Chapter 14

830 25 14
                                    


Chapter 14



"Kuya Trace, mamamatay na ba tayo?"

"No, Cornelia. Just hold on. Kuya, will protect you."

Napayuko ako nang may narinig akong mga putok ng baril. "Kuya!" I'm so scared. Hinahabol kami ng mga lalaking kumidnap sa amin ni Kuya Trace. Right now, my brother drive so fast. Kung wala kami sa sitwasyong ito, kanina ko pa pinapagalitan si kuya.

"Bunso, kahit anong mangyari, makakauwi tayo sa bahay." He hold my hands to keep me calm.

Patuloy pa rin ang pag-iyak ko. Sana panaginip lang ito. Hindi sana ito totoo. Napatili ako nang may tumagos na bala dito sa sinasakyan naming kotse sabay ng tunog ng pagkabutas ng gulong. "K-Kuya!"

"Don't worry, Cornelia."

Gumewang-gewang ang kotse hanggang sa bumangga kami sa isang puno. Malakas akong naumpog at bumaon sa akin ang ibang basag na salamin. Dahan-dahan akong lumingon kay kuya kahit sobrang sakit ng buong katawan ko. "K-Kuya Trace."

"E-Everything's gonna b-be alright, bunso."

Unti-unti akong pumikit. "K-Kuya."



"Kuya!" Napabalikwas ako ng bangon. Habol-habol ko ang paghinga ko at sobra akong pinagpapawisan kahit na fully aircon ang kwartong ito. Nanaginip na naman ako tungkol kay Kuya Trace. Sa tingin ko iyon ang dahilan kung bakit nawalan ako ng alaala. Nasapo ako sa mukha ko. "Kuya Trace."

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ko ang aking sarili. Tumayo ako at kaagad akong pumunta sa CR. Habang naliligo ay patuloy pa ring pumapasok sa isip ko si Kuya Trace. Sa napanaginipan ko kanina, around seventeen to eighteen years old na siya noon. Kapag pinagtagpi-tagpi ko ang mga alaalang bumalik sa akin, isang kaganapan na naging dahilan kung bakit nawala ang alaala ko.

Gabi noon at sumusunod ako sa kanya dahil sobra akong nag-aalala. May pinuntahan si Kuya Trace at hindi siya nakapasok doon dahil minor pa daw ang kasama niya. Hindi kasi alam ni kuya na nakasunod ako sa kanya at doon lang niya nalaman. Galit na galit siya sa akin at minura pa niya ako. I kept saying sorry to him but still he's mad at me. Nang iiwanan na niya ako, biglang may dumating na van at pilit kaming pinapapasok doon. May pinaamoy pa sa aming chemical.

Ang sumunod ay nasa isang abandonadong warehouse kami ni kuya. Sobrang dilim at nakakatakot. Kinakalma ako ni Kuya Trace at sinasabi niya na hindi niya ako iiwanan at poprotektahan niya ako. Ilang oras din kaming dalawa doon bago dumating ang mga goons na kumidnap sa amin. Gusto nila akong i-rape. May pinalo sila sa akin kaya ako nawalan ng malay. Nang bumalik ang malay ko, karga-karga na ako ni kuya. Pigil hininga ako noong mga oras na iyon. Sumakay kami sa isang kotse at maswerteng nandoon ang susi. Hindi ko mapigilang umiyak habang nagda-drive si kuya dahil alam kong nakasunod sa amin ang mga kumidnap sa amin. Kuya do his best to driver faster as he could. Pero nagawa nilang mabaril ang gulong ng kotse kaya nawalan ng kontrol si kuya hanggang sa bumangga kami at parehong nawalan na ng malay.

Mariin akong pumikit bago pinatay ang shower. Akala ko mamamatay na ako that time pero heto ako ngayon, buhay na buhay at magkakaroon na ng sariling pamilya. Hindi ko man tunay na magulang sina Mama Claire at Papa Arnold, nagpapasalamat akong binigyan nila ako ng pagkatao kahit hindi naman ako ang tunay nilang anak. Lumabas ako at nagbihis na ng damit. Masyado na akong ginugulo ng nakaraan ko. Dapat maalala ko na kung sino ako para manahimik na ang buhay ko.

Kinuha ko ang vitamins ko at ininom ko iyon. Pinilit kong ayusin ang sarili ko kahit hirap na hirap na ang loob ko. Pumunta ako sa library at halos mapamura ako sa gulat nang makita ko doon si Yllac.

Behind His Lonely Fierce ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon