A/N: Bago ang lahat gusto ko lang i-share sa inyo na super mega LSS ako today sa kantang 'Pare Mahal Mo Raw Ako' ni Michael Pangilinan.
Kaynesssssss! Hahahaha. Iba yung feels ko dun sa kanta e. Basta basta! Go push na, read na!
× × × × ×
ALEXA'S POV
Hay salamat. Natapos rin ang araw na 'to.
Sinundo ako ni Miko sa huling klase na tinuruan ko. At ngayon naglalakad kami palabas ng school.
Dito sa school na 'to, masyado kaming sikat ni Miko. Bakit? Simple lang. Gwapo kasi si Miko at reyna naman ako ng kagandahan.
Kumbaga, perfect match kami ni Miko kung titignan. Marami ngang ma-isyung estudyante dito e.
"Tignan mo si Sir, kasama na naman niya si Ma'am!"
"Sila na ba?!"
"Hindi daw. Choosy yang si Ma'am Gonzales e. Ayaw pa kay Sir."
"Hindi siya choosy, girl! Manhid lang si Ma'am. Tagal naman nang obvious na type siya ni Sir Miko pero wapakels lang siya."
Mga estudyanteng babae na nakasalubong namin. Akala nila kahit malayu-layo na sila, hindi ko narinig 'yon. Nilingon ko nga sabay tinignan ko nang masama.
Mga ma-isyu! Hindi na sila nahiya sa Sir nila at sa akin.
Napatingin naman ako bigla kay Miko nung narinig ko siyang natawa. Haller! What's funny?! :/
"Tinatawa tawa mo dyan?", mataray kong tanong sa baliw kong kaibigan.
"Haha. Pati kasi mga estudyante pinapatulan mo e. Malala ka na Alexa!", umiling-iling pa ang loko. Sarap kutusan!
"Kasi naman masyado silang ma-iisyu. Mula sa mga co-teachers natin hanggang sa mga estudyante, ini-isyuhan tayo. Kung anu-anong kasinungalingan ang pinakakalat nila. Tsk!", sabay hagod sa buhok ko.
Kapag kasi naiinis ako, napapahagod na lang ako sa buhok ko. Baka kasi pati hair ko na-stress na. Ayoko nga mangyari 'yon. Matagal ko 'tong inalagaan no! At hindi ko yan pina-salon!
"Tingin mo ba kasinungalingan lang 'yon?"
"Ha?! May sinasabi ka Miko?", napahinto ako non.
Narinig ko siya medyo pero hindi ganon kalinaw yung dating sa'kin nung sinabi niya. Pano kasi ang hina nung boses niya nung sinabi niya 'yon tapos nakatingin pa siya sa kabilang side na parang ayaw naman niya talagang marinig ko yung sinabi niya.
"Walaaaaaa.. Tara na nga. Sakay na tayo ng taxi!"
Labo talaga nitong lalaking 'to. Magsasalita tapos hihinaan para hindi ko marinig. Parang timang! Nagsalita pa siya. Tsk!
Nasa labas na pala kami ng school. Pero hindi pa kami uuwi, pupunta pa kami sa isang resto-bar.
May usapan kasi kaming tatlo nila Sydney na mag-a-unwind kami ngayong gabi. Umpisa na rin naman ng weekend at walang pasok bukas kaya okay lang magpuyat. Hahahaha. Rak en rol na ituuuu \m/
× × × × ×
After naming lumamon ng dinner, as in lamon kasi alam nyo naman ako, malakas talaga kong kumain! Naka-tatlong extra rice nga ako e! Hahahaha. Loveeeeet.
Eh ayun nga, after naming lumamon, nagpahinga muna kami. Nanahimik lang din muna kami at nakinig sa music na pinapatugtog nitong resto-bar.
Chill chill lang. Dinama muna namin ang ganda nitong bar. 8)
Alam nyo maganda dito sa resto-bar na 'to. From morning until before 9pm, normal siya. As in resto. Maraming kumakain dito. Fine dining.
Pero pag-nine in the evening na, nagiging bar na siya. Yun tipong may live band, minsan acoustic tinutugtog. May iba pa ngang sikat na banda ang tumutugtog dito e.
BINABASA MO ANG
Worth Waiting For (ON-GOING)
RomanceIto ang istoryang wala pang description. Basahin mo na lang kasi at ikaw ang humusga. Lol. Nag-iisip pa kasi ang Author nito.