CHAPTER 4
Nang maluto na ang mga pagkain ay iniakyat na namin iyon sa rooftop nila. Mas maganda kasi ang view doon lalo na pag gabi. Naisip kong marerelax doon si Kiev matapos ang isang nakaka-stress na araw. Naglagay rin ako ng konting decorations at mga bulaklak para mas magandang tingnan.
After everything was settled ay iniwan na nila ako doon para hintayin si Kiev. I texted him asking him kung nasaan na siya at kung anong oras ba siya makakauwi pero walang reply galing sa kanya. I didn't call him at baka busy iyon sa kanyang trabaho. Ayoko siyang abalahin.
Nauhaw ako kaya binuksan ko yung wine na naroon at nagpatuloy sa paghihintay hanggang sa nabagot na'ko. Nilibang ko nalang ang sarili sa mga ilaw na natatanaw ko mula sa baba habang pinapakinggan ang kantang nagmumula sa aking cellphone.
Ilang sandali lang ay tumunog ang cellphone ko at may nabasa akong reply mula kay Kiev.
From Babe: Hindi ata ako makakauwi ngayon. Dito na siguro ako magpapalipas ng gabi sa office. Ang daming kailangan gawin. It's urgent and I have to finish it by tomorrow morning. Nagdinner kana ba? I'm sorry for the late reply.
Pakiramdam ko natuyo ang lalamunan ko dahil sa nabasa ko. Naiintindihan ko naman siya pero di ko parin napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko. Pinasadahan ko ng mga daliri ang buhok ko bago pa ito dumikit sa mukha kong basa ng luha. Hinayaan ko nalang bumuhos ang lahat ng lungkot ko ngayong gabi. Hindi ko na rin nagawang mag-reply sa kanya.
Bakit pa kasi ako naghanda ng ganito? Sana ay pinuntahan ko nalang siya sa office niya kanina. Nasayang lang tuloy yung effort ko. Tinuyo ko ang mga luha ko at napatitig sa bandage na nasa kamay ko. Naalala ko tuloy iyong nangyari sa amin ni Kiel kanina. Pagkatapos naming mag-usap ay umalis siya at di ko alam kung saan papunta.
Dahil hindi naman makakarating si Kiev ay kumain nalang akong mag-isa. Napagdesisyunan ko na rin na inumin iyong wine total nabawasan ko na rin naman siya kanina. I never knew drinking alone could be this relaxing. I checked again my phone, my battery percentage was low at may isang unread message mula kay Kiev.
From Babe: Baby, you asleep?
Kagaya ng kanina ay hindi ko rin iyon ni-replyan. Maybe it's better if I just pretend to be asleep.
"He didn't came?" Isang boses ang narinig ko mula sa aking likuran. Hindi ko na siya kailangang lingunin pa dahil alam ko na kung sino ang may ari ng boses na iyon.
"Bakit ka nandito?" Tamad kong tanong sa kanya habang nilalaro ang wine glass na hawak ko. Umupo siya sa upuang katapat ko. Upuang para sana kay Kiev.
"This is my house Kat. Dapat lang na nandito ako."
Bumuntong-hininga na lamang ako at nagsalin na naman ng wine. Hindi ko na siya inimik. May punto nga naman siya. Bakit ko ba 'yon natanong? Humalukipkip siya habang nakaharap sa akin, tinitignan ang bawat kilos ko pero dahil sa mabigat ang kalooban ko ngayon ay hindi ko na iyon binigyan pang pansin.
Magsasalin ulit sana ako nang bigla niyang inagaw ang bote sa akin."You already had too much. Low ang alcohol tolerance mo." Aniya. Saka ko lang napansin na kumalahati na pala ang laman ng bote. Pakiramdam ko naman ay hindi ako nalasing.
"I'm still fine. Wala naman atang epekto sakin." Nakangiti kong sabi saka inagaw pabalik ang bote. Napailing nalamang siya dahil sa ginawa ko. Pinagsalin ko nalang rin siya sa wine glass na para sana kay Kiev. Nagtataka niyang tinanggap ang alak na inabot ko.
"Drink with me. Minsan lang naman. Iisipin ko nalang na ikaw si Kiev." Pabiro kong sabi pero hindi naman siya natawa.
Sumimsim siya sa wine niya at parang may malalim na iniisip. Noong nagsawa kami doon sa mesa at inaya ko siyang lumipat doon sa may railing. Sumunod naman din siya sa akin. Ipinatong niya ang bote doon matapos salinan ang aming mga wine glass.
"I hope Kiev was here to see this relaxing view." Pagbasag ko ng katahimikan. Nakasandal si Kiel sa railing nang mapasulyap sa akin. Hindi parin siya umiimik. Kung kailan kailangan ko ng kausap saka niya ko di kikibuin. Tinungga ko na lamang ang alak na nasa baso ko at marahas na bumuntong hininga.
"Sometimes I felt like regretting for leaving you years ago."
Napalingon ako sa kanya. Gulat sa kanyang sinabi. Noong lumingon siya sakin ay ako naman ang nag-iwas ng tingin.
"If had I only chose you over anything else, maybe I'd be the guy you're marrying with instead of Kuya."
A familiar feeling filled my chest. Hindi ko iyon nagugustuhan. I quickly brushed it off my mind at tiningala ang kalangitan.
"Then maybe we're not meant to be. We can't change what happened in the past. Kalimutan na lamang natin iyon."
"But we can still change the future. Our future, right? Just tell me if you still feel the same. Then I'll fight for you." Aniya sa isang determinadong tono. Kung tama man ang iniisip ko sa ibig niyang sabihin ay talagang nahihibang na siya. Kapatid niya si Kiev at mahal ko si Kiev ng higit pa sa buhay ko. If he wants me to cheat, I would never do that especially to a man who doesn't even deserve it.
I looked at his face and my heart almost melted with the way he looks at me. Mariin kong ipinikit ang mga mata at muling nag-iwas ng tingin.
Damn. Siguro ay naaapektuhan na ako ng mga nainom ko. "Kiel I'm begging you. Stop." I hate this feeling. I hate it when he's reminiscing our past. I hate it when he talks about it. Ayoko iyong alalahanin. I'm contented with my present life.
"Why? Are you still affected? If you do then it only means one thing," Humakbang siya palapit sa akin at nagtangkang hawakan ako pero agaran ang naging paglayo ko sa kanya. Tila nagulat naman siya sa aking naging reaksyon.
"You're a painful past Kiel and I don't want to remember you like that anymore. Kung gusto mong maging okay tayo, then act like we never had anything in the past. Gaya ng sabi ko, hindi na mahalaga ang nakaraan natin. Ibinabaon ko na iyon sa limot. And the only man that matters to me now is Kiev. I love him at siya lang."
BINABASA MO ANG
I Will Be Here For You (Completed)
Short StorySYNOPSIS Katrina Belmonte had almost nothing else to wish for. She's been blessed with almost everything; family, friends and a love of her life, Kiev Montecilla, her fiancé and the only guy she promised to spend her life with. Para sa kanya, wala n...