CHAPTER 11

2K 44 3
                                    



CHAPTER 11



"Do you really have to leave?" Tanong niya sa'kin sa napapaos na boses. His eyes were like begging for me to say no.



"Yeah. I need this to completely heal." Sagot ko naman. Napalunok siya at napatingin sa hampas ng alon sa kanyang paanan.



"I can fix you just like how he did. I will always be here for you just like how he stayed by your side. Just give me this last chance."



"Kiel, hindi sa lahat ng oras sa iba ko iaasa ang pag-aayos ng buhay ko. Sometimes you have to stand on your own. Ayokong mangyari ulit sa'kin na sa sobrang pagiging dependent ko kay Kiev ay nawala ko ang sarili ko nung nawala siya." Paliwanag ko sa kanya.



He remained silent after that at tila may malalim na iniisip. Unti-unti nang lumalalim ang gabi pero hinayaan ko na lang. It will be our last talk perhaps, anyway.



"Haven't you thought that maybe nakalaan ka pala sa iba tapos kinukulong mo lang ang sarili mo sa akin?" I smiled trying to light up his mood.




"Paano kung ikaw naman talaga tapos pinakawalan kita ngayon?" Mabilis niyang tanong pabalik.


"Kung tayo, bakit tayo pinaghiwalay?"



"Perhaps to test how strong our feelings are? At mahal parin kita, until now. Nothing has ever changed. Ikaw ba? Talaga bang wala na?"



"I honestly don't know Kiel. I'm too confused." Maging ang sarili ko ay hindi ko na rin maintindihan. Every time I see Kiel, naaalala ko si Kiev, bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung mahal ko pa ba siya o talagang nakikita ko lang si Kiev sa kanya kaya ganito nalang ang nararamdaman ko. Kamamatay palang ni Kiev and this heart is already messing up with me. I feel so wrong.





"Do you want me to just let go or do you want me to wait until you're sure of what you feel? Kaya ko namang maghintay eh, hanggang sa ako na ulit ang mahal mo, hanggang sa handa ka na, and until you're completely over him." At baka pag dumating ang oras na 'yon ay nakalimutan mo na rin ako.




I know how waiting feels like so I don't want him to experience the same hardship I had before. Hindi naman siya mahirap mahalin eh. Ang mahirap ay yung pilitin ang sarili mong magmahal ulit kahit alam mong hindi kapa tapos magmahal ng iba. He deserves to be happy.




I don't want to see and remember him as another person. Gusto ko pag nakikita ko si Kiel, hindi na si Kiev ang maaalala ko.




"I don't want you to wait Kiel. I'm not selfish, ayokong itali ka sa isang bagay na walang kasiguruhan. I want to give you the same freedom that I need. Sometimes, there are things you must let go to find your own happiness." His eyes dropped down and the last thing I knew, umiiyak na siya.




My heart tightened as I watched him cry in front of me. Marahas siyang napabuga ng hangin at tumingala. Napamura nalamang siya nang hindi parin tumitigil ang mga luha niya.



"So I'll just let go then?" Pag-uulit niya sa naunang tanong. I feel sorry for him but my decision is final at wala ng makakapagpabago noon. Time will come na mabibitawan niya rin ako kagaya ng ginagawa ko ngayon kay Kiev.


"Yes."



And then everything about us ended that day. Kung magpapatuloy man iyon ay Diyos na ang bahala sa'ming dalawa.




"Anak, andito na tayo sa airport." Untag sa akin ni papa na nagpagising sa diwa ko. Hindi ko namalayang nakatulala na pala ako habang inaalala ang naging huling pag-uusap namin ni Kiel. Pagkatapos noon ay hindi na kami muling nagkita o nag-usap man lang.






I Will Be Here For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon