Chapter Six

27 1 1
                                    

A/N: YEAAAAAA. Atlast, after 12838281 years, published na rin 'to. Hindi naman masyadong matagal diba bago ako nakapag-UD uli? Hahaha. Nawala kasi utak ko e, namasyal saglit. Lol.

Sige na. Basa na. Dami pang daldal ni Author e.

× × × × ×

ALEXA'S POV

"Pano kung bumalik siya?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Sydney. Hindi ako nakasagot agad.

Hindi ko kasi akalaing itatanong niya 'yon. Napaisip tuloy ako. Paano nga kaya kung bumalik siya?

Nasanay na kong wala siya. Kahit na hindi pa rin ako maka-move on pero nakayanan ko namang mabuhay ng hindi siya kasama sa loob ng siyam na taon.

Okay naman ako ngayon. Though minsan nai-stress talaga ko kapag naaalala ko ang mga nangyari sa buhay ko nine years ago pero okay naman na ko ngayon. Masasabi kong mas matatag na kong nilalang ngayon.

Saka parang imposible namang bumalik siya. Hindi parang! Imposible talaga!

Duh! After nine years saka niya pa maiisipang bumalik? Ano 'yon, lakas trip lang?!

Iniling ko ng wagas ang ulo ko. "Imposible 'yon!"

Pero napapaisip pa rin ako. Kasi kahit papano at kahit alam ko at sinasabi ng utak kong imposibleng bumalik siya, may part pa rin sa'kin na parang timang na nag-iintay.

Alam niyo 'yon? Waiting in vain. -.-

Kasi alam ko naman sa sarili kong wala naman talaga kong inaantay pero umaantay-antay epek pa ko. Labo diba!

At sa sinabi ni Sydney, natauhan ako. Baka nga. Di natin masabi diba. Pero.. Imposible talaga e!!

"Mukha ngang imposible pero.. sa mukha mo ngayon, mukhang umaasa ka rin namang babalik siya."

"Mukha mo!", inis kong sabi kay Sydney.

"Tss. Okay. Imposible na kung imposible. Pero pano nga kung bumalik siya?"

"Edi bumalik siya. Who cares?!"

"You."

"Abnormal ka talaga Syd. Gusto mong masaktan?", tiningnan ko siya ng masama.

"Alam mo kasi, you're always hiding your emotions. Lagi kang umiiwas sa seryosong usapan. Ayaw mo siyang pag-usapan. Alam mo 'yon. Iwas ka nang iwas."

"Kasi yun na lang ang magagawa ko."

"Alam mong hindi Alex. Alibi mo na lang 'yan. Ayaw mo kasing harapin ang fears mo. Ang gusto mo lang lagi mag-happy happy."

"Sinong tao ang ayaw maging masaya?"

"Wala. Pero sa ginagawa mo, hindi mo sinusolusyunan ang problema. Parang sugat lang 'yan e. Pagkatapos mong masugatan, imbis na gamutin, nilagyan mo na lang ng bandaid. Hindi ka na nga totally natulungan, tentano pa inabot mo."

Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Sydney. Malalim at madrama 'yon pero tagos. Tagos hanggang sa pride ko.

May tama naman kasi siya. Simula kasi nung mawala yung batang 'yon, pinilit kong maging matatag at masaya. Hindi ko napansin na iniiwasan ko lang pala ang problema.

"Wait Lex!"

Umalis bigla si Sydney. Hindi ko na tiningnan kung saan siya pumunta.

Naloka naman kasi ko sa mga sinabi niya. Bumaligtad ang mundo ko. Hindi naman kasi malabong mangyari 'yon. Pero malabo talaga! Imposible! Pero wala namang imposible sa mundong 'to.

Worth Waiting For (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon