A/N: Natripan ko magupdate ulit. Enjoy :)
-------
MACKIE'S POV
Natapos na ang Living Museum, Ilang linggo na din ang nakakalipas.
Hindi na kami nagkakausap ni Clyde. Hindi naman kasi kami magkakaklase eh. Ibang section siya. Sa pagkakaalam ko Section C ata siya. Basta ganun.
Maaga kami pinauwi ngayon. Sa kadahilanang may program daw mamaya na kelangan pagpraktisan blah blah blah. Na sa bench lang muna ako. Nagpapalipas ng oras bago umuwi, ang aga pa kasi. Nakakatamad naman sa bahay.
Wala naman din ako magawa dito kaya nagisip isip na lang ako ng mga bagay bagay. At ang pumasok sa isipan ko ay walang iba kung hndi si...
Clyde. -____________________-
Nako naman! Sa lahat na lang ng maiisip ko, yung mokong pa na un! >.<
Pero naisip ko din...
'YES!! Hindi ko na nakikita si Clyde! Wala ng asungot na nangiinis sa akin!'
Pero ba't gnun?
Wala ng asungot na nangiinis sa akin?
Bigla ako nalungkot. Bakit ganun? Eh wala naman siyang ginawa kung di pikunin ako eh. Hayy gulo.
Nakaramdam ako ng antok. Ang sarap naman matulog. Makaidlip nga muna.
Makalipas ang ilang minuto. May naramdaman akong tumatapik ng ulo ko at gumugulo ng buhok ko.
"Mmmmmmm? huwang ka mangistorbo."
Patuloy parin sa pagtapik at paggulo.
"Mmmmm."
Patuloy parin.
"ANO BA?!!!!!!"
Pagkakita ko...
SI CLYDE?!
"BAKIT KA NANINIGAW?!" -Clyde
"EH BA'T KA NANGGUGULO?!"
"PAKIELAM MO?!"
"ANG EPAL MO! BA'T KA BA NANDITO?"
"Naramdaman ko kasing namimiss mo na ko eh!" ^___________^ <------- mukha ni Clyde.
"Ang kapal mo Clyde! Grabe!"
"Sus. Nahihiya ka alang umamin eh."
"-_____- Tantanan mo ko."
"Pasalamat ka nga pinapansin kita eh. Yung ibang babae diyan nagkakandarapa pansinin ko lang."
"Wala akong pakielam. Hindi ako sila. Kung gusto mo ng 'Salamat' sa kanila ka pumunta."
"Yieeee!!! Nagseselos ka noh?!"
"P*cha! Anong nagseselos dun?! Yabang na yabang n nga ako sayo eh!"
"Eh ba't ka nagmumura!?"
"Eh kasi MAKULIT KA CLYDE! MAKULIT KA! ISTORBO!" At hindi ko na siya pinansin. Umidlip na lang ulit ako.
Maya maya may nangungulit na naman.
"HOY! GUMISING KA DIYAN!" ARAY HAH! NANINIGAW?!
"ANO NA NAMAN?!"
Pagkakita ko, may masarap na pagkain sa harapan ko. Maglulunch time n pala. Ang sarap namn ng nasa harapan ko. Gutom na ko. Kaya lang...
"Ano toh?! Dadalhan mo ko, pero babayaran ko?"
"Bobo ka din noh?! Libre na yan! Ba't ko naman pababayaran sayo?"
"Eh kasi masama ugali mo."
"Ah gnun?! Akin n yan."
"Joke lang! Libre mo n nga eh, babawi pa."
"Kung anu ano pa kasi sinasabi eh! Daldal! Kumain ka na nga lang!"
"OO NA!"
Nanahimik sandali. Nagtanong na nman ako.
"Ba't mo ko nilibre?"
"Eh kasi kapag kumain ako magisa, baka burautin mo pa."
"Kapal nmn neto! Hindi ako gnun!"
"Nako!! Narinig ko na yan!"
"SAAN?! KELAN?!"
"DALDAL!! ISA PA KUKUNIN KO YAN!"
"HIndi na."
Habang kumakain. Minsan tatawa kami ng tatawa, tapos magaaway, magsasagutan, magaasaran. Nakakahiya n nga eh, pinagtitinginan na kami.
Lakas niya kasi mangalaska, Peste!!!!! eh syempre nde nmn ako papatalo.
Galing galing niya mangbwiset!!!!
Pero bakit ganun?
Bakit ang saya?
Ang saya talaga...
-------
Parang bitin? Sorry na.. Inaantok na ko guyz eh. Babawi n lng ako. Promise :)
Comments? Suggestions? Please?
Thank you nga pala.
Marckle|
Next Chapter ------->
![](https://img.wattpad.com/cover/2092636-288-k247684.jpg)
BINABASA MO ANG
Decisions Made
Teen FictionYung taong crush na crush mo tapos nalaman lang niya nilayuan ka na. Dafuq lang? Agad agad?! Gusto mo makalimot, ndi mo magawa. Lakas ng tama mo sa kanya. Ang daming dumaan na pwede mong mahalin, na worth it mahalin pero hindi mo parin napili kasi s...