Natigil ang malalim kong pag-iisip ko sa mga bagay-bagay.
Nagulat ako nang mag-ingay ng bahagya ang aking tent kung kayat napapikit ako bigla at kunwari ay natutulog ako.Saglit akong nakaramdam ng awkwardness ng maramdamang humihiga ngayon sa tabi ko ang kakarating palang ngayon, at sa amoy palang nito, alam ko ng si dodong ito.
Limang minuto na ang nakalilipas ng napagtanto kong nasa tabi ko padin ngayon si dodong.
Bahagya kong binubuksan ngayon ang aking mga mata at sa di ko mawari, nakaramdam ako ng kakaibang inis kay dodong.
Kaylan ba ito titigil sa kakalaro ng cellphone nya?
Sarap nyang ipasok sa cellphone eh!"Yow why?
May ibang boses akong naririnig na nanggagaling sa cellphone nya at nag loud speaker pa sya, kaya naririnig ko ang caller sa kabilang linya.
Lalake ito, marahil ay tropa nya ito."Sabihin mo ang tropa na magpapahinga na ako, bahala na kayo jan.
Ang sabi ni dodong, doon sa kabilang linya.
Nagsasalita sya malapit sa speaker pero naglalaro padin ito sa cellphone."Bro, hahanapin ka samin ni Monica, balik ka na!
Naririnig ko mula sa linya ang tawanan ng mga katropa nya.
Pinagkakaisahan talaga sya sa pagtukso kay Dodong doon sa Monica.
Tumawa naman itong si Dodong.
Kinikilig siguro!
(--.)"Kayo na bahala jan, bye.
Natigil na yung tawag at wala na akong naririnig mula kay Dodong.
Bahagya kong naaninag ang ilaw ng cellphone nya kahit na nakapikit ako.
Naglalaro padin ito hanggang ngayon.Bubuksan ko na sana ang aking mga mata ng nagulat ako nang maramdaman ang isang mabigat na pumatong sa aking tiyan.
Kamay nya ito.
Uminit ang aking ulo at gusto ko syang sipain sa ginawa nya.Hinay-hinay kong inalis ang kamay nya sa aking tiyan at unti-unti kong binubuksan ang aking mga mata ng may inis.
Naabutan ko itong nakatawa, at pinipigilan ang kanyang pagtawa.
"Wow, nagising ba kita?
Obviously naman diba?"Hindi, obvious ba?
Inikotan ko sya sa mata, nagpipigil padin ito ng tawa.
Batang to.
"Bakit ka ba andito? Bumalik ka na nga sa tent mo."Kakagising mo lang kanina, tapos ngayon matutulog ka na naman, buntis ka ba?
Hindi ko sya pinansin, pero nakakainis yung huling sinabi nya ah."Mukha mo buntis.
Inayos nya ang nagulo nyang buhok at humarap ito sa akin.
Minsan, gusto kong mailang sa aming dalawa, pero minsan hindi.
Magulo talaga ang lagay naming dalawa, ganito kahirap ang isang arrange marriage.
Sa mata ng batas, mag-asawa kami.
Pero sa mga mata namin, nanatili ang pagiging stranger sa isa't-isa.
Kahit sabihing, kahit papano, may mga alam na kami sa isa't-isa, pero may mga bagay talaga, pinagaaralan pa naming pakisamahan ang isat-isa.
"Bumalik ka na dun, matutulog ako!
Tinulak ko sya palabas."Samahan mo ko mamasyal.
Nag-pout pa sya na wari ay sinusubokan nya akong suyuin.
"Sige ka, mas lalo kang tatanda sa tent na to."Wow, kung maka-tanda ka talaga eh noh.
Hinarap ko sya ng may inis na mukha.
"Ayaw kong lumabas!"Bakit ba ang init ng ulo mo ngayon?
Hinawakan nya ang aking ulo, na agad ko naman itong inalis.
"Asawa ko, wag ka na masungit, matanda ka na nga sa atin, ikaw pa itong pabebe.Hay naku, nakakainis talaga tong batang to eh, 20 palang ako, pero parang pakiramdam ko, ang tanda-tanda ko na.
"Ikaw na bata ka, gusto mo pumasyal, mamasyal ka mag-isa mo!"Eh, mag-asawa tayo eh, normal lang na samahan mo ang asawa mo.
Pilit nyang hinahawakan ang aking ulo na pilit ko ding inaalis.
Sobrang nang-iinis talaga to eh."At kung may makaka-kita sa atin? Patay ka ngayong, BATA ka?!
Tinatawanan na naman nya ako, siguro nararamdaman na nya ang inis ko.
Magaling talaga ito eh, alam na alam kung saan nya ako, iinisin.
BINABASA MO ANG
Tadhana
Romance(M A Y W A R D S T O R Y) Mga bagay na di maipaliwanag na kusang dumarating ng di inaasahan. Mga taong umaalis, at iiwan ka dahil kasama ito sa nakatakda. Yung akala mo, pero hindi sya nakatakda sa tadhana. Yung akala mong wala ng pag-asa pero sa d...