Nakatingin ako sa malaking bintana mula sa aking kwarto. Mula sa bintana, tanaw na tanaw ko ang baba. Nakita ko silang dalawa ni Monica na nasa garden nila Dodong.
Nag-uusap sila doon. Sinusundan ko sila sa mata, bawat galaw nila.
Okay na din ang paa ni Dodong at nakakalad na din sya. Pero may benda padin sya sa ulo.Bawat tawa nila. Yun din ang sakit ng dibdib ko.
Wala akong kaya ni Monica, yung kakapalan nga ng mukha nakaya nya? Wala ako nun.Napapikit ako sa mata ng nakita kong hinalikan ni Monica si Dodong sa pisnge!
Yung babaeng yun talaga!
Bababa na sana ako para puntahan sila, pero saglit na natigil ng makita kong si Dodong na ang humalik sa kanya. At hindi na sa pisnge, sa lips sila nag kiss.
"Dong, bakit mo ba ito ginagawa sa akin?
Napahawak ako sa bintana ko.
Nagsimula na akong umiyak, hindi ko na sila kayang tingnan pa.Unti-unti na akong humakbang patungong kama. Kahit yung lakas ko, wala ng kaya.
Ayaw ko na sa lugar na ito.
Kinuha ko yung album na nasa gilid ng kama ko.
"Yung memory lang ang nawala, pati ba naman puso mo dong?
Sabi mo, mahal mo ako?Iniyak ko lang buong araw yung hinanakit ko.
At nagpahatid nalang ako ng pagkain at sinabi sa kanila na masakit ang ulo ko kaya binigyan ako ni tita ng gamot.**********
Ilang araw na lang graduation ko na. Para maibsan yung lungkot ko, lumalabas nalang ako dahil may practice din naman kami sa school para sa graduation ceremony.Tuwing umuuwi ako sa bahay, nadadatnan ko sila Monica at Dodong. Kaya nawawalan din ako ng gana sa buong araw.
Alam kong naiintindihan ako nila tita.Isang araw ng lalabas na ako para sa panibagong araw para sa practice namin. Wala sa bahay sila tita at tito.
Naabutan nya ako sa labas.
"Maaga ka ba mamaya?Hindi ko sya tiningnan, bagkus ay nagkunwari nalang akong abala sa cellphone ko.
"Hindi ko alam."Panong hindi mo alam? Asan ba ang lakad mo?
Nilagay ko sa bag ang phone ko at bubuksan ko na ang pinto ng kotche."May lakad ako, kung iniisip mo na iisturbuhin ko kayo nung Monica. Hindi ko kayo aabalahin, gawin nyo lang yung mga gusto nyo. Maghihiwalay narin naman tayo diba? Sasanayin ko na hanggat maaga pa!
Pumasok na ako ng kotche, at sinarhan ko na agad at hindi ko na hinintay ang sasabihin nya sa akin.
"Tara na manong, late na ako."Opo.
Pinahid ko yung butil-butil na luha na bumabagsak sa mga mata ko. Nagsisimula na naman ako. Bakit ang sakit nung mga sinabi ko?
Hindi ko na ata kaya to.
Umiiyak ako habang binabaybay yung daan patungo sa school.Sinalubong ako agad ni Josie pagkalabas ko ng sasakyan.
At niyakap ko sya agad ng makita nyang umiiyak padin ako.Matamlay ako habang may practice kami ngayon.
Nilalapitan lang ako ni Josie kapag may break na sa practice.
Lahat na ginawa ni Josie pero matamlay padin ako.
Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Uuwi ba ako ngayon mamaya sa bahay ni Dodong? Gusto ko ng umuwi sa amin sa probinsya.Pagkalabas ko ng gate ng school naabutan ko si Kisses kasama yung Donny. Magkahawak na ang mga kamay nila.
Ngumiti sila ng makita ako.
Nagulat ako syempre, pero nakita ko ang saya sa mukha ni kisses na masaya sya.
"Hi beautiful!Ngumiti ako sa kanilang dalawa, at parang bahagyang siniko sya ni kisses.
"Parang ang saya nyo na ah?"Yeah, I am very happy. I already found a girl for me. Lagi ko lang palang kasama.
Natawa ako sa sinabi nya. Dati, nakikipag kumpintensya pa sya kay Dodong.
Ngayon? Hawak na nya ang kamay ng taong gusto nya.
"I am sorry about the past.
BINABASA MO ANG
Tadhana
Romance(M A Y W A R D S T O R Y) Mga bagay na di maipaliwanag na kusang dumarating ng di inaasahan. Mga taong umaalis, at iiwan ka dahil kasama ito sa nakatakda. Yung akala mo, pero hindi sya nakatakda sa tadhana. Yung akala mong wala ng pag-asa pero sa d...