bumunggo raw na kotse sa likuran niya and it cause a fight. Naglabas ng kutsilyo iyong nakaaway niya at inambahan siya ng saksak pero sinalo iyon ni Kiev para sa kanya. That’s what he told the police earlier pero hindi ako naniniwala.


Sinabi niya lang iyon para hindi siya masisi. The truth is, this is his entire fault!


My life changed since that day. I feel numb everytime, hindi na ‘ko makaramdam ng gutom, ng antok pero pagod na pagod na ‘ko. Pakiramdam ko wala sa mundong ito ang kayang magpasaya sa’kin. Even my family was affected already. They feel bad kasi kahit anong gawin nila, nothing happens. I love them so much but I feel miserable right now. I want this to end but I just can’t escape this.


Hindi ko kayang pilitin ang sarili kong maging masaya. Siguro ay nawalan na ako ng gana sa buhay ko. I just can’t find my strength to fight this dilemma and stand once again.

Natapos ang burol ni Kiev nang hindi ako pumupunta kahit na isang beses. I don’t think I can look at him inside a coffin. I feel tortured every time I picture it on my mind. Pakiramdam ko pag nakita ko siyang ganoon, tuluyan ng masisira ang ala-ala niya sa’kin. Seeing him lifeless once is enough torture.

It’s been a month since Kiev was buried.

Lumipas ang isang buwan simula noong nangyari pero nanatiling presko sa utak ko ang mga ala-ala. Isang buwan akong nanatili sa bahay nang hindi lumalabas sa kwarto. Isang buwan akong halos walang ibang kinakausap. I left work for a while dahil gusto kong mapag-isa palagi. Isang buwan na rin akong walang balita tungkol sa labas. Hindi rin naman nagkukwento ang mga magulang ko siguro dahil nag-aalala sila sa mararamdaman ko. Gusto kong kumustahin ang parents ni Kiev pero hindi pa ako handang mapag-usapan ulit iyong nangyari.



My head hurts from crying last night, ang mga mata ko naman ay halos hindi ko na maimulat sa labis na pamumugto. It’s been always like this until now, napapagod na ko. Bumangon ako nang maisipan kong buksan ang cellphone ko. Matagal-tagal ko rin itong hindi nagagamit. Kaagad na bumaha ang mga messages sa inbox ko. Hindi ko iyon binuksan at nagtungo na lamang sa gallery.


Excruciating pain immediately consumed me as I look at our pictures together. Ilang litrato palang ang nakikita ko ay kaagad ng sinakal ang puso ko. I want to delete everything and avoid the pain but I don’t want to forget him. Kaya kahit sobrang nasasaktan na ako dahil sa kanya, I’m still desperate to keep him.
I’m crying quietly but inside I was screaming in so much pain.


Hindi ko alam kung kanino sasandal sa mga panahong ito. Sometimes I just want to die to end this, baka sakaling mapuntahan ko siya kung nasaan man siya ngayon. I badly missed you baby, you’re so cruel. Iniwan mo na nga ako ng biglaan, ni hindi mo man lang ako binibisita kahit sa panaginip man lang. Hindi mo na ba ‘ko mahal? Did you already forget about me?

I walked inside my bathroom. Hawak ko ang phone ko habang naka-play doon ang huling video namin ni Kiev na magkasama. That moment he promised me, na ihaharap niya ko sa altar, na bubuo kami ng pamilya na dalawa tapos lilibutin namin ang buong mundo ng magkasama. But now he’s gone together with his promises.


I cried hard as I hear our laughter together. Kailan pa kaya ulit ako makakatawa ng ganoon?

I filled my tub with water and soaked myself in there hanggang sa mapuno ito. I didn’t remove my pajamas because I’m not bathing. Pinikit ko ang mga mata ko at dinama ang tubig habang unti-unti kong nilulubog ang buong katawan ko sa tub.



Hindi ko alam kung nasa tamang pag-iisip pa ba ako but this is the only solution I could ever think of to save me from this pain and to see him once again.



Nothing can ever help me, no one could ever save me. I want this to end and I have nothing else in mind but death. I just badly need it.





I Will Be Here For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon