Chapter One

93 6 1
                                    

ALEXA'S POV

La la la la ~

Kumakandirit kandirit pa ko habang kumakanta kanta. Excited na kasi kong makarating ng bahay. May usapan kasi kami na gigimik kami ngayon.

5..

4..

3..

2..

1!!!

Pagkabukas na pagkabukas ko nang pinto. . Nawala lahat ng bakas ng kaligayahan at excitement ko.

May kutob na ko pero pumasok pa rin ako sa loob ng bahay. Inisip ko na baka mali naman ako ng akala.

Pumunta ko nang kusina. Wala dito. Pinuntahan ko yung kuwarto malapit sa living room. Pagbukas ko nang pinto, wala pa rin. Medyo nagtataka na ko.

Umakyat naman ako sa taas. Una kong pinasok yung kwarto sa kanan. Wala. Sunod yung kuwarto sa gitna.

Nanginginig pa ang mga kamay ko habang binubuksan ang pinto. Pero pagbukas ko, wala pa rin! Ito last na 'to ah, pag ito wala pa rin..

Unti-unti akong naglakad papunta sa huling kuwarto sa taas. Ang kuwarto ko. Nasa harap na ko nang pinto ng kuwarto ko. Bubuksan ko na ba? Huwag na lang kaya? Ano? Buksan ko na? Eto na. .

Pagbukas ko. . Wa-la pa rin! O mas tamang sabihin na, wala na. Wala na sila. T.T

Tinuloy ko na ang pagpasok sa kuwarto ko. Inikot ko ang mga mata ko. Baka sakaling nag-iwan sila ng note o sulat. Ayun, meron! Nasa ibabaw ng study table ko.

Worth Waiting For (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon