Chapter 12

810 35 7
                                    


Chapter 12




Hinila ko papalabas sa ilalim ng kama ni Lola Wilhema ang baul niya. Mabigat ang baul pero kaya ko naman. Inubo ako nang malanghap ko ang alikabok. Napaghalataang hindi ko nililinis ang kwarto ni Lola. Simula nang mamatay kasi si Lola, hindi ko rin pinakialaman ang mga gamit niya. Iyon kasi ang habilin niya sa akin. Galawin ko lang daw ang mga gamit sa tamang panahon at sa tingin ko ngayon na iyon. Sumimangot ako dahil may padlock ang baul. "Paano ko naman matitingnan ang laman nito kung wala akong susi?"

Sinunod kong tiningnan ang cabinet ni Lola. May mga alikabok na rin sa loob pero kaya namang halungkatin. Inisa-isa kong tiningnan ang mga drawer. May mga papeles ni Lola Wilhema. Binasa ko ang mga nakasulat doon. Its about her pensions and personal documents in her younger age. May napansin akong isang box na parang kasing size ng drawer. Kung hindi pa titingnan ng mabuti, mapagkakamalan talaga itong drawer.

Kinuha ko ang box. May mga picture ng isang batang babae nasa edad na eleven or twelve. Base sa ibang picture, parang sa loob ng isang hospital ito. May ibang picture na may kasama ang batang babae. Si Mama Claire. May last picture pang natira. Parang family picture. Si Mama, si Papa, 'yung batang babae at isa pang batang babae na kamukha ni Arabella. Bakit wala akong picture na kasama sila Mama at Papa?

Wala sa loob na sinagot ko ang cellphone kong biglang nag-ring. "Hello—"

"Where are you?"

"Nasa bahay ako." Pinatong ko sa mesa ang box.

"I'm here in our house, Bella. Wala ka dito. Nasaan ka?"

"Nasa bahay ako. Sa bahay ng lola ko."

"Bakit ka nand'yan?"

Bumuntong hininga ako. "May hinahanap ako sa mga gamit ni Lola." Tiningnan ko ang baul. "Pumunta ka nga dito. Tulungan mo akong kalkalin ang gamit ni Lola."

"Kahit hindi mo sabihin, pupuntahan talaga kita."

Narinig ko ang pagbukas at sara ng kotse. "Bumili ka na rin ng pagkain. Gutom na ako." Binabaan ko na ng tawag si Yllac.

Huminga muna ako ng malalim bago nag-umpisa na ulit maghalungkat ng gamit. Tiningnan ko ang drawer sa tabi ng kama ni Lola. Pinagbubuksan ko iyon at nakita ko ang isang birth certificate. Kumunot ang noo ko. Dalawa ang birth certificate na nasa drawer sa itaas. Kay Maria Belle San Juan at ang sa akin. May kakambal ako? O baka hindi. May kutob akong hindi akin ito.

Pinatong ko iyon sa mesa. Ang daming katanungan sa isip ko. Sino ba ako? Anak ba talaga ako ng mga tinuring kong magulang? Sino ba ang dalawang batang babae na nasa picture? Bakit may mga alaala ako na hindi ko kasama ang magulang ko? Sino si Kuya Trace? Sino si Cornelia?

Para akong nangangapa sa kadiliman na hindi alam kung saan pupunta.

May narinig akong bumukas ng pintuan sa baba. "Sino 'yon?" Kinuha ko ang vase sa mesa at dahan-dahan akong naglakad sa gilid ng pintuan. Narinig kong may nagbukas ng pintuan sa kwarto ko na katabi lang ng kwartong ito. Mayamaya ay pinipihit na ang seradura ng pintuan ng kwarto ni Lola. Naghanda na rin ako para ipukpok itong hawak ko sa kung sinuman ang papasok.

"Sweetie, where are you?" Nakahinga ako nang marinig ko ang boses ni Yllac. Lumingon siya sa gawi ko. "Oh, bakit ka nand'yan?"

Binalik ko sa mesa ang vase. "Akala ko magnanakaw ka. Ipupukpok ko sana itong vase sa iyo. Buti nagsalita ka."

"Bakit ang kalat dito?"

"Kinalkal ko ang gamit ng lola ko. May gusto akong malaman." Bumuntong hininga ako. "Marami akong tanong sa isip ko na baka sa mga gamit ni Lola Wilhema ko malalaman. Pakiramdam ko, hindi ako ang taong si Maria Bella San Juan. Pakiramdam ko wala akong pagkatao ngayon." Napa-facepalm ako. Para akong maiiyak sa nangyayari sa akin ngayon.

Behind His Lonely Fierce ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon