Sabado ngayon kaya tambay mood lang ako sa dorm, yung ibang kasama ko may mga lakad at yung iba, umuwi muna.
Masakit parin ang ulo ko, buhat ng kalasingan kagabi, at kahit ipikit ko rin ang mga mata ko, masakit parin ang ulo ko, naiisip ko palang ang ngyari sakin sa dorm ni Dodong, parang sumasakit talaga ang ulo ko, anobayan.Nakapatong lang ang ulo ko sa bintana ng dorm, at mula dito sa kinatatayuan ko, nakikita ko sa baba ang mga tao na naglalakad papasok at palabas ng building ng girls dorm.
Tumunog ang cellphone ko, at nakita ko ang pangalan ni Dodong sa screen ng cellphone ko.
Iniisip ko muna kung sasagutin ko ba o hindi?
After kasi ng ngyari kagabi, parang naiilang na ako sa kanya, walangya sya! mag-asawa kami pero wala sa isip ko na ipapakita ko sa kanya ang katawan ko, at hindi sumagi sa isip ko yung bagay na may mangyayari sa amin sa future! No!
(><)
Hinayaan ko nalang yung phone kahit umulit iyon ng umulit, hangang sa natigil na din ang pagtunog nito.
Humiga nalang ako sa bed ko at tinakloban ang sarili sa kumot.Naalimpungatan ako sa tunog ng tawag ng babae sa side ko, at nakita ko ang isa sa mga tagapamahala sa building ng dorm na ito na nasa harap ko?
Saglit akong nagtaka kung bakit sya andito sa dorm ko? May problema ba?
"Miss, Dela Cruz, may naghahanap sa iyo sa labas, hindi ko alam kung anong relasyon mo kay Mr. Friedrich, pero nasa labas sya at ayaw ko ng kaylangan ko pang pumunta dito para tawagin ka, hindi ako utusan ninyo, kaya lumabas kana dahil bawal lalaki dito sa dorm!Nakayuko lang ako sabay alis ko sa kama sa katawan ko, sinuot ko na ang sapatos ko at sumabay na din sa kanya sa labas ng building.
At mula sa labas nakita ko ang ang nakapamulsa na si Dodong.
Kumurap muna ako bago ako humarap sa kanya.
Ang gwapo nyang pasaway kasi!
Tiningnan ko muna ang damit ko baka kasi may unbutton na batones, nakakainis isipin talaga tong batang to eh.
"Nandito na yung hinahanap mo, at hindi ko pinapa-duplicate ang mga susi ng mga dorms Mr. Friedrich."Okay fine, just tell this person nalang to answer my call para hindi ko na kaylangan pumunta dito Mrs, Batohinog.
Sabay tingin nya sa akin na parang pinaparinggan ako."Kayong mga kabataan, wag masyadong mapusok, aral muna mga bata.
Sabay talikod nung babae sa amin, napatingin ako kay Dodong ng masama, bakit ba kami umabot sa usapang yun?"Masyadong malawak yang iniisip mo, don't stare me like that.
Sabay hatak nya sa akin palabas ng building, at pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa ginawa nya, kilala kasi sya sa lahat kaya marahil iniisip nila kung sino ako? Bakit kasama ko si Dodong?"San mo ba ako dadalhin?
Sabay hatak ko pabalik sa kamay ko, pero ang lakas nya kaya di ko na nagawa ang sarili ko na hatakin pabalik ang kamay ko.Nakasakay na kami ng sasakyan, at bigla akong napatingin sa kanya dahil napagtanto ko kung asan kami ngayon?
Nasa Long bridge kami ng St. Jude kung asan nasa likod kami ng University of Ford Inc.
Alam ko to dahil minsan na akong nangarap na sana makapunta din ako sa ganitong lugar, dahil kilalang-kilala ito ng lahat!
Unti-unting bumagal ang ngiti ko at pakiramdam ko kasing tamis na ng cherry ang ngiti ko ngayon.
"Ang gandaaaa!!!"Ops, sinabi ko bang lumabas ka?
Natigil ako sa pagbukas ng sasakyan, at nagtaka sa kanya, nandito na kami eh, ano yun? Nasa loob lang kami ng sasakyan?
"Delikado sa labas baka mahulog ka pa, dito na lang tayo sa loob.
Napalunok ako ng laway sa sinabi nya, eh ano naman sa kanya kung mahulog ako."Ah---ano bang ginagawa natin dito? Sayang naman ang pagpunta natin dito kung nasa loob lang tayo?
Nakatingin lang ako sa labas, ang ganda talaga kasi ng lugar na ito, bukod kasi sa long bridge sya, tanaw na tanaw mo pa ang buong city sa baba, pati narin yung pinaka-mataas na tower ng city, pakiramdam ko tuloy, nasa Paris kami."Ang boring kasi sa dorm.
Hindi sya nakatingin sa labas, sa cellphone sya nakatingin, di ko tuloy alam kung sino ang may gustong pumunta dito, ako ba o sya?
Kasi, ako itong na-a-amaze sa tanawin at hindi sya.
Busy na naman sya sa cellphone nya eh.
Ilang oras na kami sa loob at nasaksihan ko na din ang paglubog ng sikat ng araw, at unti-unti naring dumidilim sa labas ng sasakyan.
Wala na namang imikan sa pagitan namin, kaya parang naaantok narin ako.
"Gusto mo na bang umuwi?"Oo, i-diritsu mo nalang ako sa dorm.
Sabay hikab ko, at ikinabit ko na ulit ang seatbelt ko.
Biglang tumunog yung phone ni Dodong at sinagot naman nya ito agad."Monica, why?
Natigil ako at kusang lumuwag ang aking mga teynga dahil narinig ko mula sa kanya ang pangalan ng taong na-l-link sa kanya.
Halata namang patay na patay sa kanya yung girl, sya na yung tumatawag kay Dodong, gaya ngayon.
"Okay, asan ka?
Wow, siguro gusto din ni Dodong tong Monica na yan, gusto nya din makita eh.
"Okay, just wait you there, I will come.
See? Sya-sya-sya uuwi na ako, bahala sya kung makipag date sya kung sino-sino!
Huwag na kamo nya akong pagbawalan kay Christian, dahil sya naman tong magulong kausap at hindi ako!
Nagulat ako ng lumapit sya sa akin kaya bahagya akong napaiwas, nakatingin sya sa seatbelt ko, marahil ay chi-ni-check nya kung nakakabit na ba ito sa beywang ko.
Ano ka ba Dong, wag kang ganyan."Are you okay?
Sabay irap sa akin, wala talaga akong talent basahin tong tao na ito, mag artista nalang kaya sya? kasi iba-iba ang characters nya at di mo minsan mababasa?
Hindi na ako sumagot, bahala sya jan.
Bakit ba ako naiinis sa kanya? For the first time, nainis ako sa taong wala namang ginawa sa akin.
Basta, ayaw ko syang makita ngayon, gusto ko ng umuwi!
Ilang saglit lang ng huminto na yung sasakyan sa harap ng building ko.
Hindi na ako nagpa-alam sa kanya, at lumabas na agad ako ng sasakyan nya, nakatingin ito sa akin na parang galit sa ginawa ko, pero bahala na, huwag syang ma-drama, ayaw kong kausapin na sya!
"HEY!
Natigil ako sa paghila nya sa kamay ko nung papasok na ako sa building namin.
Hinabol nya ba ako mula sa sasakyan?
"What's wrong?"Wala.
Sabay alis ko sa kamay nya.
"Gusto ko na talagang umuwi, sige na, papasok na ako."Hindi ka papasok hangga't di mo sinasabi ang problema mo!
Hinawakan nya ulit yung mga kamay ko. Saglit akong nagulat ng makita si Mrs. Batohinog na kakapasok palang ng building at natigil ng makita kami ni Dodong na ganito ang eksena."Hay naku Dong, papasok na ako, May ano ako---may--may regla! Sige na!
Sabay tulak ko sa kanya at tumakbo na sa loob.
Nakasunod parin sa amin ang mga mata ni Mrs Batohinog na akala mo ay nasa sinehan lang.
Naabutan pa ako ng mga kasamahan ko sa dorm na hingal na hingal na pumasok ng dorm.
Tinanong nila ako kung anong ngyari? Di ko rin masagot yung tanong nila dahil kahit ako, di ko gets ang nangyayari sa akin.
Basta, naiinis ako ngayon kay Dodong, yun lang.Written By: J U N C E M A N H I D
BINABASA MO ANG
Tadhana
Romance(M A Y W A R D S T O R Y) Mga bagay na di maipaliwanag na kusang dumarating ng di inaasahan. Mga taong umaalis, at iiwan ka dahil kasama ito sa nakatakda. Yung akala mo, pero hindi sya nakatakda sa tadhana. Yung akala mong wala ng pag-asa pero sa d...