Chapter 10

871 29 5
                                    



Chapter 10




"Hindi mo ba gusto ang pagkain?"

Umangat ako ng tingin. Lalo akong na-badtrip nang makita ko ang mukha ni Yllac. "Nawalan lang ako ng gana. Nakaka-badtrip kasi 'yang mukha mo. Sarap bangasin. Ang pangit mo pala." Mahina siyang tumawa habang napapailing na lalong nagpainis sa akin. "May nakakatawa ba?"

"Totoo palang kinaiinisan ng mga buntis ang asawa nila. 'Yung tipong naba-badtrip silang makita ang asawa nila. Epekto daw ng pagbubuntis nila."

Pagak akong tumawa. "Except sa akin, okay? Simula noong ginawa mo iyon sa akin, badtrip na talaga ako sa iyo." Sunod-sunod akong sumubo ng spaghetti. Nilantakan ko rin ang french fries. Nasa Jollibee kami ngayon dahil gusto ko talagang kumain dito kaya no choice si Yllac. Napapansin ko rin na panay ang tingin sa amin ng ibang customer dito.

Nginitian lang ako ni Yllac at pinunasan niya ang gilid ng labi ko. "Ang messy mo talagang kumain ng spaghetti."

Naramdaman ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. "B-Bakit kailangan mo pang gawin 'yan? Kaya ko namang punasan ang dumi sa mukha ko."

"Dahil gusto kong maramdaman mo na nagki-care ako sa iyo."

"Di nga? Nagki-care ka sa lagay na 'yan ah."

Tumikhim siya. "Napapansin ko na tuwing ginigising mo ako ng madaling-araw, bukas pa ang laptop mo. Huwag mong sabihin sa akin na nagpupuyat ka, Bella."

Umiwas ako ng tingin. "Hindi lang ako makatulog ng maayos."

Bago pa magsalita si Yllac ay biglang tumunog ang cellphone niya. "Sasagutin ko lang ito. Dito ka lang."

Tumango ako. Hinalikan niya ako sa labi bago ako iwanan papunta sa comfort room. Ngumisi ako at nagmadali akong lumabas ng Jollibee dala-dala ang fries. Ngayon lang ako nakatakas kay Yllac at super great nito!

Naglibot-libot ako sa loob ng mall. Pumasok ako sa shop ng mga damit pambata. Tiningnan ko ang mga damit para sa baby. Ang gaganda. Hinaplos ko ang isang baby socks na lion ang design. Kinuha ko iyon. Sa tingin ko babagay ito sa baby ko.

Binayaran ko ang lion socks kahit na may kamahalan iyon. Ibibigay ko ang lahat para sa baby ko kahit pa maghirap ako. Pagak akong tumawa. Parang kailan lang noong sinabi ko na hindi ko tanggap ang baby ko tapos ngayon isang mabuting ina na ang inaakto ko. Siguro ganito lang ang nararamdaman ng isang ina kapag nagkaroon ng threat ang anak niya. Katulad ng sa akin noong nag-offer ang OB na nag-checkup sa akin na i-abort ko ang si baby.

Paglabas ko ng shop ay dumeretso na ako sa isang bookstore. Ganito naman palagi ang gawi ko noon kapag pumupunta ako ng mall. Pumunta ako sa stall ng mga pocketbook. May nakasabay pa akong isang babae. Magandang babae. Nainggit tuloy ang beauty ko sa sobrang ganda ng babae.

Pasimple ko siyang tinitingnan. Mukhang nahihirapan 'yung babae na pumili ng babasahing pocketbook. Tumikhim ako. "Magaganda lahat ng novel d'yan lalo na 'yung sulat ni Bella Santos." Syempre tamang promote na rin ng mga sinulat ko. Ako pa!

Ngumiti siya sa akin at kinuha ang isa sa mga sinulat kong libro. Ang Loving Someone. Binasa niya ang teaser ng libro. "Mukhang maganda nga."

"Sana magustuhan mo ang libro."

"I think I will like her works." Kinuha ng babae ang iba ko pang sinulat na libro. Aba! Magkakaroon ata ako ng panibagong reader. "Gawa niya ang unang pocketbook na mababasa ko."

Behind His Lonely Fierce ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon