Chapter 1

1.6K 54 9
                                    



Chapter 1


Maria Bella San Juan:



Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa paparating na bagon ng LRT. Heto na naman ako  susuong sa dami ng taong kasabay kong sasakay ng LRT. Feeling ko parang marathon ang gagawin ko dahil paunahan itong makasakay sa loob at makahanap ng maayos na pwesto sa loob ng tren. Pwestong hindi nakaka-awkward. Mayamaya ay nasa harapan ko na ang tren at bumukas na ang pintuan nito. Agad akong pumasok sa loob. Napasimangot ako nang wala akong nakitang bakanteng upuan. One of my luckiest day sa pagsakay sa tren kapag nakaupo ako sa biyahe ko papunta sa kung saan ko gusto.

Pumwesto ako sa kabilang pintuan. Binuksan ko ang cellphone ko at inilagay ko sa kabilang tenga ko ang earphone. Naramdaman kong may pumwesto sa likuran ko. Hinayaan ko na lang ito at tumingin na lang ako sa bintana habang nagsa-soundtrip. Inaliw ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa view. Mabuti na lang maayos ang pwesto ko. Hindi ako masyadong natatamaan ng mga katabi ko. Sa ganitong oras na maraming sumasakay sa LRT, isang mahabang pasensya ang kailangan dahil may pagkakataong masasaktan ka ng katabi mo. Intensyon man iyon o hindi. Nagsisiksikan tayo sa loob ng tren kaya magtiis at sisihin na lanh ang gobyerno sa hindi maayos na sistemang meron sila. Haist! Ang laki ng nakukuhang tax pero binubulsa lang ng gobyerno ang pera. Kailan kaya ako makakakilala ng politikong matino at hindi pinalalandakan ang mukha sa public place dahil sila daw ang gumawa sa project na iyon kahit ang totoo ay galing sa tax ng mga katulad kong nagta-trabaho ang pinanggastos sa proyekto kuno nila. Pero alam kong imposibleng mangyari ito. Almost eighty percent yata ng government officials ay corrupt.

Ito sa dahilan kung bakit ako nag-quit sa trabaho. Dati ay nagtatrabaho ako sa isang cityhall as administrative aide sa isang department kaso hindi ko nasikmura ang hayag-hayagang pangungurap nila sa kaban ng bayan. Ang sabi nga nila, kapag nasa mundo ka ng gobyerno ganito lang daw ang pwedeng kalalabasan mo. Ang magpadala sa daloy ng corruption sa paligid mo o huwag magpadala sa daloy at mag-quit sa trabaho. I chose to quit my job. Mas pinili ko na lang ipagpatuloy ang writing career ko. At least stress free ako kahit hindi naman.

Hay buhay nga naman!

Hindi ko sana proproblemahin ngayon ang mga palpak na trabaho ng gobyerno kung hindi lang ako kinulit ni Cassandra na pumunta sa bahay nila. Dapat tulog ako ngayon dahil sa ilang gabi kong pinagpuyatan ang manuscript ko para naman may pera ako. Kapag hindi pa kasi ako nagpasa ng manuscript sa publishing company kung saan ako nagtatrabaho, baka nasa kangkungan na ako nito.

Humikab ako. Gusto ko talagang umupo para makaidlip ako ngayon. Hindi na kasi uso ang gentleman ngayon. Well except kay Yohann na boyfriend ni Cassandra at si Ciro na boyfriend ko. Nawala kahit papaano ang inis ko nang marinig ko ang favorite song ko. Pumikit ako at dinama ko ang kanta. "But you're in my heart. So who can stop me if I decide that your my destiny?" Humarap ako sa taong nasa likuran ko. "What if we rewrite the star..." dahan-dahan akong dumilat. "Say you we're made to be mine—" nanlaki ang mata ko dahil isang lalaki pala ang nasa likuran ko. Naka-facemask ito na itim pero dama kong gwapo ito base na rin sa mata nito.

Halatang ngumiti ito sa akin kaya gumanti na lang ako ng ngiti. Nang tatalikuran ko na ito ay biglang huminto ang train at alam kong maa-outbalance ako. Kaya hinanda ko na ang sarili kong mahulog at mariin na lang pumikit pero hindi man lang sumayad ang katawan ko sa sahig ng train dahil may sumalo kaagad sa akin. Pagdilat ko ay ang mukha na naman ng lalaking naka-mask ang bumungad sa akin.

Kaagad akong umayos ng tayo. "Thank you." Tinalikuran ko siya at huminga ako ng malalim. Muling huminto ang train at katulad kanina ay nakaalalay na kaagad sa akin si kuya. Nanlaki ang mata ko nang hinapit niya ako palapit sa kanya.

Behind His Lonely Fierce ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon