MARK TRISTAN'S POV
"Dude, I'm just going to buy something. Mag-ikot ikot ka muna dyan." Derick patted my shoulder and then he left.
Sinunod ko naman siya. Naglakad lakad muna ko. Nagtingin-tingin sa mga stalls ng t-shirts, shoes and other stuffs. Wala kasi akong masyadong dinalang gamit. Pampabigat lang ng luggage.
Nag-iba na rin ang itsura ng mga mall sa Pinas. Parang mas lumaki na at naging mas moderno. Ang tagal ko rin talagang hindi nakauwi dito.
Dito muna kami sa Manila mag-stay since dito daw nakatira si Tito Anton. Miss ko na rin siya. Ang tagal na rin naming hindi nagkikita.
Ano na kayang hitsura niya ngayon? Noon palang kasi medyo mapapanot na siya, ngayon kaya panot na talaga siya?
Hahaha. Natawa na lang ako sa naisip ko. Iyon pa talaga ang naalala ko kay Tito. Walang galang! Hahaha
Chineck ko ang phone ko, baka kasi nagtext na si Tito.
At hindi nga ako nagkamali.. I read his message.
"Waaaaa.." Buti nasalo ko! Phew ~
Habang nagbabasa kasi ako ng text, may babae pala sa likod ko at nadulas siya. Tsk.
Buti napansin ko siya kaagad kung hindi sahig ang sasalo sa kanya.
Hindi naman madulas 'tong sahig ah. Ano 'yon? Dulas-dulasan ang trip niya?
"Miss okay ka lang?"
Tinititigan ko lang siya. Mukha siyang pamilyar sa'kin. Parang nakita ko na siya dati. Pero hindi ko lang sure kung saan.
Ngayon lang naman ako umuwi ng Pinas pero parang namumukhaan ko siya. Labo! Baka sa panaginip ko lang 'yon?!
Hindi ko talaga maalis ang mga tingin ko sa kanya. Sinusubukan kong alalahanin.
Pero siya rin nakatitig lang sa'kin. Hindi kaya nagkakilala na kami sa New York? O kaya isa sa mga nagtrabaho sa kompanya namin?
Bahala na nga. Sumasakit lang ulo ko sa kaiisip. ><
"Miss?"
Nung tawagin ko uli siya, tumayo na rin siya mula sa pagkakasalo ko sa kanya.
"Hehe. Okay lang naman po ako.."
Mukha namang okay lang talaga siya. Akala ko napano na siya kanina e. Akala ko naalog ang utak niya. Bukod kasi sa nakatitig lang siya sa'kin, ang tagal niyang sumagot.
Kaso may pagka-weirdo rin siya. Nung sumagot kasi siya, para syang baliw na nilalagay ng unti-unti yung buhok niya sa side sa likod ng tenga niya. Anong trip nito?!
"Ingat ka sa susunod ah.."
"Hehe. Oo, salamat!"
"Dude.." Napalingon ako kay Derick.
Lumapit din naman siya kaagad sa'kin at inakbayan ako.
Bakla talaga nito. Pa-akbay akbay pa! Gusto lang nitong maka-tsansing sa'kin. Pero medyo gusto ko rin naman! HAHAHA. Kidding! Asa pa!
"Sige Miss ah! Una na kami! Ingat ka!"
"Sydney!!!"
Hindi pa kami ganong nakakalayo, I heard a familiar voice.
Yung boses na kapareha ng boses niya pero parang mas nagmature na.
Gusto ko sanang lingunin kaso baka guni-guni ko na naman.
Bigla ko tuloy siyang naalala. The reason why I'm here. The reason why I came back after nine years.
Nasa iisang bansa na kami ngayon, but my mission of finding her hasn't started yet.
BINABASA MO ANG
Worth Waiting For (ON-GOING)
RomanceIto ang istoryang wala pang description. Basahin mo na lang kasi at ikaw ang humusga. Lol. Nag-iisip pa kasi ang Author nito.