Chapter Nine

26 1 0
                                    

MIKO'S POV

5:30am.

"Para kanino ka bumabangon?" – Nescafe

Hmm.. Nangangamoy kape! Mukhang gumagawa na naman si Lolong kapitbahay ng brewed coffee.

Bigla ko tuloy naalala ang sikat na tagline ng Nescafe. Bagay na bagay sa mga inspired at inlove. Hahaha.

Iba talaga ang nagagawa nang may inspirasyon ka. Yan yun tipong kahit pagod ka galing sa ilang araw na madugong praktis, magigising ka pa rin ng maaga.

Naalala ko tuloy ang basketball practice namin. Dami ko atang naaalala?

Anyway, nakakaawa ang team ko pero wala naman kaming choice kundi ang magpraktis ng magpraktis. Wala din kasing ni isa na gustong magpatalo.

Pati tuloy ang makasama ko si Alex, naaapektuhan. Pagkatapos kasi ng klase, umuuwi na rin ako. Wala e. Kailangang magpahinga para makabawi ng lakas para sa praktis kinabukasan.

Pero atleast kapag nakikita ko si Alex, mas ginaganahan ako. Siya ang vitamins ko tuwing umaga. Because she's my Centrum Complete, from A to Zinc. ^.~

Kinuha ko ang phone ko na nasa ilalim ng unan ko sa ulo.

Then I checked our photos from that heavy but happy night.

Nakakamiss 'to. May uhog at luha pa si Alex dito. Mukha namang ewan si Sydney dito. Sabi wacky e, eh mukhang sinapian siya dito. Hahaha.

"Don't worry Miks, magiging okay na rin ako. At ita-try ko everyday na maging positive at masaya para sa inyo. Para sa'yo."

Sheeeeeps! Anak ng tupa talaga!

Yung ngiting 'yon, priceless!

Nubayan! Kinikilig pa rin ako! Lalo na nung sinabi nya yung "para sa'yo", heaveeeen!

Ang sarap balik-balikan nung moment na sabihin nya 'yun pagkahatid ko sa kanya. Na-stock na ata ako don.

Alam mo yung parang wala ka ng pag-asa. Akala mo hindi ka na magkakaroon ng puwang sa puso niya pero nung sinabi niya 'yon, grabe! Feeling ko sinagot na nya ko kahit hindi pa ko nanliligaw. Hahahaha. Sobrang saya ko lang non.

Atleast somehow, nagkaron ng pag-asa ang one-sided love na 'to. :-)

* ring * ring * ring *

Vitamin Alex is calling. .

Halos malaglag ang phone ko sa sobrang gulat.

Ang aga naman nitong tumawag. Unexpected. Ano kayang meron?

Nari-realize na kaya niyang mas deserving ako sa kaniya? Hay. #PogiProblems

"Hello?"

"Goooooood moooooorning Miko Valdez!!" Nilayo ko ang phone ko sa tenga ko.

Pambihira! Umagang-umaga ang hyper! Ano kaya tinira nito?

"Good morning din!" Pero kahit nakakarindi, di ko pa rin mapigilang mapangiti. :-)

Napakasarap naman kasi sa pakiramdam na makipagbatian ng Good Morning sa kanya. Sana ganito araw-araw. :-)

"Tara Miko! Jogging tayo!!! C'mon mamon! Huwag mo nang subukang tumanggi at masasaktan ka lang." Baliw na ba ko talaga? Bakit ang sweet ng dating sa'kin ng pagbabanta niya? :-)

"Same place?"

"Oo. Bilisan mo!! Ayoko ng babagal bagal!!" She's the sweetest rude ever. :-)

"Alright. In 15 minutes, nandyan na ko.", mabilis ko namang sagot.

Worth Waiting For (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon