ALEXA'S POV
Nanlalambot ako sa mahigpit niyang yakap. Nanghihina. Hindi makapaniwala na nandito na talaga siya.
Baka nananaginip lang ako ah? Gisingin niyo naman ako kung panaginip lang 'to!
Ayokong maniwala pero damang dama kong nakabalik na talaga siya.
Dahan dahan siyang kumalas sa pagkakayakap sa'kin at tiningnan ako ng diretso sa mga mata.
Tiningnan ko rin sa mga mata niya para quits.
Sa ilang minuto naming pagtititigan, nagflashback sa'kin ang lahat ng nangyari nine years ago.
Mula sa pagkabata, sa paglalaro, sa pag-aasaran, sa paghahabulan, sa kalokohan, sa paggagala, sa mga okasyong pinuntahan ng pamilya namin, sa mga bakasyon, sa pagdadalaga at pagbibinata, sa pag-aalaga ko sa kanya, sa pagkawala ng dalawang pinaka-importanteng tao sa buhay ko at sa buhay niya, sa pag-iyak, sa pagkabaliw, sa hinagpis, sa pagsasama namin sa iisang bahay, sa pagpapasaya niya sa'kin, sa mga regalong natanggap at binigay, sa pagtawa, sa pagmu-move on sa buhay, sa problema, sa lungkot at saya, at sa maraming iba pang bagay...hanggang sa isang araw, iniwan mo ko.
Nawala ka. Umalis ka nang walang pasabi. Biglaan. Gulatan. Walang usap usap. Walang text, tawag, chat, message, o sulat. Ni anino ng anino mo, wala na kong nakita.
Knowing na kailangang kailangan kita. Na noong panahon na 'yon, kayo na lang, ikaw na lang ang tanging masasandalan ko.
Alam na alam mo kung anong nafifeel ko that time. Naranasan mo rin 'yon pero bakit nagawa mo pa rin akong iwan?
Nagpalitan pa tayo ng mga salitang "walang iwanan" pero nauna ka nang mang-iwan. Eh ano nga bang aasahan ko sa batang katulad mo? Eh bata ka lang naman at hindi mo alam kung paano tumupad sa pinag-usapan.
Minsan pala hindi lahat ng throwback, ng flashback, ng wayback, masayang balikan. Hindi kasi lahat ng alaala natin noon, masaya.
May mga alaalang dudurog na lang sa'tin tuwing sasagi sa isip natin. Yung minsan, mapapahiling ka na lang na sana pwedeng mabura ng eraser ang bad memories mo.
Tulad natin, ang dami nating pinagsaluhang alaala...pero sinira mo, sinayang mo dahil sa walang konsiderasyon mong pag-iwan sa'kin.
Pinagmukha mo kong tanga. Umalis ka nang walang anu-ano tapos babalik ka ngayon na parang wala lang. Ano, nag-eenjoy ka ba? Na nasasaktan mo ko? Na sa tagal ng paghihintay ko, wala na kong ibang maalala kundi lahat ng sakit at hirap na dinulot mo?
Gustung-gusto ko nang sabihin sa kanya lahat ng thoughts na pumapasok sa isip ko. Gusto ko siyang sigawan, sumbatan, ipadama lahat ng sakit pero naiyak na lang ako.
Ayoko sanang umiyak sa harap niya. Ayokong isipin niya na namiss ko siya. Ayokong isipin niya na naapektuhan at naaapektuhan ako. Ayokong isipin niya na nasaktan at nasasaktan pa rin ako. Ayoko sanang isipin niya na naghintay ako. Ayoko sana. Pero may utak yata 'tong luha ko at nagvolunteer na siyang lumabas kahit ayoko.
"Ate..", sabi niya habang aaktong yayakapin ako ulit pero tinulak ko siya kaagad.
"Tama na Stan! Umalis ka na!", pagtataboy ko sa kaniya.
Isasara ko na sana yung pinto pero pinigilan niya. Pilit kong tinutulak pero hinihila naman niya.
Bakit ba kasi nagpadala ako kanina sa nararamdaman ko? Bakit kasi hindi ko ginamit ang utak ko? Bakit kasi binuksan-buksan ko pa yung pinto? Edi sana hindi ako nahihirapan ngayon. Dapat kanina palang hindi ko na siya binigyan ng chance eh!
Para tuloy kaming timang na naghihilahan sa pagsara at pagbukas ng pinto.
Gusto kong panindigan na itaboy siya pero mas malakas siya sa'kin at ayaw talaga niyang papigil sa pagbukas ng pinto.
BINABASA MO ANG
Worth Waiting For (ON-GOING)
RomanceIto ang istoryang wala pang description. Basahin mo na lang kasi at ikaw ang humusga. Lol. Nag-iisip pa kasi ang Author nito.