K A B A N A T A (9.5)

306 25 4
                                    

Tulala akong nakatingin sa kanya habang abala ito sa pagkain nito, natigil ito ng tumingin din ito sa akin.
"Bakit parang may dumi naman ata ako sa mga mata mo?
Pinunasan nya sa tissue ang labi nya pagkatapos nitong kumain.
"Para kang sinapian ah?

Inayos ko ang bangs ko at tumingin ulit sa pagkain ko. Oo nga, para akong temang, bakit ko ba sya tinitingnan habang kumakain?
"Wala, napa-pangetan lang ako sayo kapag kumakain ka.

Ngumisi ito sabay inom nito ng tubig, parang wala naman sa kanya ang sinabi ko?
"Napapangetan daw, napopogian kamo! Sinungaling ka pa eh.
Nagulat ako ng ipinukopok nya sa akin yung bote ng mineral water.

"Aray ko naman!
Sabay hawak ko sa aking ulo. Physical?!
"Inaano ba kita?! Gusto mo nitong tumbler ko ha?!
Sabay ilag nya sa kamay ko.

"Sabihin mo nalang na gwapo ang asawa mo, dali na!
Nirolyo ko lang ang mga mata ko sabay iwas sa kanya ng tingin. Pero bumabalik talaga sa kanya ang mga mata ko eh, ano bang nangyayari sa akin?

Napatingin ako sa mga babaeng dumaan sa harap namin, pero hindi sa akin ang mga mata nung mga babae, kundi nasa asawa ko, slash kay Dodong.
Natigil ang mga ngiti ko at tiningnan ang reaksyon ni Dodong, para syang celebrity na nagpapasalamat ng suporta galing sa kanila.
Sa tangkad at ganda ng pangangatawan ni Dodong, agaw pansin talaga ito kahit saan!
"Ang gwapo ko noh? Napapansin ang gwapo ng asawa mo!

"At gusto mo naman tinitingnan ka?
Natigil sya sa pagbibiro at tiningnan nya ako na may pang-aasar.
"Oh?! Tini-tingin-tingin mo?!

Nagulat ako ng inayos nya ang bangs ko na basa na ng pawis.
"Hindi ko kasalanan na gwapo na ako since before, ang kasalanan ko lang dito eh, sa sobrang kapogian ko, nagseselos na ang asawa ko.
Sabay ngisi nito. Natigil ako na parang may kung anong init na bumalot sa aking buong mukha.

"Tigilan mo nga yan, para kang ano ah.
Hinawakan ko ang mukha ko sabay ayos ng bangs ko.
"Kaylan ba tayo uuwi?

"Ngayon nga lang tayo nag date eh! Super old fashion ka talaga asawa ko!
Sabay labas ng phone nya at ang tansya ko ay maglalaro na naman ito.
Wait---ano daw?

"Date?
Tinaasan nya lang ako ng kilay sabay kunot ng noo nya.

"Date nga.
Tumango ito sabay balik sa phone nya.
"Mag asawa tayo pero di pa tayo nag-d-date alone, napaka-arte mo kasi akala mo may mens araw-araw.
Kumunot naman ang noo ko sabay ayos ulit ng bangs ko.
Pasensya naman, wala naman kasi akong alam!
para akong binuhusan ng mainit na tubig, ano bayan! Sobrang init ng mukha ko!

"Hindi ako maarte! Sabay ayos ng bangs ko. Next time, panot na ako kakaayos ng bangs ko!
"Atsaka, bakit naman tayo mag-d-date, di naman natin mahal ang isa't-isa.
Kumunot ang noo ni Dodong.

"Hindi nga natin mahal ang isa't-isa pero mag-asawa naman tayo. Sino ba sa'tin ang matured, ikaw ba o ako? Mag-isip ka nga.
Bigla akong nakaramdam ng pagkagulo sa sinabi nya. Parang may mali eh?
"Pag na approve na yung kay lola, magiging malaya din tayong dalawa, sa ngayon. Enjoy muna natin ang buhay mag-asawa.

Natigil ako at nakaramdam ng anong kirot sa dibdib. So lahat ng ito, ay bahagi ng will ng lola nya?
Nasaan na yung, effort? Ang concern at pag-aalaga nya, part parin yun ng will ng lola nya?
Bahagya akong nagulohan at di ko na namamalayan ang sariling napaluha bigla na agad ko namang napunasan.
Hindi ko pa alam kung bakit naapektuhan ako sa huling sinabi nya. Di ko naman sya gusto, di ko din sya mahal? Pero ang sakit eh, masakit na umiikot kami ngayon dahil sa pera?
"Mamaya, pagkatapos natin dito, diritsu tayo sa Mercury Drug store, bibili tayo ng mga vitamins po. Kahit malaman ka, mas mabuti na yung healthy ka.

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon