Chapter 8

868 30 10
                                    



Chapter 8



"Wear this."

Kumunot ang noo ko. Isinuot sa akin ni Yllac ang isang kulay pink na flat shoes. "Bakit kailangan kong magsuot ng ganyan kung dito lang ako sa loob ng bahay mo?"

"Our house, Bella." Tumayo si Yllac. "Lalabas tayo. Bibili tayo ng stock dito sa bahay at kung anong gusto mo rin bilhin. Lets go." Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng bahay. Napapikit ako nang sumalubong sa akin ang liwanag galing sa araw. Dalawang buwan rin akong hindi lumabas ng bahay kaya naninibago ako ngayon.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse bandang passenger seat. Nang makapasok na ako sa loob ay sumunod na si Yllac. Siya rin ang nagsuot sa akin ng seatbelt. Napatingin ako sa skin ko. Ang pale pala ng kulay ng balat ko. Halatang hindi ako nagpapaaraw.

"Huwag na huwag mong paplanuhing tumakas, Bella. Alam mo kung anong mangyayari."

Bumuntong hininga ako at tumingin na lang ako sa view sa labas. Pasimple kong hinaplos ang tiyan ko. Paano kung may laman na itong sinapupunan ko? Matatanggap ko ba ang batang ito?

"Nagugutom ka ba?"

Umiling ako. Tahimik lang kami buong byahe. Tanging ang mga kanta mula sa stereo ang maririnig dito sa loob ng kotse ni Yllac.

Nag-park kami sa parking lot ng isang mall. "We're here." Lumabas na si Yllac. Hindi ko na hinintay na ipagbukas niya ako ng pintuan. Kusa na akong lumabas. Magkahawak kamay kaming pumasok sa mall. Una muna kaming pumunta sa grocery. Ako mismo ang nag-insist na pumunta doon.

Si Yllac ang nagtutulak ng cart habang ako ang pumipili ng stock namin. Naglaway akong nang nakakita ako ng mga pack ng chocolate chips cookies. Kumuha ako ng isang pack.

"You like it?"

"Oo, pwede na ba itong kainin?" Nilingon ko si Yllac.

"Lets pay first before you eat that. Kumuha ka pa para hindi ka mabitin."

Napangiti ako at kumuha pa ako ng lima pang pack ng chocolate chips cookies. "Lets go." Kumunot ang noo ko dahil natulala si Yllac. "Okay ka lang?"

"Ngayon lang ulit kita nakitang ngumiti."

Sumimangot ako at naglakad na ako papunta sa mga tissue. Kumuha ako ng tissue na buy 1 take 1.

"Sanitary napkin, hindi ka bibili?"

Natigilan ako. Kumuha na lang ako ng dalawang pack ng napkin. Hindi naman ako sure talaga kung buntis ako. Baka mamaya, biglaan akong magkaroon. Nang ma-sure namin na okay na ang bibilhin namin, binayaran kaagad iyon ni Yllac. Nilagay muna namin sa kotse niya ang na-grocery namin bago bumalik sa loob.

Dumaan kami sa mga boutique. Kung anong matipuhan ni Yllac na damit para sa akin, kaagad niyang binibili kahit kalahating milyon pa ang presyo nun. Minsan nga, tumatanggi na ako pero pinipilit pa rin niya bilhin. Mayaman kasi kaya wala sa kanya ang mga presyo ng mga damit, bag at sapatos. May pinagamit siya sa aking sling bag. Mayroon na ring wallet iyon at nilagyan rin niya ng laman.

Huminto akong maglakad nang madaanan namin ang isang pharmacy store. Kailangan kong bumili ng pregnancy test para ma-sure ko kung buntis ako o hindi. "May bibilhin lang ako sa loob."

"Pumasok—"

"Ano na lang mag-isa. Hindi naman ako tatakas. Maniwala ka sa akin."

Bumuntong hininga siya bago tumango. "Hihintayin kita dito sa loob."

Behind His Lonely Fierce ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon