Chapter 11

863 29 6
                                    



Chapter 11



Nginitian ko si Arabella ng napakatamis kahit na sumasakit ang ulo ko. Kanina pa kami magkasama at naglilibot sa mall. Nagkatagpo kanina ang landas naming dalawa sa isang OB Gyne clinic. Magpapa-checkup rin sana siya doon kaso bad influence ako kaya hayun, sumama sa akin na tumakas sa mga asawa namin. Pasaway ko talaga.

Nang sinabi sa akin kanina ni Arabella ang buong pangalan niya at pati na rin ng asawa niya, hindi na ako mapakali. Parang may pilit na pumapasok sa isip ko pero hindi magawang makapasok.

Pumikit ako. "Aaah! This is life!" Sumandal ako sa upuan. Kumuha ako ng fries at isinawsaw ko muna iyon sa sundae bago isubo.

"Tama ka. Ngayon ko lang ulit ito naranasan." Uminom naman ng coke float si Arabella.

"You know what, kanina pa ako ginugulo ng pangalan ng husband mo ang utak ko." Sabi ko na hindi man lang tumitingin kay Arabella. Tiningnan ko ang iniinom kong float. Bawal ito sa aming mga buntis. Hindi lang talaga namin mapigilan ni Arabella na bumili nito at uminom.

Hindi naman na ulit mauulit kaya last na talaga ito.

"Bakit?"

Kumibit balikat ako. "I dont know. Baka trip ng utak ko na gamitin ang name ng asawa mo sa next novel ko tapos partner kayong dalawa. Ay ang saya!" Pumalakpak ako. "Arabella and Trace lovestory. Ay bongga talaga!" Tatapusin ko na ang book 1 ng nobelang sinusulat ko tapos uumpisahan ko na ang kay Arabella. Excited na ako!

"Naku! Kayo ng asawa mo, nagawan mo na ng novel?"

I rolled my eyes. "Hay, huwag ka na umasa pa. Hindi panglibro ang kwento ng buhay namin. Oh speaking of the devil, aalis na ako. For sure papunta dito 'yon kapag na-detect na ako ng kakilala niyang magaling na tracker." inubos ko ang iniinom kong coke float at sinulat ko ang cellphone number ko sa isang tissue paper. "Tawagan mo ako ah." Iniwan ko na kaagad si Arabella.

Dumeretso kaagad ako sa garden ng mall at huminga ng malalim. Muling sumakit ang ulo ko.

"This crown is for you, hija." A lady put a crown at the top of my head. A very beautiful crown. "You are the princess of our family."

"Thank you, 'Ma!" Niyakap ko ito ng buong puso.

"Happy birthday, bunso!" May isang binata na lumapit sa akin at binigay sa akin ang isang maliit na box.

Kaagad kong binuksan iyon at nanlaki ang mata ko nang makita ko ang gustong-gusto kong bilhin na bracelet. "Oh my gee! You told me, Kuya, that this bracelet is not suited to me."

"I'm just joking. Of course it fits for you, bunso."

Mariin akong pumikit. Ang daming memories na pilit pumapasok sa isip ko. Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ang tawag. "Y-Yllac? Where are you?" Napakagat labi ako nang gumuhit ang sakit sa ulo ko. "A-Ang sakit ng ulo ko."

"Papunta na ako d'yan. Huwag kang aalis sa pwesto mo." Then the call ended.

"Argh!" Minasahe ko ang ulo ko.

"I-I'm sorry, Kuya."

"Damn you! Its all your fault kung bakit hindi ako nakapasok sa loob. Sino ba kasing nagsabi sa iyo na sumunod ka sa akin?"

Yumuko ako. "K-Kaya lang naman ako sumunod sa iyo kasi nag-aalala ako sa'yo."

"Bwisit!" Then he walked away.

Behind His Lonely Fierce ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon