Dalawang buwan na rin ang nakalilipas.
Ganun parin ang buhay mag asawa namin, tago padin at maingat.
Hindi ko alam kung bakit, pero simula nung nag away kami ni Dodong tungkol kay Christian.
Nag-iiwas na ako sa mga lalake, pero hindi ko maintindihan, pinagbabawalan nya ako sa iba pero sya, walang nagbago dahil yung Monica anjan parin eh, nakapaligid parin sa kanya.
Hindi ko tuloy alam kung saan ako naiinis eh, sa kanya ba o dun sa Monica, pero bakit ba ako maiinis? Kung iyan naman ang gusto ni Dodong, bahala sya.Nagniningning ang aking mga mata ng makita ang resulta ng aming prelim exam, yes! I got, 75 out of 100 items, wow.
(--.)
"Okay lang yan friend, ganyan talaga, ako nga naka 68 lang eh, hindi naman din nambabagsak ang paaralan na ito, isa itong private, tayo ang nagbabayad ng salary sa mga professors natin.
Sabay tapik nya sa aking mga braso."Average lang talaga IQ ko, anong magagawa ko?
Sabay tugon ko sa kanya ng isang tango.
Lalabas na kami ng library ng matagpuan ng aming mga mata ang parating na grupo, sila Dodong."Kung ako asawa ng gwapo mong asawa, inunudnud ko sa kanal ang babae na yan.
Sabay turo nya doon sa Monica.
Hindi ko din alam kung bakit may kunting inis ako, hindi ko nga alam kung san sa kanila eh, kay Monica ba o kay Dodong?
Baka sa writer.
(++.)
Ilang buwan na rin sila ganyan at hindi ko talaga alam kung saan ko hahanapin sa Google yung inis ko ngayon.
Alam mo yun? Ginawa mo na ang part mo pero sya, wala, nganga.
"Alam mo girl, gimik tayo, tara, wag na nating pansinin yang asawa mong pabaya!
Sabay hila sa akin."Saan to?!
Pangamba kong tiningnan si Josie na ngayon ay may hawak ng mga alak at pa swing-swing pa kasabay ng beat ng tugtug."Bar to ng pinsan ko, si Christian? I Invited him at mamaya-maya andito narin yun.
Napanganga ako sabay tingin ko sa likod, andyan na sya!"Hi, sorry insan may customer pa kasi kanina.
Tumango lang sa kanya si Josie.
Ngumiti ito sa akin sabay upo sa tabi ko."Hey, long time no see.
Tinapik ako ni Josie sabay lagay nya sa harap ko ng isang alak.
Napatingin ako kay Christian na ngayon ay umiinom na ng alak.
"Kung hindi lang masama to judge, iisipin kong iniiwasan mo ko.
Napalunok ako sa sinabi ni Christian sa akin, tama sya, iniiwasan ko nga sya dahil kay Dodong, pero sya, hindi nya tinupad ang deal naming dalawa.
Napakagulo kasi ng batang yun eh."Naku insan, tanong ka ng tanong, bigyan mo na lang ng alak yan para mawala na ang problema nyan.
Tiningnan ko yung inabot sa akin ni Josie, at napalunok."May problema ba sya?
Sabay lagay nya ng ice cubes yung baso na may alak."Hindi ako umiinom.
Nagulat ako ng pareho silang tumawa sa sinabi ko.
May mali ba akong sinabi?"Diba bad trip ka? Subukan mong uminom, ngayon lang, para kahit papano, saglit na mawala mo yung problema mo.
Ngumiti lang sila sa akin at sabay nilang hinintay ang sasabihin ko."Hindi talaga ako umiinom.
Nag shrug lang si Josie at hindi na lang nya ako pinilit.
Tumunog yung phone ko, at nakita ang message na galing kay Dodong.
"Where are you? It's late to a dinner".
Pinatay ko agad yung phone dahil nakadama ako ng kunting inis at kinuha ko sa harap nila ang alak at ininom ko yun ng buo na walang tigil."Wow!
Nag apir silang dalawa habang tawang-tawa sila sa akin.
"Yuwn!!!!Dalawang oras, tawanan at hindi mapalagay na posisyon, iyan kami sa aming table.
Napakaingay ng lugar na iyon at ang sakit-sakit sa teynga.
Nahihilo ako, bakit ba ako nahihilo?
"Friensshh, inomssh kafahh.
Ngumiti ako sabay bagsak ko sa aking ulo sa table, hilong-hilo na talaga ako eh, hindi ko na.
BINABASA MO ANG
Tadhana
Romance(M A Y W A R D S T O R Y) Mga bagay na di maipaliwanag na kusang dumarating ng di inaasahan. Mga taong umaalis, at iiwan ka dahil kasama ito sa nakatakda. Yung akala mo, pero hindi sya nakatakda sa tadhana. Yung akala mong wala ng pag-asa pero sa d...