K A B A N A T A (Labing Dalawa)

224 22 2
                                    

Nasa cafeteria na kami. At parehong tahimik kaming dalawa.
"Naiwala ko yung cellphone ko sa taxi nung umuwi ako dito. Kaya hindi kita natawagan.

"You only contact my mom. How about me? You don't even care about me!
Buti na lang kami lang dito sa cafeteria, kasi yung sigaw nya eh. Akala mo sa kanya yung lugar.

"Bakit? Pareho naman tayo ah? Hindi mo din ako tinawagan nung pumunta kana sa England!
Tama naman diba? May karapatan din akong tanungin nyan sa kanya.

"You think? I have a time for that? Nagmamadali na ako, naghihingalo na ang lola ko!
Saglit akong natameme sa sigaw nya.
Ano ba kasi grasya, hindi mo ba yan naisip noon?

Tahimik na ako simula nung narinig ko iyon. Hindi ko din alam kung anong sasabihin ko eh. Na-guilty ata ako bigla?
"Ah---Babalik na ako sa duty ko.

"Hihintayin kita.
Napatingin ako sa kanya. Maaga pa bago umuwi. Matatagalan pa ako dito!

"Hindi pwede.
Kinuha ko ang phone ko at tatawagan ko ang kapatid ko na kunin sya.

"Hihintayin nga kita!
Hindi ko sya pinansin, at maya-maya ay sinagot na rin ng kapatid ko yung cellphone nya.
At sinabi ko sa kanya na pumunta sya dito. Malapit lang naman ang bahay namin dito eh, kaya huwag syang mag reklamo.

Maya-maya ay dumating na ang kapatid ko.
"Dong, kapatid ko pala na lalake. Sya na bahala sayo sa bahay, tatapusin ko lang ang work hours ko dito, uuwi din ako agad.

"Ate? ako nagdala sa kanya dito. Pinakilala mo ko ulit sa asawa mo? Baka magpalit na kami ng mukha nyan?
Kinurot ko sya sa braso nya. Walang alam kundi inisin ako eh. Bishit din talaga to eh.
"Bro. Pano ba yan, uuwi ka na naman sa bahay. Ano? Laro tayo basketball?

"Hindi! mainit. Umuwi kayo, magpapahinga pa sya!
Napatingin pareho sila sa akin.

"Uuuyyyy bro. Ke-riiiiing!
Nagulat ako ng ngumiti sa akin si Dodong at inakbayan ako ni Dodong. Uy, ano?!
"Ate? sa kanya! caring ka, sa kapatid mo? bogbog!

Inalis ko yung kamay ni Dodong. At binigyan ko ng pera ang kapatid ko.
"Umalis na kayo pwede? Bilhan mo sya ng makakain. Kaya ka nangingitim sa kaka-basketball mo eh! Bishit ka din eh. Sige na, dalhin mo na sya!

"Wait.
Babalik na sana ako ng hinawakan nya ako ulit.
"Anong oras ang out mo?

"Naku bro. Laging gabi yan, madami ata lalake----
Napakunot ako ng noo, si dodong naman, masama na ang tingin sa akin.
"----Sa daan? ayaw nya kasing dumaan kapag maraming tambay eh? Heheheheh.

Sinamaan ko lang sya ng tingin. Sa negro kong kapatid!
Hayst!
Kahit matangkad ang kapatid ko, pero hindi nya napantayan ang tangkad ni Dodong.
Tumango nalang ako kay Dodong ng paalis na sila.

Pagbalik ko sa table, lumapit agad lahat sa akin.
"No way, sino yun girl?

Nag-isip ako, kung anong isasagot ko.
"A--a---

"Amo mo ba yun?
Nagulat ako sa sinabi ni ma'am. Pati sya, nakikisali?

"Hindi po. A-a---
Napailing ako sabay upo sa upoan. Naghihintay sila sa sagot ko.

"Kabit mo?!!!!
Napasuklay ako ng di oras. Ano bang pinagsasabi nila?!

"ASAWA KO!
Nagulat silang lahat sa sinabi ko. Napasigaw pa ako, ano ba kasing pumasok sa utak nila at kabit talaga?
"asawa ko yun.

"Wee? No way.
Napatingin ako isa-isa sa kanila. Bakit ayaw nila maniwala? Asawa ko nga yung Dodong na yun!!
Ayan na sinasabi ko eh!
Pag ako nagsabi na asawa ko sya? walang maniniwala!
Sobrang imposible ba? Hays!
Hindi ko nalang sila pinansin at bumalik ulit ako sa trabaho ko ulit. Nasa 11 sheet na ako. Bishit.

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon