Halos di na ako nakatulog kagabi dahil sa ingay nila sa labas ng tent ko, kahit nag ikot-ikot na ako ng higa at kahit ilang patong ko na ng unan sa teynga ko, wala pa din, ayaw talaga pumikit ng mga mata ko sa ingay nila!
Bangag tuloy ako at parang kasama lang din ako sa pagpupuyat ng bonding nila mag-b-barkada.
(-.-)Nagulat ata kami pareho ng minsan akong nadaan sa kaliwang banda ng tent ko.
"Hoy Josie!
Tumakbo ito palayo sa akin, anong ngyayari sa kanya?
"Hoy! Anong ngyayari sayo?Nagulat ako ng bumuntong hininga muna ito bago nya ako hinarap.
"Wag akong tanongin mo nyan okay?
Tanongin mo yang gwapo mong asawa kung anong ginawa nya sa pinsan ko."Kay Christian?
Nagulat ata sya ng makitang parang bago itong impormasyon na ito, sa akin.
"Anong ngyari sa kanya? Wala akong balita sa inyo e."Hindi ba nya sinabi sayo? Binugbog lang naman nya ang pinsan ko at na-iconfine lang naman ito sa hospital.
Napanganga ako sa sinabi nya, ano daw? Binugbog nya si Christian?
Bakit nya binugbog?!
"Wala kang malay na dinala ka mula sa bar, at iniwan nya yung pinsan ko na bugbog sarado, hindi ko alam e, ano bang problema nyang asawa mo ha! Sya na nga tong iniiwan ka at sya patong may ganang bugbogin ang pinsan ko, we are just here, accompany you!
If he is jealous to my cousin, he should tell him not, to punch him!"Hindi ko alam yung ngyari, pasensya ka na, kaya pala di ko na kayo nakikita e?
Ano ba yung sinabi nya, di naman nagseselos yung batang yun, baka nagbibinata at feeling nya pwede na syang manuntok ng kung sino-sino.
Yumuko ako sabay kamot sa ulo, ako yung nahihiya sa ginawa ni Dodong e, napaka-violent ng ginawa nya.
"Ako nalang yung humihingi ng depensa sa ginawa nya, pasensya ka na at dahil sakin na bugbog si Christian."Whatever.
Natigil sya ng pinigilan ko sya na paalis na sa gawi ko."Ikaw lang ang kaibigan ko sa school, sana naman hindi dahil jan magkaka-problema ang pagkakaibigan natin.
Nakayuko lang ako dahil hindi ko sya matingnan sa mga mata, alam kong pati sa akin ay galit sya."Wala namang magbabago e, kaibigan parin naman tayo, ano kaba!
Napatingin ako sa kanya at napangiti sa sinabi nya.
"Ang oa naman kung iiwan kita sa ere girl."Salamat ah, akala ko, wala ka na talaga.
Niyakap nya ako sa sinabi ko, ang totoo sa isang linggo na wala si Josie, pakiramdam ko napaka-loner kong tao, may mga nakakasama at nakakausap naman ako, pero sya lang kasi ang may alam ng kalahati ng sekreto ko kaya comportable talaga ako kapag anjan sya."Sya nga pala, nakita ko yang asawa mo kanina, kasama na naman yung babaeng akala mo sya ang asawa, ayun, nasa camp B, kumakain ng sabay, hindi ka man lang pinuntahan para pakainin ka, ano ba namang asawa yan!
Nag ekis ang dalawang kamay ni Josie at naiinis na tiningnan yung gawing kanan.
"Hindi talaga ako kontra jan sa asawa mo e, pero sa mga ginagawa nya sayo, nakakainit ng ulo.
Nangiti nalang ako sa sinabi nya, kahit papano, hindi narin masama na napunta ako sa skwelahan ni Dodong, kasi nakilala ko ang isang mabuting kaibigan."Actually, ako yung tumanggi sa kanya nung pinuntahan nya ako sa tent.
Napatingin sya sa akin sa sinabi ko, at ako naman ay bahagyang napasuklay sa buhok ko.
"Kasama nya kanina yung Monica kaya di na ako sumama sa kanila."See? Hanggang dito ba naman nakadikit padin yang babae na yan!?
Hiponin ko yung mukha nun e!
Napahawak ako sa kamay nya dahil parang susugod sya doon.
"Sabihin mo nga sa akin, mag asawa ba talaga kayo? Bakit mo, hinahayaan ang asawa mo na may kasamang iba?Napabuntong hininga ako sa tanong nya, oo nga pala, di ko pa nasasabi sa kanya ang estado talaga namin ni Dodong bilang mag asawa.
"May sasabihin ako sayo, pero doon na muna tayo sa tent ko.
BINABASA MO ANG
Tadhana
Romance(M A Y W A R D S T O R Y) Mga bagay na di maipaliwanag na kusang dumarating ng di inaasahan. Mga taong umaalis, at iiwan ka dahil kasama ito sa nakatakda. Yung akala mo, pero hindi sya nakatakda sa tadhana. Yung akala mong wala ng pag-asa pero sa d...