Chapter 9

875 35 6
                                    


Chapter 9



"Kuya! I'm scared!"

"Huwag kang matakot. Kuya is here. I will protect you."

A teenager boy hug me. I'm so scared. Anong gagawin ko kapag nawala siya sa tabi ko? Kuya..." Yumakap ako ng mahigpit sa kanya. Habang yakap ko siya nang biglang bumukas ang pintuan at nagsipasukan ang goons na kumidnap sa amin.

"Pare, paglaruan natin itong babae. Ang gandang bata."

"No! Don't ever lay your hands to my sister." Itinago niya ako sa likuran niya.

Napatili ako ang nang biglang sinuntok ng isang goon si Kuya. Hinila ako ng kasama nito palayo sa kasama ko. "No! Don't touch me! Kuya T—" Nandilim ang paningin nang may kung anong hinampas sa ulo. "Kuya—"



"Kuya!"

"Bella..." Napalingon ako kay Yllac. Puno ng pag-aalala ang mukha niya. Yumakap ako ng mahigpit sa kanya. "Anong napanaginipan mo?"

"Si Kuya..." Halos pabulong kong sabi.

"Kuya?"

Pinipilit kong alaalahanin kung sino ang binatang kasama ko doon sa panaginip ko. Hindi ko maalala kung ano ang mukha nito pati ang pangalan nito. "H-Hindi ko maalala." Lumayo ako kay Yllac at nilibot ko ang paningin ko. Nasa loob kami ng kotseng nagsundo sa amin sa airport. Naka-park na ito.

"Are you okay now?" Tumango ako. "Pumasok na tayo sa loob."

Sabay kaming lumabas ng kotse. Nang maglalakad na ako ay bigla akong nakadama ng pagkahilo. Mabuti na lang at nakaalalay sa akin si Yllac. "Huwag muna tayo pumasok. Sandali lang."

Impit akong napatili nang bigla niya akong kinarga. "Maaraw at hindi ka pwedeng magtagal sa arawan."

Nanahimik na lang ako habang naglalakad si Yllac. Pinagmasdan ko ang mukha niya at nakadama ako ng galit sa kanya. Sobrang galit na to the point na gusto ko nang mag-burst pero hindi ko magawa.

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng bahay ng pamilya ni Yllac. Kitang-kita ang karangyaan nila. Simula sahig hanggang sa taas. Napakaganda rin ng chandelier na iisipin ninuman na nasa loob sila ng bahay ng isang royal family.

Dahan-dahan akong iniupo ni Yllac sa sofa. Nanlaki ang mata ko nang biglang sumulpot si Cassandra at tinuhuran ang tukmol kong asawa. "Argh!" Napaluhod siya sapo-sapo ang pinaka-iniingatan niyang yaman.

"Gago ka! Anong ginawa mo sa best friend ko?"

Kitang-kita ko ang galit sa mukha ni Cassandra na dahilan ng pag-iyak ko ngayon. Pakiramdam ko nagkaroon na ako ng kakampi ko ngayon.

Nilayo ni Yohann kay Yllac si Cassandra. "Bitawan mo ako! Papatayin ko 'yang gagong kuya mo! Hoy ikaw!" Tinuro ng best friend ko si Yllac "Anong karapatan mong sirain ang buhay ng best friend ko at pinsan ko? Dapat sa katulad mo, pinapatay!"

Napakagat labi ako. "Bessie, tama na."

"Bessie..."

"Gusto ko na magpahinga."

Dahan-dahang tumayo si Yllac kahit kita pa rin sa mukha niya na masakit pa rin ang nasa gitna niya. "Ihahatid na kita sa kwarto—"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ayokong kasama ka! Gusto ko si Cassandra ang kasama ko."

Lumapit sa akin si Cassandra. "Bessie..."

Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. "Gusto ko na matulog. Tabi tayo, bessie." Tumango si Cassandra at inalalayan niya akong tumayo.

Behind His Lonely Fierce ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon