K A B A N A T A (LABING APAT)

196 15 5
                                    

Isang linggo na si Dodong sa hospital. Sa totoo lang, dito ko nasubok yung pride na taglay ko. Hindi na ako pumupunta ng hospital. Baka dahil sa akin, mas lumala pa si Dodong.

Sa tuwing umuuwi sa bahay ang Mommy nya? Ako yung nagluluto ng pagkain nya para makakain sya doon.
Naiintindihan ako ng Mommy nya. Kaya hindi nya ako masisisi sa kalagayan namin ngayon.
At hindi na din nya ako pinipilit na puntahan si Dodong.
Abala na din kasi ko sa mga paper works ko sa graduation namin.

Sobrang bored dito sa bahay!
Kaya ang paglilinis at pagluluto nalang ang libangan ko, at iniisikaso ko nalang din ang Daddy ni Dodong. Tuwang-tuwa sya kapag inaabutan ko sya ng kape kapag abala sya sa kanyang ginagawa.

Ang Mommy naman nya, kapag nauuwi sa bahay, tinutulongan ko sya sa libangan nyang pagluluto. At iyan nalang din ang bonding namin ng Mommy nya.

Pero, ngayong pang-dalawang linggo na nya. Tinext ako ni tita na pumunta ng hospital. Dahil kaylangang may magbantay kay Dodong. May pupuntan kasi sila ng Daddy ni Dodong na urgent meeting.

"Hi.
Kung titingnan si Dodong. Parang okay na din sya, nakakalakad na din sya sa pamamagitan ng support stand or wheelchair. Wala na din syang mga sugat sa mukha, benda nalang sa ulo ang meron sya.
"Okay ka na ba?

Tumugon lang sya sa akin sa pamamagitan ng pagtango.
Andito na naman ang nararamdaman kong pagkailang. Hindi ko alam kung paano ako mag-aadjust?
Lalapitan ko ba sya? Kakausapin?

Nagulat ako nung nahuli nya akong nakatingin sa kanya.
"Gusto kong mag CR.
Ang sabi nya.

Tumayo ako agad at pinuntahan sya.
Bahagya siyang tumayo at inalalayan ko sya para makapunta ng CR.
Wala paring pagbabago kapag tinitingnan nya ako. Parang hindi nya parin ako kilala at mararamdaman mo ang pagkailang nya sa akin.
Pano ko sya pakikisamahan? Baka dahil sa akin, lumala lang ang condition nya.

Sinalubong ko sya pagkalabas nya at inalalayan pabalik ng kama niya.
Tiningnan ko sya ng matagal at hinawakan ko ang mga kamay nya.
"Wala ka pading naalala tungkol sa akin?

Tiningnan nya ako na halata mong pinipilit nyang alalahanin ang sinabi ko. Binitawan ko sya agad ng hinawakan nya ang ulo niya.
"Masakit ba ang ulo mo?!

"Medyo.
Nagpanic ako, at tatawagan ko na sana yung doctor.
Magpapahinga lang ako. Don't call my doctor.
And about you saith. Wala talaga.

Tumango ako at napag-desisyon na huwag nalang syang pilitin, sa ngayon kaylangan nyang magpagaling.
"Huwag mo munang pilitin kung hindi pa talaga.

"Matutulog muna ako. Pag dumating si Monica. Pakibigay nalang to sa kanya.
Binigay nya sa akin yung box na may kulay pula.

Binuksan ko yung box nung tuluyan ng nakatulog si Dodong.
"Yung panahon na wala ako sa tabi nya. Si Monica ang kasama nya.

Nakita ko ang mga laman ng box at maraming picture sila ni Monica. Simula nung mga bata pa sila, hangang sa high school nila.

May dalawang butil na luha ang bumagsak sa aking mga mata habang inisa-isa ko yung mga picture nilang dalawa.
Kaya pala masyadong attach silang dalawa sa isat-isa. Hindi ko masisisi kung bakit, kahit anong gawin mong paghihiwalay sa kanila, bumabalik padin talaga sila sa isa't-isa, dahil ganoon na nila ka kilala ang isa't-isa.

Kaya pala galit na galit sa akin si Monica.
Ako pala yung dumating sa buhay nila para maging malaking balakid.
Kung titingnan ang mga picture. Match talaga silang dalawa. Ako? Wala akong maibubuga. Kung hindi lang dahil sa pangako sampong taon na nakalilipas, walang ako na babalakid sa kanilang dalawa.

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon