CHAPTER 1

2.6K 118 2
                                    




CHAPTER 1




"Tell me exactly what happened to Kiev, Kathleen! Bakit? Paanong nangyari?!" Natataranta kong tanong kay Kathleen na katabi ko sa backseat.  Sila mama at papa ay nasa front seat at tahimik lang. Kanina pa'ko sunod-sunod na nagtatanong kung ano ba talaga ang nangyari pero wala akong nahihitang matinong sagot.




Nanginginig na ang mga tuhod ko at kanina pa'ko paulit-ulit na nagmumura dito.  Pakiramdam ko ang tagal naming makarating sa ospital. "Ate we really don't know. Basta may tumawag lang na stranger using kuya's phone saying na dinala nila sa ospital yung may-ari kasi nabangga yung kotse niya. That's it. Nagmadali na kami puntahan ka." Paliwanag ni Kath sa'kin.




Nanginginig kong kinuha ang phone sa bag ko at sinubukang tawagan si Kiev pero hindi na ito sumasagot. Kumawala ang hikbi sa bibig ko dahil sa labis na pag-aalala. Nabasa ng luha ang screen ng phone ko.



"I should call his parents." Iyak ko habang hinahanap ang pangalan ng mom at dad niya sa contacts ko. Kaagad inagaw ni mama ang phone sa'kin. "We already called them anak so just calm down there." Malumanay niyang sabi. Habang ako naman ay taimtim na nagdadasal na sana ay maayos lang si Kiev.



Naramdaman ko ang pagyakap ni Kath sa'kin para patahanin ako. If something bad happens to him, I don't know what to do. Hindi ko kayang masaktan siya at mawala sa'kin. I will never be at ease kapag di ko nakitang maayos ang lagay ni Kiev.



The moment our car stopped, wala nakong inaksaya pang minuto at kaagad na lumabas ng kotse.



Laking gulat ko nang hindi naman kami sa ospital huminto.

"Bakit tayo nandito sa park?" Bigla nalang nagliwanag ang buong paligid dahil sa mga nakakalat na lights. Doon ko lang naaninag ang nakalatag na red carpet na may nakakalat pang mga petals ng rosas.



Sa dulo ng carpet ay isang mesa na may dalawang silyang kulay pula. Ang ganda nito at sobra akong namangha.



Tinuyo ko ang mga luha habang dahan-dahang humahakbang papunta sa mesa. I was distracted with the decorations kaya ang bagal kong makarating.



I turned back to see my family at pareho na silang nasa labas ng sasakyan habang pinapanood akong naglalakad. They were all smiling at doon ko na rin narealize na naloko lang pala ako. Noon palang ay mahilig na sa mga ganitong surprises si Kiev at palagi niyang kakunchaba ang mga taong malalapit sa amin.




Para akong nabunutan ng tinik. I was so relieved that Kiev was fine. Nagawa pa niya kong paiyakin.


I roamed my eyes around only to find him at my back kneeling down. Kaagad na lumakas ang kalabog ng puso ko. I don't want to assume he's proposing to me kaya hindi na muna ako nag-overreact kahit na ang totoo gusto ko ng magwala.



He's smiling at me and I don't even know what to say. "Kiev? What are you doing? Get up."



"Not until you answer my question." Sabi niya saka may inilabas na pulang kahon. I thought he's pranking me again pero nang makita ko ang singsing ay tuluyan na’kong napatakip ng bibig.



"We've been together for almost six years baby and I'm tired of being your boyfriend so I want to stop being one." He paused for a moment to bit his lower lip which he always do when he's nervous. "Let me become your husband this time. Will you marry me?"



Pakiramdam ko hindi ko na mahabol ang bilis ng tibok ng puso ko. "Are you pranking me again?" Kahit sa boses ko ay di ko maitago ang kaba.



"Of course not." Halakhak niya. "Please marry me." He asked again in a more serious tone.


I saw his eyes water with sincerity. "Of course I'm gonna marry you." Sagot ko saka lumuhod din sa harapan niya para yakapin siya.


"Thank you so much Kiev. I really wanted to be your wife."



Nagulat nalamang ako nang biglang magsulputan ang mga malalapit na kaibigan namin sa kung saan at naghiyawan.



"Congratulations to you both! Maid of honor speaking!" Syempre boses ni Riza yung nangibabaw.


Pumalakpak silang lahat habang pinapanood kami. I smiled sweetly at them. I'm very lucky for these people.



Mahigpit na yumakap sa akin si Kiev at pinaghahalikan ako sa pisngi. "Thank you for saying yes. I love you so so much." Aniya sa malalim na boses. Halata ang pag-iyak.


I hushed his lips with my kiss kaya mas lalong umingay ang buong paligid.


"That's what you get for pranking me. Tinakot mo'ko ng sobra kanina.”  Tumawa lamang siya habang pinapahid ang mga natirang luha sa mukha ko.



Nagkaroon ng maliit na selebrasyon sa gabing iyon bago umuwi ang lahat. Si Kiev ang naghatid sa'kin pauwi.


"I can't believe what happened earlier. It's like a dream come true. Ini-imagine ko lang 'yon eh. Thanks for making it happen." I turned to see him habang nakasandal ang ulo ko sa upuan ng kanyang sasakyan.


"I should be the one thanking. Thank you for accepting my proposal. I can't wait to spend all my days with you." He smiled at me and I was just speechless of what he said.



"Kailan na'tin sasabihin sa parents mo?" I asked. Iniisip ko palang ay kinakabahan na ako. Very supportive naman ang pamilya niya relasyon naming dalawa pero di ko parin maiwasang mag-alala.



What if hindi muna sila pumayag? Kiev was the eldest at marami siyang mas dapat i-prioritize sa business nila.



"You were the last person to know about the proposal babe."



Namilog ang mata ko dahil sa sinabi niya. Siya naman ay pigil ang pagtawa.


"What?" I unbelievably asked.


"Babe, alam na nilang may balak akong magpropose sa girlfriend ko. Kaya nga pinayagan ako ni mom na maunang umuwi dito.



They already knew it from the very start. Kaya nga kinabahan ako kanina kasi baka i-reject mo ko and I might disappoint them." Paliwanag niya.



Tumawa nalang ako dahil sa nalaman ko mula sa kanya. "I can't believe you babe." Iiling-iling kong sambit.



"Mom said that we should have dinner together with your family after the proposal para mapag-usapan na yung mga preparations."





"Agad-agad?" I exclaimed. "The sooner the better baby. Excited ata sila mom magka-apo." Pagbibiro niya na agad nagpaapoy sa mga pisngi ko. "Babe!"








Please don't forget to vote and give feedbacks. Thank you! ♡

I Will Be Here For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon