Chapter Five

27 1 2
                                    

A/N: Hi readers! Some clarifications and changes lang po.

Gusto ko lang po sabihin na yung 8 years ago na past ni Alex ay hindi talaga 8 years. Ito po ay 9 years ago. Which means na 25 na si Alex. Nagkaroon po ng pagbabago sa taon para sa ika-aayos ng kwento. Sorry for that. But it won't affect the whole story.

And thank you sa mga patuloy na nagbabasa. :)

× × × × ×

MIKO'S POV

** Mall **

"Ang ganda Miko oh!" Nakakita kasi siya ng mga bulaklak.

Oo, boyish nga si Alex. Pero kagaya pa rin siya ng ibang babae na mahilig sa mga bulaklak. At parang ewan na amoy ng amoy kahit ang babaho naman.

"Sino kayang magbibigay sa'kin ng bulaklak?"

Nagising ang tulala kong isipan ng sabihin 'yon ni Alex.

Ting! Firefly!

Bigyan ko kaya siya ng flowers?! Hmm. Kaso baka kung anong isipin niya.

Alam niyo na ang mga babae, marami sa kanila ang assuming.

Pero hindi naman siguro mag-a-assume si Alex nu? Tutal, bibigyan ko lang naman siya ng bulaklak kasi gusto niya 'yon. Saka special din ang araw na 'to.

Tama! Special 'tong araw na 'to sa'ming tatlo! Wala namang iba pang dahilan. Kaya huwag kayong mag-isip dyan ng kung ano.

"Alex, dito ka lang muna ha. Magtingin tingin ka lang muna dyan ng mga dress. May babalikan lang ako.", at umalis na ko kaagad.

Baka kasi magtanong pa siya kung saan ako pupunta at mangamote ko sa pagsagot. Mahirap na!

Mabilis akong pumunta dun sa flower shop na hinintuan namin. Bumili ko nang dalawang bouquet.

Bakit dalawa? Dadating na rin naman kasi si Sydney. Susunod daw siya. Saka special nga kasi ang araw na 'to.

Medyo panira din yun e. Alam na nga niyang chance ko na 'tong maka-date si Alex, sumama pa rin! Hay nako.

Pero may mga pagkakataon naman talaga na kaming dalawa lang ni Alex ang namamasyal sa mall. Yung walang sagabal na Sydney.

Kapag kasi nai-stress na si Alex, gusto niyan puro alis, gala, gimik, kain, inom, pasyal. Eh diba ganon naman talaga ang tao kapag nai-stress?

Pero siya dun lang sa lalaking 'yon nai-stress. Doon lang siya parang baliw na nagliliwaliw na para bang bukas mamamatay na siya.

Sa mga pressure at stress sa trabaho, wala, hindi siya affected non! Mas naaapektuhan ang trabaho niya kapag nai-stress siya. Yun tipong nagiging iresponsable nga siya.

Kaya kapag nasa state of calamity na si Alex, aayain na kong magmall niyan o magbar. E ako, lagi namang available. Kahit pa busy talaga ko, available pa rin ako para sa kanya!

Pagbalik ko sa boutique ng mga dress na pinag-iwanan ko kay Alex, nakita kong andoon na rin pala si Sydney.

Tamang-tama! Hindi na talaga makakapaghinala si Alex nito.

"Oh? Saan ka galing?", tanong ni Sydney habang nagtitingin-tingin ng mga dress.

"Ah. Bumili lang ng bulaklak.", sabay kamot ko sa ulo ko.

"Si Alex?" Pagdating ko kasi, wala siya sa loob ng boutique. Si Sydney lang ang naabutan ko. Saan naman kaya pumunta 'yon?

Habang lumilingon-lingon ako, biglang may kumalabit sa'ken. At paglingon ko. .

Worth Waiting For (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon