FINAL CHAPTER

2.7K 94 22
                                    



EPILOGUE



I just stood there as I watched him ran towards my direction. Hindi pa rin ako makabawi dahil sa labis na pagkasurpresa.



Napaangat nalamang ako sa lupa nang salubungin niya ko ng isang napakahigpit na yakap. “I missed you so much.” Bulong niya sa gilid ng mukha ko. Nanuot sa pang-amoy ko ang kanyang pabango.



“I missed you too…” Hindi ko alam paanong kusa iyong lumabas sa bibig ko. Maging ako ay nagulat sa sinabi ko. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at pinakatitigan akong mabuti na para bang hindi siya makapaniwala sa narinig.




A smile grazed on his lips as he cupped my face and pressed his lips to mine.




Halos manigas ako sa kinatatayuan ko but moments passed I began to respond to his kisses. I felt him stiffed when I started moving my lips for him. I put my arms on his nape as we broke the kiss. Bakas ang saya sa aming mga mukha. I can’t deny the fact that I still love this guy.


May mga tao talagang akala mo hindi mo na mahal dahil lang natuto ka ng magmahal ng iba. I don’t know it’s possible until it happened to me.



“I love you.” He whispered to my lips and I responded the same words to him, “I love you too.” Then we kissed again. I don’t know if the fountain really granted my wish or it’s just destiny that brought us back together.




After Trevi Fountain ay tinungo ko naman ang Piazza Navona and Vatican Museum. Hindi na ko nag-iisa dahil kasama ko na siya and my day became much more fun and happier.



“You remembered the note I left with you?” Aniya matapos akong kuhanan ng picture. Lumapit naman ako kaagad sa kanya para tignan ang mga kuha niya. Tama nga talaga ang hinala ko na sa kanya galing iyong note na nakaipit sa libro ni Kathleen.



“Yes I did.” Nakangiti kong sabi at biglang natigilan nang maalala ang huling katagang sinulat niya doon.



“Marry me, then.” Diretso niyang sabi sa akin. Naibaba ko tuloy ang hawak na camera at napasinghap sa biglaan niyang pagluhod sa harapan ko. Nagningning sa liwanag ang hawak niyang singsing na nasa isang maliit na pulang kahon.



Oh my God! Napatakip ako sa bibig ko.




Nagsitigil ang mga tao sa paligid namin at pinanood kami. Tripleng kaba na ang nararamdaman ko ngayon. I looked at him and tears started to fill his eyes as he looked up to me.




“Despite of everything in the past, I knew you were the one for me and I’ve never been this sure in my entire life. Ikaw lang talaga ang gusto kong makasama at wala ng iba so I chose to hold on and was ready to embrace the pain of rejections all over again. I don’t care if I have to risk my heart for you. You’re worth the risk.”



I was unable to speak for a while. Hindi ko inakalang gagawin niya nga talaga ang sinabi niya doon sa papel.




“Will you marry me?” He asked once again. Halos matunaw na ang puso ko sa labis na tuwa.
Narinig ko ang mga flash ng camera sa paligid at mga usap-usapan na hindi ko maintindihan dahil sa lenggwaheng gamit nila.




I was staring at him as he patiently waited for my answer. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagkabahala pero nakikita ko rin kung gaano siya katapang para gawin ito.



There’s no reason why I should reject this kind of man. I asked God for the right person and I know he’s the person kneeling right before me. And with a sweet smile on my face, I took the ring in the box and slid it on my finger. Umawang ang bibig niya habang hinihila ko siya patayo.


I Will Be Here For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon