K A B A N A T A A N I M

347 28 5
                                    

Limang oras ko syang natiis hanggang sa makarating na kami sa mismong lugar, bubuksan na sana nya ang sasakyan ng bigla kaming natigil sa pagdating ng mga kamay ni Dodong sabay tulak nya doon sa Donny at hinablot agad ako mula sa loob.
Hindi na ako naghintay at nagpahatak na din ako kay Dodong dahil gustong gusto ko na din talaga makalabas sa van na iyon, grabi yung kapit ko sa mga braso ni Dodong habang palayo na kami doon sa Donny na iyon, para syang tatay ko na kasumbungan ko na ngayon. Lumingon ako sa likod namin.
Ngumiti lang yung Donny at di man lang natinag sa angas na pinakita ni Dodong sa kanya ngayon.
"What is now? What is this huh?!
Sabay tulak nya din sa akin dahil galit din ito sa akin.
Aray, grabe sya makatulak, di ba sya aware na kahit ganito kami, mas matanda padin ako sa kanya? Kung makasigaw sakin?
Batang to!
(--.)

"Pilit nya akong pinasakay doon sa van, di na ako makababa dong!
Sabay hilamos nya sa mukha nya na akala mo ay mabubugbog na nya yung Donny anytime.
Nagpapawis ba sya pag galit? Umayos kaya sya, ako naalidbadbaran sa kanya e.
"Sinabi ko sa kanya na may asawa na ako!!!
Sinigaw ko to sa kanya para mahimasmasan sya, batang to, daig pa ako sa highblood e.
Natigil sya sabay harap sa akin, tumango lang ako sa kanya dahil totoo naman diba? Sinabi ko yun doon sa Donny.
Nagulat ako ng hinaplos nya ang ulo ko at kahit di sya nakangiti ay nawala yung inis nya ngayon.
Inalis ko naman agad ang kamay nya sa ulo ko.

"Sasama ka sakin sa tent.
Nagulat ako ng hinila nya ako at kahit yung mga tao ay nakatingin na sa amin dahil magkahawak na kami ngayon ng kamay, pati yung Monica ay nakatingin sa amin ng nilampasan namin sya.
Parang di sya makapaniwala pati na din yung mga nakakakita sa amin sa buong paligid namin.
Nakayuko lang ako at nagpahatak nalang din sa kanya.
Alam mo yung feeling na tatanggapin mo nalang ang lahat na kahihiyan, para maibsan yung takot na nararamdaman mo kani-kanilang lang?
Sakit sa ulo kasi yung Donny e, akala mo laroan lang ang tao at pwede nyang paglaroan.
Feeling ko tuloy, may Dodong the second e. Nakakainis din itong batang to e. Mayayaman talaga.

Sa oras na ito, okay na din ang comfort ni Dodong, para maramdaman ko naman na may kasama ako sa lugar na ito.
Takot na takot talaga ako sa limang oras na nakalipas eh, naiisip ko palang yung Donny, parang ayaw ko ng ngumiti.
Sarap nyang ihagis sa sampung palapag ng building, buti nalang at hindi ako murderer, kasi naku!
Isa nalang talaga.

"Umupo ka dun.
Utos sa akin ni Dodong sabay lapag nya ng maliit na upoan.
Isa-isa na nyang ikinabit yung tent, nakatingin lang ako sa buong paligid, grabe kasi maka lawak ng lugar na ito e, pwede na nang pang horror e.
"Dito ka sa kabila, dito ako.
Tumango lang ako sabay tingin doon sa isang tent malapit sa tent nya.

"Nakakatakot ba talaga dito?
Sabay pasok ko sa mga gamit ko doon sa tent.
Natawa sya sa sinabi ko sabay hagis nya sakin ng isang unan.
"Aray ko!!!
Sabay himas ko sa aking braso na hinagisan nya ng unan.

"Natatakot ka na nyan? Pero kapag nanalamin ka? di ka ba mas natatakot?
Tinaasan ko sya ng kilay, anong sinasabi nya?

"Mas mukha kang multo!
Hinagis ko ulit sa kanya yung unan, nang-aasar na naman kasi sya e.

"Gwapong multo kamo! Hahahaha!
Inikotan ko sya ng mga mata sabay belat sa kanya.
Gwapo sya pero mas gwapo yung pagka-hangin nya, pwede na syang gumawa ng ipo-ipo!
"Wag kang mag-alala, pag minulto ka, tumakbo ka lang sa tent ko at yakapin mo ang asawa mo, that's it.

"Ba't naman ako tatakbo sa'yo, ikaw yung multo dito e!
Pumasok na ako ng tent at sinarhan agad.
Ayan na naman kasi e, manunukso na naman sya, alam na nya kung asan nya ako pwedeng asarin e, pikonin pa naman ako.

"Magbihis ka na jan, at dito ka kakain sa tent ko.
Nagsalita sya sa labas ng tent ko.
Masyado syang maalaga sa ganyang edad nya, ang aga nyang nag matured.
Kunsabagay, ikaw ba naman ipakasal ng maaga, ayan tuloy kargado na nya ako ngayon, at kaylangan pa nya akong samahan kahit di naman kaylangan.

Nagbihis na ako at naabutan ko syang nakatayo sa labas ng tent ko, hinintay nya ba ako? Pwede naman sa loob na lang sya e, naawa tuloy ako sa kanya, ang lamig kaya sa labas, lalo na at nasa malamig kami na lugar ngayon.
Batang to!
"Ang tagal mo! I'm starving.

"Bakit ka kasi andyan, ang lamig-lamig!
Sabay pasok namin sa loob ng tent nya, medyo may kalakihan yung loob ng tent nya.
Hayahay tong lalakeng to e.
"Ikaw ba naghanda nito?

"Syempre hindi, nakikita mo yan?
order ko lahat na yan, para sa ASAWA ko.
Napatingin ako ng masama sa kanya, lagi nyang ne-r-rewind nya yan, alam mo yun?
Feeling ko tuloy ang tanda ko na.

"Salamat ah, ang bait mo dong!
Sabay ikot ko sa aking mga mata sa kanya, ngumisi kasi sya na parang nang-iinis talaga sya.

"Kumain ka lang jan.
Tumingin ulit ako sa kanya dahil abala na naman sya sa cellpone nya, hindi na ulit nya ako pinansin hanggang sa natapos ko na yung pagkain ko.
Napaka-adik naman ata nitong si Dodong sa laro, pati pagkain nililiban.

"Mamaya na nga yang laro-laro na yan, kumain ka na kaya!
Natigil sya at agad naman nya pinatay ang phone nya at kumuha na ng pagkain nya.

"Napaka-sweet naman ng matandang asawa ko.
Bumuntong hininga ako sa sinabi nya, totoo naman yun, pero nakakainis.
Mas matanda nga ako sa kanya pero hindi pa ako matanda, okay?

"Okay, makinig ka sa mas nakakatanda sayo okay? Puro ka laro e, baka mamaya nasa screen ka na, kasama mo na si supermario.
Nakangisi lang ito sabay shrug.
Kahit humirit ako ng pang-asar sa kanya parang talo padin ako sa kanya.
Ano ba yan!
"Minsan sarap mong suntukin, sige, mang-asar ka pa!

"Mas matanda ka pa naman sa akin a, wala naman akong sinabing mali?
Hindi na ako humarap sa kanya, sya na, sya na mas bata!
"Wag kang mag-alala, pag matanda ka na, aalgaan kita, okay?

"Baka ikaw ang aalagaan ko, baka mag habol-habolan kapa jan sa batang kalaro mo na si supermario e.
Murmur ko habang sya ay abala parin sa pagkain nya.

"Bahay-bahayan ang gusto ko, so ano, tara game?
Inikotan ko lang sya ng mga mata, inayos na nya ang pagkain nya at ako ay lumabas na din, uusok ng asar kapag di pa ako lalabas.
"Nagdala kaba ng kumot at unan mo?

"Wow, concern citizen kana ngayon ah, opo, nagdala!
Tumayo na ako at tumungo na sa tent ko.

"Eh, manang, ASAWA po kita, concern talaga ako sayo.
Napakagat ako sa itinawag nya sa akin, anong manang?

"Huwag mo nga akong tawagin nyan!
Sabay form ko ng kamao ko pasuntok.
Sya naman parang wala lang sa ginawa ko.
"DODONG!!

"MA-NANG hahahaha!!
grr, kainis naman, sa lahat ng pwedeng asarin, manang talaga?
Ganun na ba ako ka gorang? 20 palang ako!

"CHEH!!!!
Padabog akong pumasok ng tent at kahit sa pagsara ng tent ay di ko maayos-ayos, nakakainis din tong batang to e, kunsabagay, paglalaro nga ng ML sa phone ay para syang batang kumakain ng lollipop habang naglalaro, sino ba ang trip nya? Syempre ako, na pikonin sa batang katulad nya! Grr!
Mula sa labas ng tent, narinig ko ang maingay na grupo na tila kakarating palang, marahil ay grupo iyon ni Dodong, at mula dito sa tent ko, narinig ko ang tili nung Monica sa labas.
Grabe, ano bang ginagawa nila? Para silang nasa bar sa ingay ah.
Hayst.
Kainis tong field trip na ito!

#J U N C E M A N H I D

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon