ALEXA'S POV
"Hahaha. Hindi naman.. Eh teka, sino ba yang lovelife mo ha? Kilala ba namin yan? Maganda ba yan? Baka mamaya kung sinong babae lang yan."
Pagkatapos ng sunud-sunod kong pagtatanong, nagkaroon ng sandaling katahimikan.
.
. .
. . .
. . . .
. . . . .
. . . . . .
1.. 2.. 3.. 7.. 10.. 11.. 13..
1.. 2.. 3.. 6.. 8.. 10.. and a half!
Ohh.. 23 and a half na ang pumasok. 13 babae, 10 lalaki. Kalahating lalaki pa yung isa.
Ekey. Boredom strikes! -.-
Back to the topic na nga.
Medyo may idea naman talaga ko kung sino ang chix niya ngayon. Mas maganda lang kung manggagaling talaga sa kaniya.
Mamaya nag-a-assume lang pala ko. Mamaya mali naman pala ko.
Siya kasi e. Ang torpe! Ever since na nagkakilala kami, torpe na sya. Hanggang ngayon ba naman? Tanda tanda na nya eh!
Pero hindi naman ako manhid noh. Napapansin ko naman ang kakaiba nyang mga galawan. Hindi ko na lang sinasabi.
Kaso lately, pa-obvious na ang loko. Ganda ko kasi masyado e!
"Ano na?? Natulala ka na dyan?", masungit kong sabi.
"Huh? Hehehe. Hmm.. Hindi lang sya basta kung sino syempre. Magkakagusto ba ko sa mga small time na babae. Sa gwapo kong 'to!!" Okay na e, may point na sya e.. Kaso bigla pa nyang sinabi na 'sa gwapo kong 'to'. Tss!
"Alam mo, feelingero ka rin e noh?!" Pinanliitan ko nga nang mata sabay pamewang.
"Hahaha. Yan! Nagsusunget ka na naman! Kalma lang!"
"Alam mo, ang dami mo pong sinasabi! Eh kung sabihin mo na kaya kung sino yang chix mo!", sabay irap.
Hindi ko alam kung kailan nagsimulang madevelop yung feelings nya pero anak ng kamote naman, hindi pa sabihin ngayon! Binibigyan na nga sya nang chance na umamin, ang dami pang arte. Hahahaha
Napahagod na naman tuloy ako sa mala-Rapunzel kong buhok. Tsk. (insert naiinis na face pero joke lang hahaha)
"Bakit ba gusto mo malaman?" Whatever! Hindi mo ko madadaan sa pagpapalaki mo nang boses.
Inirapan ko uli siya saka tumingin sa kabilang side ng naka-pangalumbaba.
"Uy! Alex! Uy! Uy!" Kausapin mo yung pader!
Hahahahaha. Bwisit kasi e. Arte arte!
But to be honest, sabihin man nya o hindi, wala namang magbabago. Bestfriend ko pa rin siya.
Gusto ko lang na maging matapang sya. Yung matapos na ang pagiging torpe niya.
"Uy!! Alex.. Kausapin mo naman ako.."
"Iyak ka muna. Tas luhod ka."
"Asa ka naman noh!"
"Oh, edi asa ka rin na kakausapin pa kita!!"
"Eto na nga eh. Iiyak na eh!"
"Gusto ko yung may kasamang uhog ah! Bwahahahahahaha.."
"Hahahahaha. Baliw ka talaga! Akala mo naman mapapaniwala mo ko sa arte mo!"
BINABASA MO ANG
Worth Waiting For (ON-GOING)
RomanceIto ang istoryang wala pang description. Basahin mo na lang kasi at ikaw ang humusga. Lol. Nag-iisip pa kasi ang Author nito.