Tadhana, ito ay isang matalanghaga na minsan ay nanggugulat na lang bigla, na sya ang nakatakda ng di mo alintana, nasa harap muna dahil ito ay nakatakda.
....."Tawag ka ni mama..
Walang buhay na sinabi sa akin ng aking butihing kapatid, tumango lang ako sa sinabi nya.
Akala ko simpleng pagtawag lang iyon ng aking ina dahil marahil ay uutosan ako o di kaya may itatanong ito sa akin, pero mali, dahil may naabutan akong di kilalang tao na nakapaligid kina mama at papa. Di ko sila kilala pero sa tingin ko, kilala nila ako."Ma, bakit po?
Itinaas ni mama ang kamay nya para iabot sa akin ang kanyang kamay.
Teka, pamilyar sa akin ang may edad na babae at nakasuot na salamin pero hindi ko sure kung tama lang ang hinala ko na kilala ko ito o baka nagkamali lang ako."Anak, naalala mo ba ang ngyari nung sampung taong gulang ka palang, dinala ka namin ng papa mo sa maynila para bumisita sa tita mo, nawala ka paningin namin ng sa may terminal, at nakita ka lang namin sa isang hospital at dugoan ang damit mo.
Nakataas lang ang aking mga mata habang sinusundan ang kwento sa akin ni mama, parang may biglang bumalik sa aking alaala pero hindi ko lang sure ito dahil sobrang labo nya sa aking alaala.
"May inilagtas kang babae, at dahil sa iyo, buhay pa sya hanggang ngayon.
Nakangiti si mama sa akin habang nagkukuwento, tiningnan ko babae sa harapan ko at pati ito ay nakangiti na din sa akin.
"Sya iyon anak, sya ang iniligtas mo nun sa kahabaan ng kalsada at nakita mo syang dugoan, at tumakbo ka sa malapit na hospital at sinabi mong may nakita kang dugoan at iniligtas mo sya anak."Iha, sampung taon na din ang nakalilipas, ang laki-laki mo na.
Nagulat ako ng hinawakan nya ang aking mga kamay at umiiyak sya habang sinasabi nya ito sa akin.
"Naalala mo ba ang ipinangako ko sa'yo?
Umiling ako at tiningnan lang sya ng maiigi dahil ang tanging naalala ko lang ay yung nakahiga sya nun sa hospital at tiningnan ko lang syang walang malay at nakahawak lang ako sa kamay nya habang nag-iiyak ako.
"Tutuparin ko ang pangako ko sa'yo iha, tutustusan ko lahat ng pangangailangan nyong mag-pamilya, at pati ng pag-aaral mo at ng kapatid mo ay isasagot ko.
Sa takdang panahon, gaya ng ipinangako ko sa'yo, ipapakasal kita sa apo ko.
Nagulat ako sa sinabi nya at biglang nag sink-in sa aking alaala.***********
"Lola, wake up!
May isang batang lalakeng may edad na pitong taong gulang, mas matangkad ako sa kanya."Ssshh, magigising din si lola son, don't cry.
Nakatingin lang ako sa kanila at dumating bigla ang mga magulang ko at kasama ng mama ko at papa ko, nagulat sila dahil nasa isang private hospital ako kasama ang pamilyang hindi ko pa kilala.
"Kayo ho ba ang magulang sa batang nagligtas sa buhay ng mommy ko?
Yung babae kanina ay nagsimula na ding umiyak at niyakap nya ako.
"Maraming salamat, at iniligtas mo ang buhay ng mommy ko, salamat dahil buhay pa sya hanggang ngayon.
Hindi ko maintindihan ang ngyayari ang alam ko lang ay ayaw kong nahihirapan ang matandang babae na nakita kong dugoan habang yung kotche ay wasak-wasak sa harapan ko.Hindi ko alam pero simula nung mga araw na iyon ay hindi na kami pinaalis, bagkus ay pinatira nila kami pansamantala sa magandang bahay, habang hinihintay ang pagising ng matandang babae na iniligtas ko.
Lumapit ako sa matandang babae nung nagising sya at nakangiti ito sa akin.
"Salamat iha, utang ko ang buhay ko sa'yo."Lola, okay na po ba kayo?
Ngumiti lang sya sa akin at tumango sa akin.
Nagulat kaming dalawa ng pumasok sa kwarto nya ang apo nya at umupo ito sa bed nya.
Nakatingin ito sa akin at ako naman ay nakatingin din sa kanya dahil ka edad sya ng kapatid ko."Lola, when I grow up. I will marry her.
Kumunot lang ang aking noo nun at tumawa ng tumawa yung lola habang hinihimas ang ulo ng apo nya.
"I am serious lola, don't laugh, I will marry her someday.
BINABASA MO ANG
Tadhana
Romance(M A Y W A R D S T O R Y) Mga bagay na di maipaliwanag na kusang dumarating ng di inaasahan. Mga taong umaalis, at iiwan ka dahil kasama ito sa nakatakda. Yung akala mo, pero hindi sya nakatakda sa tadhana. Yung akala mong wala ng pag-asa pero sa d...