Chapter 2

1K 43 4
                                    



Chapter 2



Napatingin ako sa suot kong wristwatch. Its already four o' clock in the afternoon. Isang oras mahigit na akong naghihintay kay Ciro. Halos naka-isa't kalahating chapter na ako ng sinusulat kong manuscript. Pang-ilang beses na ba itong pinaghintay niya ako ng matagal? Tatlo? Apat? Lima o higit pa?

Huminga ako ng malalim at pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko pero kalaunan ay huminto na rin ako. Hindi na ako makapag-concentrate dahil sa pagkainis ko kay Ciro.

"Hey! Its nice to see you again!"

Umangat ang tingin ko at nakita ko ang lalaking noong isang araw ko lang nakilala. "Yllac!"

Umupo si Yllac sa katapat kong upuan. Pinatong niya sa tapat ko ang isang caramel macchiato. "For you. Ikaw kaagad ang nakita ko pagkapasok ko ng coffee shop kaya binilhan na rin kita ng kape."

"Thank you. Favorite ko itong caramel macchiato." Kaagad akong humigop ng kape.

"I know."

Kumunot ang noo ko. "Paano mo naman nalaman?"

"Napansin kong same ng mug ng caramel macchiato ang mug na kinuha ng waiter sa table mo kaya iyon ang binili ko."

"Aaah." Marahan akong napatango.

"Mahilig ka ditong tumambay?"

Marahan akong tumango. "Favorite kong working place dito. Ang cozy ng paligid. Nakakakalma at talagang nakaka-inspire magsulat. Plus the fact na pumapayag silang magpahiram ng books dito."

"You're a writer?"

"Oo." Kimi kong sagot.

"Wow! Ilang years na?"

"Sa publishing world? Magti-three years na."

"Ang dami mo na sigurong na-published na libro at saksi ang lugar na ito sa mga sinulat mo."

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng café. "Yeah pero hindi talaga trabaho ang dahilan kung bakit ako nandito."

"May ka-meet up ka ba dito?"

"Oo. Supposed to be kanina pa dapat siya nandito pero hanggang ngayon ay wala pa siya."

"Who is that person?"

"My boyfriend." Hindi ko alam kung guni-guni ko lang na makita sandali ang inis sa mata ni Yllac.

"Hindi ka dapat niya pinaghihintay ng matagal."

"Busy siyang tao kaya ayos lang sa akin. He's a doctor and maybe right now, he need to save a life."

"Pero maliligtas ka ba niya kapag may nangyaring masama sa iyo habang hinihintay mo siya? Hindi naman, 'di ba?"

Natigilan ako sa sinabi ni Yllac. He's right. Hindi ako maliligtas ni Ciro once na may nangyaring masama sa akin dahil sa paghihintay sa kanya. Bumuntong hininga ako. "Ganoon talaga. Mas magandang unahin niya ang mga pasyente niya. Kailangan nila siya. Ikaw? Bakit ka pala nandito? Mahilig ka rin bang gumawi dito?"

"Minsan lang. Nawawala ang stress ko sa buhay kapag nandito ako habang binabasa ang mga gawa ng favorite kong writer." May pinakitang libro sa akin si Yllac na kinalaki ng mata ko. I wrote that book!

"Anong chapter ka na sa Black Rose?"

He smiled at me. "Chapter six. Reader ka rin ba ni Bella Santos?"

Behind His Lonely Fierce ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon