CHAPTER 2

2.2K 56 2
                                    




CHAPTER 2



Three days after Kiev's proposal ay dumating na rin galing U.S ang mga parents niya. Her mom called inviting us over for dinner kasama ng buong family ko kaya naman ngayon ay paalis na kaming lahat papunta sa napagkasunduan naming venue.


Nagpresenta si Kiev para sunduin kami pero tinanggihan ko siya. Kararating lang nila tita Kianna, he should stay with them.



Isang mamahaling restaurant ang napiling venue ng mga Montecilla para sa dinner namin ngayong gabi. Pagkarating namin doon ay kumpleto na silang tatlo sa mesang nakareserved para sa amin.


Mabilis silang nagsitayuan sa aming pagdating habang si Kiev naman ay lumapit sa amin. Sinalubong niya ako ng halik sa pisngi at binati ang mga kasama ko sa aking likuran.


He guided us towards their direction at kaagad na nagbesohan ang aming mga magulang.



"I'm Bradley Belmonte and my wife Angelina." Si papa ang unang nagpakilala sabay lahad ng kamay na kaagad namang tinanggap ng daddy ni Kiev.



"Kleo kumpare and my wife, Kianna." Pabirong ani naman nito.



Pagkatapos magbatian at magpakilala sa isa't-isa ay naupo na kaming lahat.


"Finally,  I got to meet my future balaes." Masiglang wika ni tito Kleo, Kiev's father.


"My son was telling the truth, nagmana nga itong si Kat sa kagandahan ng kanyang ina." Dagdag naman ni Tita Kianna. Nagtawanan lang ang mga magulang ko at medyo nabawasan narin ang kaba ko ngayon.



Si Kathleen kagaya ko ay tahimik lang. I was being careful kasi ayokong mapahiya sa mga Montecilla.



"See?  Everything's just fine. Don't be nervous." Bulong sa'kin ni Kiev na katabi ko ngayon. Naramdaman ko ang marahan niyang pagpisil sa mga kamay ko.



"I'm sorry for making you wait." Sabay kaming nag-angat ng mukha ni Kiev nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. "It's okay hijo, meet the Belmontes, our soon to be family." His mom said na tila hindi nito napansin.



After a long time ay muli kaming nagkita ni Kiel. He was my classmate back in highschool kaya lamang ay nagtungo siyang U.S at doon nagkolehiyo.


Natigilan siya at tila ba nagulat nang makita ako. I suddenly don't know what to do. I can't utter a word to greet him kaya nginitian ko nalang siya but he didn't smiled back kaya pasimpleng kinagat ko na lamang ang mga labi ko.



I was expecting to see him before we came here pero noong nakita kong tatlo lang silang sumalubong sa'min kanina ay akala kong hindi siya dadalo ngayon.


"Is there a problem?" Naputol ang tinginan namin sa biglaang pagsasalita ni Kiev. Kaagad na bumaling ang atensyon ni Kiel sa kapatid.


"Huh?" Balisa nitong utas. I awkwardly shifted my gaze to the elders to another direction pero nanatili ang pandinig ko sa usapan nila.



"The phone call. Is it urgent?" Dinig kong tanong ni Kiev.


"No it's just nothing." Mabilis na sagot ni Kiel sa isang malamig na tono."


Dumating ang waiter kaya panandaliang naputol ang kwentuhan ng dalawang pamilya na kaagad nagkapalagayan ng loob. As we wait for the food ay nagsimula na kaming pag-usapan ang main agenda namin for tonight.



"So kailan niyo gustong magpakasal?" Panimula ni tito Kleo.


"Kung pwede lang bukas, why not?" Pabirong sabat ni papa na tinawanan naman ng mga future in-laws ko.


"Oh Kiev, kailan mo gusto? The preparation won't be a problem, gagawan natin ng paraan yan para masunod ang date na gusto ninyo." Desididong tanong ni tita Kianna. Pakiramdam ko mas excited pa sila kaysa sa akin.



Umayos sa pagkakaupo si Kiev bago nagsalita. "I want Kat's parents to decide for the date. Kahit kailan po ay pwede ang importante mapakasalan ko si Kath basta ba wag masyadong matagal." He laughed at tila sumasabay narin sa biruan ng mga matatanda. Bakas sa mga mukha nila ang pagkamangha sa sinagot ni Kiev.



Ang laki talaga ng respeto niya sa mga magulang ko and that's one thing I like about him.



Napadako ang tingin ko sa kay Kiel na sobrang tahimik lang at nakatingin lang sa labas. Bigla nalamang siyang napalingon sa akin kaya nahuli niya kong nakatingin sa kanya. Kaagad akong nagbawi ng tingin at di ko na siya binalak tingnan pa ulit.


Dumating na ang pagkain kaya nagsimula na kaming kumain.



Before our dinner ends ay halos napag-usapan na ng pamilya ang lahat ng mga balak nila at kung ano yung gusto naming mangyari sa kasal. Sa sobrang advance, pati honeymoon at mga apo ay napag-usapan nila.



It was kind of awkward pero masaya ako sa kinahantungan ng dinner namin. Naging mahaba ang usapan hanggang sa napagkasunduan naming umuwi na.


"Ayoko pa sanang umuwi because I still enjoy our conversation pero we still need rest mga balae. Kayo rin." Ani tita Kianna sa kina mama at papa.


I can't help but to smile with their call sign. "Oo naman balae, alam kong napagod kayo sa byahe ninyo kanina. There's still a lot of time lalo na kapag naging official magbalae na tayo." Biro naman ni mama.


Ilang paalamanan pa ang ginawa ng dalawang mag-balae bago tuluyang natapos ang usapan nila.


"Mag-iingat kayo ni Kiev anak." Bilin sa'kin ni papa bago sumunod palabas kasama sina mama at Kathleen na may pasok pa bukas ng maaga. Hindi ako makakasabay sa kanila pauwi kasi may ibang pupuntahan pa kami ni Kiev.



"Hatid ko muna sila mom sa kotse." Sabi ni Kiev sa'kin na tinanguan ko lang. Sinundan ko nalang sila ng tingin palabas. Bigla nalamang may humawak sa siko ko at hinarap ako sa kanya.



"Kiel?" I almost stuttered.

"Are you really marrying kuya?" Seryoso niyang tanong.
"Yes." Sagot ko naman.


"Really?" He smirked. "I didn't expect na sa kuya ko lang rin pala ang bagsak mo."


Tumaas ang kilay ko sa sinabi niyang iyon. "Anong sabi mo?"


"You rejected me years ago tapos malalaman kong ikakasal kana pala sa kuya ko? Nice one Katrina."


What is he trying to say? Umisang hakbang siya papalapit sa'kin kaya napaatras din ako. Nakikipagsukatan ng tingin sa kanya.




"Tell me, ako ba talaga yung dahilan bakit mo ko inawayan o dahil sa kapatid ko?" I unbelievably looked at him.

Magsasalita na sana ako nang nakita ko ang pabalik na si Kiev. Napansin niya rin iyon kaya nauna na siyang naglakad paalis at iniwan ako.


Nakakairita. He just changed a bit with his looks pero hanggang ngayon hindi parin pala siya nagbabago. He's still the same Kiel from before, the same bad boy bully.





I Will Be Here For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon