Chapter Two

65 5 3
                                    

ALEXA'S POV

** Canteen **

Umupo na ko sa napiling pwesto namin ni Miko habang siya may binibili pa. Lingun lingon ako konti para makita kung marami na bang mga estudyanteng nagsisidatingan.

Maaga pa naman. 11:30am palang.

Dumadami ang mga estudyante kapag mga mag-tutwelve na. Dito kasi sa school namin may morning and afternoon shift. Yung pang-umaga, 6am-12noon. Yung panghapon naman, 12:45pm-6:45pm.

Eh sa panghapon ako nagtuturo (ng mga kabalastugan. kiddin!) kaya mahaba haba pa ang oras bago ang klase ko.

Anyway, salamat naman at dumating na si Miko. Gutum na gutom na ko nu!!! Obvious naman e. Kanina pa ko reklamo ng reklamo. Saka hindi 'to breakfast o lunch, brunch na 'to. Eneng eres ne keye! -.-

Pagka-upo ni Miko, lamon na agad ako! RAWR!

"Anu ba yan Alex! Dahan-dahan naman kasi sa paglamon!", hinahagod ni Miko ang ligod ko tapos inabot yung bottled water.

Nabulunan kasi ko! Saklap! Kinuha ko naman ang tubig na binigay niya at ininom.

Nung mafeel ko na okay na ko.. "Nakakabadtrip kasi si Sir Panot! Naalala ko kasing siya ang dahilan kung bakit gutum na gutom ako ngayon kaya nabulunan ako."

"Hanggang ngayon binubully mo pa rin si Principal. Dapat sa'yo hindi teacher e, dapat estudyante ka na lang. Kung anu-ano pinagsasasabi mo tungkol kay Sir tapos binabansagan mo pang panot, para kang estudyanteng kasali sa fansclub ng mga haters ni Sir.", sabay subo naman siya ng kanin.

"HAHAHAHAHAHAHA.", all caps para damang dama ang tawang wagas!

"Eh bakit, mali ba ko?! Panot naman talaga siya ah. Lahat ng estudyante at teachers dito, ganoon din ang sinasabi. Wala lang silang lakas ng loob sabihin."

"At ikaw lang ang malakas ang loob na sabihin 'yon?!", sabay tingin siya sa'ken.

"Oo naman! Kasi totoo naman. Tapos hindi lang siya panot, paminta pa siya!", at tumawa na naman ako ng wagas.

"Oh, ayan ka na naman! Huwag ka ngang maingay, mamaya marinig ka pa ng ibang teachers at students e!", tapos tinakpan nya ang bibig ko at lumingon lingon kung may tao ba sa paligid.

"Ano ba!", marahas kong inalis ang kamay niya sa bibig ko. "Ang OA mo!", tapos pinunas-punasan ko yung bibig ko.

HAHAHAHAHA. Ang lakas na naman ng tawa ko sa isip ko. Naalala ko kasi yung araw na nalaman kong paminta pala si Sir Palomares.. Flashback friday! Tutal friday naman ngayon. Hihihi.

- FLASHBACK -

"Hahahaha. O tapos, anong nangyari sa kaklase mo Syd?", tawang wagas at non-stop kwentuhan habang naglalakad kami nila Miko at Sydney pauwi.

"Tapos yung si–", naputol ang kwento ni Sydney ng biglang umepal si Miko. Ganda na nang storya eh!

"Diba.. si Sir Anthony 'yon?!", may tinuturo siya sa may di-kalayuan at niliit liit niya yung mata niya para makitang mabuti kung tama nga ang nakita niya.

"Tigilan mo na ko. Nambabae ka, ayoko na sa'yo!", tinutulak tulak ni Sir ang isang medyo machong lalaki.

Pero ang weird! Sabi niya, nambabae? Ang kausap niya lalaki? Tapos nambabae daw?

Isa siyang.. "Bakla si Sir?!", gulat na gulat kong tanong kay Miko.

Siya rin naman hindi makapaniwala. Pati na rin si Sydney. Para kaming timang na naka-nganga at napahinto sa napapanood namin.

Worth Waiting For (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon