K A B A N A T A (11.5)

198 21 1
                                    

1  M O N T H  A G O

Isang mahabang araw para sa aking OJT. Nangangapa pa ako sa totoo lang pero na-ma-master ko na naman yung daily routine sa office. Sabihin na nating maliit ang establishment ko, at hindi sya good record sa background experienced ko.
Pero kasi sa twing naiisip ko na nababalik na yung dating ako, parang gumiginhawa ako. Iba talaga kapag sarili mong lugar, hindi mo maipaliwanag.

Nag-reply na pala sa akin ang mama ni Dodong. At yung yung pinakamalungkot na balita ang natanggap ko. Binawian na ng buhay doon sa England ang lola ni Dodong, at ipinahatid ko narin ang sempatya ko sa pamilya ni Dodong.
Hindi ko alam kung part padin ako sa Family nila, gayong wala na sa mundo ang lola nya. Nasa dating usapan namin ay kapag wala ng balakid ay pwede na kaming mag divorce.
(A/N: Pasensya na sa balakid wala kasi akong ibang maisip)

Hinahanda ko na rin ang sarili ko kahit papano. Unti-unti ko na rin natatanggap ito at nakaka-move on kahit papano.

Ganoon pala yun noh? Akala mo sobrang attach mo na sa tao? Nasanay ka lang talaga na andyan sya kaya akala mo gusto mo sya o mahal mo sya.
Kapag natuon na ang isip mo sa ibang bagay, unti-unting nalilimotan mo yung dating galit at lungkot mo doon sa tao. Ganyan kasi ang ngyari sakin ngayon. Hindi ko na sya naiisip pa, marahil nga at hindi ako masyadong attach sa kanya. Minsan talaga akala mo lang mahal mo, na-aappreciate mo lang talaga sya kaya akala mo, mahal mo na.

Lumawak na nga ata ang pag-iisip ko, salamat sa OJT talaga at sa sobrang abala ko ay pati sarili ko ay nakalimotan ng kumain.
Lumabas na ako ng office at bababa na ako papuntang cafeteria. Umorder na ako ng pagkain at kasabay ko pala ibang officemate pero sa ibang Department sila na-assign kaya di ko din sila kilala.
"Kakaiba ang suot mong singsing ah? San mo nabili yan?

Nagulat ako doon sa tanong nya kaya agad kong itinago sa bulsa ang kamay ko.
"Hindi ko alam, baka jan lang.

"Lagi mong suot yan, baka mapagkamalan ka nyang may asawa na neng".
Lumunok muna ako ng pagkain bago ako ngumiti sa kaniya.
Pinagtitinginan na rin ako ng mga kasama namin sa table.
Pambihira, bakit kasi suot-suot ko pa to? Hindi ko naman mahubad-hubad, hindi ko alam kung bakit?
Para kasing feeling ko, may nalabag ako na batas eh pag hinubad ko ito.
Mamaya na siguro ko to hubarin kapag may divorce paper na!

Pagbalik ko sa office, hindi na ako sumabay sa kanila, feeling ko kasi magtatanong na naman sila tungkol dito sa singsing. Tama na sa pagsisinungaling grasya!

Malipas ang mahigit apat na oras ay pauwi narin ako sa bahay.
Parang unti-unti ng bumabalik ang dating buhay ko dati.
Nagagawa ko na din ang mga bagay na gustong-gusto kong balikan dito. Hay, sarap talagang mabuhay sa sarili mong lugar at bahay!
"Ma! Pa! Nandito na po ako!!

"Naku iha, yung mama mo, hindi pa natatapos sa pagluluto, gutom ka na ba? Magpahinga ka muna sa kwarto mo.
Nagmano muna ako kay papa.
Amoy na amoy ko na nga ang niluluto ni mama!

"Sige po, magpapahinga nalang muna ako.
Umakyat na ako sa hagdan tungo sa aking kwarto. Hinubad ko na din ang suot ko at napatingin sa aking katawan sa salamin.
"Hayy, lumulubo na ata ako ah? Nahy!
Kaylangan ko na atang mag-diet!

Humiga ako sa kama ko at doon gumulong-gulong. Masyado na akong lumusog! waah! Iyan ang resulta sa masasarap na pagkain na luto ni mama eh!
Nagulat ako sa tunog mula sa aking cellphone.
Nag alarm! May na accomplish na ako na 208 hours! Ibig sabihin may 392 hours pa akong natitira.
(-.-").

Nagulat ako ng biglang sumulpot sa harap ko ang kapatid ko.
"Kain na daw tayo.

Hawak nya ang gitara nya. At tumango lang ako sa kanya.
"Pa, nasan yung flashlight natin? May kukunin ako sa labas!

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon