CHAPTER 9

1.7K 42 8
                                    



CHAPTER 9



"Your daughter has a severe anxiety. Bilhin niyo nalamang iyong nireseta kong mga gamot and please avoid from stress, okay hija?" Dinig kong malumanay na sabi ng doctor but I just looked away and ignored her.


Magmula ng magising ako ay wala na akong ginawa kundi ang tumulala. Nakatingin lang ako sa bintana kasi pakiramdam ko ay iyon lamang ang makakapagpapagaan ng loob ko. Hindi ko nalang namalayan ang paglabas ng doctor sa aking kwarto.


"Anak, bakit mo naman ginawa yun? Tinakot mo kami ng sobra, akala ko mawawala kana sa'min. Mabuti nalang at nandyan si Kiel." Umiiyak na sabi ni mama sa tabi ko. Nasa likuran niya si papa at seryosong nakatingin sa akin.



Umusbong kaagad ang galit sa kaibuturan ko nang malamang nandito si Kiel. Nakaupo siya sa couch na ilang metro ang layo mula sa hinihigaan ko. Blanko ang kanyang ekspresyon habang nakikinig lamang sa usapan namin. Hindi ko alam kung bakit siya nandoon sa bahay at paanong siya pa ang unang nakakita sa akin sa tub.



"Dapat hinayaan niyo nalang ako. Gusto ko ng mamatay ma, hindi ko na kaya yung sakit, ayaw ng mawala. Nahihirapan nako." Nakatulala kong tugon habang sunod-sunod na pumapatak ang mga luha sa mata. Paos ang boses ko at parang walang buhay.

"Wag mong sabihin yan Katrina. Paano naman kami? May pamilya ka, andito pa kami, hindi lang si Kiev ang meron ka." Matigas na pagkakabigkas ni papa. Hindi ako nakatingin sa kanya pero ramdam ko sa boses niya ang lungkot.


Naramdaman ko ang marahang pagpisil ni mama sa kamay ko.


"Anak please nakikiusap ako sayo, ayusin mo na ang sarili mo. Nasasaktan kami pag nakikita kang nagkakaganyan. Palagi ka nalang nagkukulong sa kwarto, hindi mo na kami kinakausap ng maayos, palagi mo ring iniiwasan ang mga kaibigan mong gusto kang makausap, napapabayaan mo na ang sarili mo. Sobra na kaming nag-aalala sayo. Anak naman..." Si mama naman ang nagsalita sa malumanay na tono. "Kung nakikita ka ni Kiev na ganyan, tingin mo ba hindi siya masasaktan?"



Napatungo ako sa narinig kong iyon. I know what I did was wrong. I became too selfish. I want to end the pain not realizing na may masasaktan akong mga tao. Hindi ko na dinugtungan pa ang sinabing iyon ni mama at hindi na naman din siya nagsalita. Siguro ay hinahayaan niya akong makapag-isip ng maayos.


"Bibili lang kami ng pagkain sa labas. Maiwan ka na muna namin ha?" Paalam ni mama sakin saka hinalikan ang noo ko bago sila lumabas na dalawa ni papa.


I suddenly felt uneasy when I realize Kiel's presence. I was all alone with him right now and I hate it. I want to chase him out pero ayoko siyang kausapin. I immediately looked away when our eyes met. Nagulat na lamang ako nang lumakad siya papunta sa akin.


"Let us talk." He spoke. I never bothered to look at him pero ramdam ko ang pagalaw ng kama dahil sa pag-upo niya.

"Get out." Pagod kong sabi sa kanya pero hindi siya nagpatinag.


"I know you're mad with me. Kahit di mo sabihin, alam kong ako ang sinisisi mo sa nangyari." He said bitterly.


"Umalis kana." I replied nonchalantly. Gusto ko siyang saktan pero pinipilan ko lang kasi kahit papano ay kapatid parin siya ng taong mahal ko. Pero pag hindi parin siya umalis ay baka di ko na mapigilan ang sarili ko. Sa tuwing nakikita ko siya, naaalala ko lang iyong nangyari.

"Punch me. Magwala ka, ilabas mo yang galit mo! Don't just keep it in!" I was startled when he raised his voice at me. Di ko na napigilan ang sarili kong pandilatan siya.


"Anong mangyayari kung gagawin ko 'yon? Babalik ba si Kiev?!" Sigaw ko sa kanya pabalik. Hilam sa luha ang aking mga mata kaya pinahid ko na iyon bago pa tuluyang bumagsak.


"Exactly, Katrina! Then why are you ruining your life? Pag sinira mo ba ang buhay mo, babalik siya sayo? Walang mangyayari pero may mawawala sayo pag pinagpatuloy mo pa yan. Can't you see? Sinasaktan mo yung mga taong nakapaligid sayo." Hindi ako nakasagot sa sinabi niyang 'yon.


"I know how painful it is because he's my brother at hindi ganon kadaling kalimutan yung sakit dahil sa nangyari. I'm sorry if I wasn't able to save him." Parang tinusok ng milyon-milyong karayom ang puso ko. The lump in my throat and my throbbing chest made me unable to speak.



"If you want someone to blame, then here I am. Ibuhos mo sakin lahat ng sakit at galit na nararamdaman mo ngayon. Kung kailangan mong magwala at basagin ang mukha ko para wala ang sakit, gawin mo. Pagkatapos non bumalik kana sa normal. Please... " Napansin ko ang pag-alon ng kanyang adam's apple matapos sabihin iyon.



"Bakit mo 'to ginagawa sakin? Bakit mo ba ko pinakikialaman?" My lips trembled as I uttered those words. Hindi ko na namalayan ang pagdagayday ng mga luha sa pisngi ko.



"I hate seeing you like this Katrina."


"You can't change the fact that he died because of you. Namatay siya dahil sinundan ka niya. Sa kagustuhan niyang walang mangyaring masama sayo, siya pa yung napahamak. Minsan tuloy pinagsisisihan kong nakilala kita." Marahas kong pinahid ang mga luha sa mata ko. I saw his jaw clenched as I started to punch him in the chest. Hindi niya man lang iniwasan ang mga suntok at hampas ko sa kanya.




"Yung lalaking sumalo sa'kin nong iniwan mo 'ko and the guy who fixed me after you broke me died because of you! Kinuha mo siya sa akin! Sinira mo ang buhay ko at ang mga pangarap namin! You are the pain in my past, hanggang ngayon ba naman Kiel? Ipinanganak kaba para sirain ang buhay ko?! Sana hindi ka nalang bumalik! Masaya ka na bang wala na siya?!"



Nakailang suntok at hampas pa ako sa kanya hanggang sa tuluyan na akong manghina. My heart pounded so fast and I was panting as I gasped for air. Sumigaw ako at kasunod non' ang isang hagulgol.

"I'm sorry." Mahinang bigkas niya.

"Ayoko ng makita ka pa Kiel. Umalis ka na." Sabi ko habang kinakalma ang sarili.


"Kat, he's my brother and I was fucking hurt too. Hindi lang ikaw ang nawalan. It's way more painful for me because I was there! I saw everything. Akala mo ba hindi ko rin sinisisi ang sarili ko? You can blame me all you want for not being able to save him but I never wanted all of this to happen. Yes, he betrayed me but I will never want my brother dead. I'm sorry if I'm the one who's alive instead of him." He stated in a calm voice.



I suddenly felt guilty because of what I've said. I was carried away with my emotions. Sa sobrang sama ng loob ko ay hindi ko na alam na nakakasakit na ako.


Nung nag-angat ako ng tingin sa kanya ay siya namang pagtalikod niya sa'kin. Binuhos ko nalang sa unan ang lahat ng sama ng loob ko.









I Will Be Here For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon