Ako si Ayako Velasquez. 15 years old. Isang ordinaryong high school student sa Leido National High School. Weirdo. Yan ang sabi nila. Loner. Laging magisa. E? parang dinefine ko lang din ang meaning ng loner. Hehe. Laging may nakababad na headphone sa tenga. At takenote, Beats ang tatak ng headphone ko. Pero di ako richkid. Regalo lang sakin un ng ninang kong nasa Dubai kung di ako nagkakamali. Lagi lang akong nasa isang sulok sa ilalim ng puno. Yung malapit sa gutter. Na tipong di ko namalayang may klase na pala ako at masyado kong naenjoy ang pagsesenti ko. Ewan ko ba kung bakit ako nagsesenti, e ni wala nga akong boyfriend e. Nakakain ba un? Bulong ko na lang sa sarili ko ng may biglang may sumakay sa likuran ko.
"Ayako my dear! Nagsesenti ka na naman dyan!" sabi nung unggoy na sumakay sa likod ko.
"Ano ba! Kala ko ba naextinct na mga homo sapiens at homo erectus dito sa mundong ito! E bakit may naliligaw yata sa panahong ito?" sabi ko.
"Bessy naman e. Lagi mo na lang akong ginaganito. Ako na nga tong concerned sayo tapos aapihin mo pa ako! Huhuhu." pagiinarte nya.
"Hay naku. Tara na nga sa classroom. Super late na pala tayo. Buti na lang at dumating ka bessy! mwa! Labyu!" sabi ko dun sa unggoy este homo sapiens este homo erectus este taong bestfriend ko pala, si Jillian.
Jillian Peralta. 16 years old. Mas maedad sakin ng 1 year pero kung magaasta parang mas bata pa sakin. Di naman pala ako loner. At least, nandyan ung nagiisang bestfriend ko. Makulit. Minsan binibwiset ako pero ok lang kasi sanay na naman ako. Simula nang namatay ung nagiisa kong ate, sya na ung pumalit sa kanya 7years ago. At super laki ng thank you ko kasi may isang Jillian na nandyan para sandalan ko sa lahat ng oras. Mukha kasi syang kawayan e sa sobrang payatot!
Balik sa reality.
Papasok na sana kami ni Jillian sa classroom. Siguro mga dalawang hakbang na lang makakapasok na kami ng biglang may napansin akong parang may nakasabit na something dun sa pinto. Timba yata un. Tsk. masama kutob ko dito a. Tapos nakita ko pa ung mga bully kong kaklase. Nakangiti na parang aso tapos titig na titig pa samin. Buti na lang kumain ako kanina ng krim stix kaya lumawak bigla imagination ko.
"Psst! Halika nga dito may sasabihin lang ako sayo." tawag ko dun sa isang weirdo kong kaklase na super laki ng eyeglasses! Si Paulo.
"Ha? aakkoo? Bababakkkit?" nauutal nyang sabi.
"Sinabi ko na di ba? Paulit ulit lang? unli ka?" sabi ko kay Paulo.
"Ah e sige papunta na. Ano bang ke- naputol bigla ung sinasabi nya ng biglang may tumapong isang timba ng harina sa mukha nya.
"Whaaat theee fuucck! Sheeettt! Bullshhiitt!" halos sabihin na nya lahat ng mura sa mundo sa nangyaring yun.
"And who the hell did this mess?" pagtatanong ko sa buong klase.
Natahimik silang lahat. Yung kaninang nagtatawanang mga bully at tsismosa, napanganga at natulala sakin. E kasi naman first time kong sumigaw sa harap ng klase. Nasanay kasi silang tatahitahimik lang ako.
Nang may biglang nagsalitang mukhang pinitpit na luya ang mukha.
"Well, well. Look who is talking now. Ikaw ba yan Ayako? Ano naman kayang espiritu sumapi sayo at biglang nawala ang tape na nakatakip dyan sa bibig mo?"
"Oo nga. What a pleasant surprise! Pamisa tayo ngayon guys?" sabat nung isang guy na feeling gwapo pero sya lang ang nakakaalam.
Sasagutin ko na sana ung mga balahurang yon ng bigla namang pinigilan ni Jillian yung braso ko. Di ko na namalayang dumating na pala ung Math teacher naming si Mr. Dimapilit. Ugh. Nakita nya ba at narinig lahat ng nangyari? sabi ko sa sarili ko.
Si Jillian naman nanginginig na. Ewan ko ba kung aatakihin na to ng asthma nya.
Si Paulo naman, di maintindihan kung uuwi sa kanila dahil puno ng harina ang buhok nya pati mukha nya o kaya gaganti sa mga may pasimuno ng kagaguhan na prank na un.
Samantalang si Mr. Dimapilit naman, uhm eh, sasabog na yata sa galit! oem! First time kong madawit sa ganitong gulo. Kainis! Siguradong diretso kami guidance counselor office nito.
At ang mas kinakatakot ko pa e yung malaman ng parents ko ang gulong napasukan ko.
"Velasquez, Peralta, and the rest of the class, to the guidance office now!" sigaw nung prof naming si Mr. Dimapilit.
Naku patay na! At yung totoo? Buong klase talaga!
BINABASA MO ANG
He loves me. He loves me not.
RomanceAuthor's Note: First time ko pong magsulat dito sa wattpad. Pero nagsusulat na rin ako dati sa publication namin. Di muna po ako magbibigay ng hint kung anong peg ng story na to. :)) Masasabi kong hindi ito katulad ng typical na story na nababasa n...