Prologue

3.1K 79 0
                                    


DISCLAIMER:

This is a work fiction. names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


Prologue:



"Where is Yna?" Iritang tanong ko kay Devi. Ang coordinator ng fan meeting na ito.

"Wala pa siya, Iñigo." At katulad ko ay parang naiinis na rin ito dahil kay Yna.

"I told you that I don't like her to be my partner in this intermission. Paano na 'yan?" Umupo ako sa kalapit kong upuan. Hindi ko alam kung bakit ba naisip nilang magkaroon pa ng intermission number kaming limang writer sa fan meeting na ito. Writer ako, sinulat kong nobela ang dahilan kung bakit may masasabi akong reader ko at hindi ko kailangan pang magpakita ng ibang talent. I just wasted my precious time practicing a song with my co-writer who are not willing to attend this fan meeting.

May lumapit sa aming staff. "Ma'am, need na po lumabas ni King Red."

Nilingon ako ni Devi. "Iñigo..."

Kinuha ko ang microphone sa staff na iyon bago tumayo. "Pupunta na ako sa stage." Naglakad ako paakyat sa stage at nagsigawan ang mga tao sabay ng pag-announce ng emcee sa pen name ko.

"I love you, King Red!"

"Magpakita ka na ng mukha, please!"

Napangiti ako. I wear black mask. For privacy purpose. Baka kapag nalaman nila na isa akong Valdepeña, tuluyan nang mawawala ang katahimikan sa buhay ko. Mayamaya ay tumunog na ang minus one ng kakantahin ko at ng dapat na kasama ko ngayon sa stage na ito.

"Di na gumising, Magmula nang ika'y naging laman nitong panaginip, O biglang tumigil, Ang oras magbuhat nang Ika'y natala sa'king isip." Lalong nagsigawan ang mga audience na karamihan ay nasa edad disiotso hanggang bente nang kumaway ako. "Nandito na ngunit hindi maamin, At hanggang sa aking muling pag idlip. Laging mananatili sa labi, Mga ngiting naiwan, Nang sandaling masilayan ka, Sa puso'y mananatili." Mariin pa akong pumikit at hinahanda ko ang aking sarili. Wala akong magagawa, ako na lang ang kakanta sa part ni Yna. Napadilat ako nang biglang may nag-hum. Pagtingin ko sa taong iyon ay isang babae na papalapit sa akin at katulad ko ay nakasuot rin siyang itim na mask. Hindi si Yna ito.

"Bakit 'di mapigil, Damdami'y tuwang tuwa, Sa bawat saglit na kapiling, Panong sasabihin, Pagsinta'y umaapaw, At 'di sapat aking tinig." Inabot niya ang kamay ko at alam kong ngumiti siya sa akin base sa pagsingkit ng mata niya. Parang nagwala na ang mga tao dahil sa simpleng ginawa niya. "Nandito na ngunit hindi maamin, At hanggang sa aking muling pag idlip. Laging mananatili sa labi, Mga ngiting naiwan, Nang sandaling masilayan ka, Sa puso'y mananatili."

Natulala ako sa ganda ng mata niya. Parang nangungusap.

"Na kapiling ka, Iniingat-ingatan o aking sinta, Dinadalangin sa bawat gabi ay ikaw."

Naramdaman ko ang pagpisil ng kamay niya sa kamay ko at pinanlakihan niya ako ng mata. Oo nga pala, kumakanta pa pala kami.

"Laging mananatili sa labi, Mga ngiting naiwan, Nang sandaling masilayan ka, Sa puso'y nandito palagi, Sa puso'y mananatili."

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi ko kahit may suot pa siyang mask. "I save you, King Red." Bulong niya sa akin at nagmadaling umalis sa stage. Bago pa siya makababa ay hinubad niya ang suot na mask at nakita ko ang mukha niya. Maamo ang kanyang mukha. Isang anghel ang nakasama ko.

Nang susundan ko siya ay biglang nagsalita ang emcee kaya nanatili na lang ako sa stage. "Who are you?" Pabulong kong tanong. I will do my best to find her.

Behind His Lonely Fierce ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon