CHAPTER 7

1.7K 40 2
                                    

CHAPTER 7


"Nahihibang ka na ba? Bakit ba ayaw mo parin akong tigilan? Matagal na tayong tapos Kiel, please! Fiancée na ako ng kuya mo! You should not be doing this, he's your brother!" Pinigilan ko ang sariling bulyawan siya at baka may makarinig pa sa amin. I'm worried that Kiev might see us arguing at baka maging dahilan pa'ko ng away nilang dalawa.


"I'm his brother but he stole you from me. Ako ang inagawan, babawiin lang kita."


"You're insane. Hindi niya ko inagaw at wala kang dapat bawiin dahil wala namang tayo diba? I was never yours Kiel! Ginusto lang kita pero hanggang doon lang 'yon." Sabi ko sa kanya.


Pinagdiinan ko ang huling katagang sinabi ko dahil hanggang M.U lang naman talaga kami. Iba ang gusto sa mahal. We never reached the stage of being madly in love. We both confessed that we like each other but he never asked me for a relationship. Sa pagkakaintindi ko, it's just a mutual understanding. Simula noong umalis siya ay natapos na rin iyon. Wala akong lubid na nakatali sa kanya.


"Talaga ba Kat? Manhid ka ba talaga? Mahal kita. I courted you, you rejected me. We don't have the label but we both know, it's not just attraction. Gusto mong tigilan kita? Give me the fucking closure I need." Natigilan ako sa sinabi niya. Ayoko na sanang balikan pa ang nakaraan pero kung ito lang ang gusto niya ay ibibigay ko na. Kanina ko pa pinipilit na makawala pero sadyang walang kwenta ang lakas ko kumpara sa kanya.



Gusto ko rin namang magkaroon kami ng closure. Hindi ko naman siya pwedeng iwasan habang buhay. Siguro nga ay ito na ang tamang pagkakataon para tuluyan ng tuldukan iyong namamagitan sa amin dahil magsisimula na ako ng panibagong buhay kasama si Kiev.

Ang gulo-gulo ng ugnayan naming dalawa at gusto ko nalang iyong kalimutan.


"You courted me but then you're planning to leave. Bakit ko sasagutin ang isang taong may plano naman palang iwan ako? What for? Ayoko sa long distance relationship. Ni hindi mo man lang sinabi sakin na aalis kana pala? You just disappeared tapos ngayong bumalik ka gusto mo bumalik din ako sayo? I'm sorry Kiel, but things have totally changed and that includes my feelings."


Hindi siya nakapagsalita agad sa sinabi ko. I saw how his jaw tightened as he looks down on me. "I don't believe you. Don't deny your feelings just because you have already committed yourself to someone."


"I already told you what I have to tell you Kiel. At kung maniniwala ka man o sa hindi, wala na akong pakialam. Now that I have given you what you want, pakawalan mo na'ko." I told him as I looked straight to his eyes.



He looked away at naramdaman ko nalang ang pagbitaw niya sa akin. Kaagad ko na siyang nilagpasan pero bago pako tuluyang makaalis ay muli niya akong hinila papunta sa kanya.


Nanigas nalamang ako sa kinatatayuan ko nang bigla niya akong sunggaban ng halik. I released all my force to push him away. I kept on resisting pero sa tuwing tinutulak ko siya palayo ay mas lalo niya lang akong kinukulong gamit ang katawan niya.


"Kiel! Please stop! Let me go!" Pakiusap ko ng nagawa kong ilayo ang mukha ko mula sa kanya pero tila bingi siya at hindi niya naririnig ang pagmamakaawa ko.


"This is what I want Kat. I fucking want you!"


Napahagulhol nalamang ako habang pilit paring iniiwasan ang mga halik niya na dumako na hanggang sa leeg ko.


Bigla nalamang may malakas na humila sa kanya papalayo sa akin. Nabitawan niya ko kaya natumba ako sa sahig.


"What do you think you're doing to my fiancée, you asshole!" Galit na bulyaw ni Kiev sa kapatid matapos itong suntukin sa panga. Sumubsob si Kiel sa sahig pero kaagad ding bumangon para gantihan ng suntok ang nakakatandang kapatid. Tinamaan si Kiev sa mukha at muntikan na ring sumubsob dahil sa lakas nito mabuti nalamang ay nagawa niya pang ibalanse ang sarili.
Nanginginig ako at hindi makapagsalita habang pinapanood ang magkapatid na nag-aaway sa harapan ko.


I Will Be Here For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon