Ayan double update dahil panalo...
Enjoy reading and enjoy ang pagkapanalo ng ALE...🙏🙏🙏
Ad Majorem Dei Gloriam
Congrats ALE!!!-------------------------------------------------------------
JIA POV
After ng meal with the team ay naging malinaw na sa grupo kung sino at ano ba talaga si Bea. I told them about her and paano ko siya nakita.
I told them about what she can do though there are some tendencies na hindi ko pa alam na pwedeng gawin or kaya niyang gawin.
Since aware naman na ang team na hindi usual ang pagkatao ni Bea, mas madali na sa akin na isama ko siya kapag kasama ang team.
Kagaya na lang ngayon, Bea accompanies me in the gym dahil simula na ng training. Pero mas kampante na akong dalhin siya dahil hindi na ako mag aalala pa.
Ang mga teammates ko ay nasa court na at nag-aayos ng mga gagamitin. While I am on the bench fixing my things at katabi si Bea. Kararating lang namin galing sa bahay.
Habang nag-aayos ako wala magawa ang mga iba kong teammates kaya si Bea ang ginulo nila. Pangalawang beses pa lang nilang makakasama si Bea.
PONGGAY: "Ate Bea. Ate Bea. Come here." (masayang pagyaya sa kanya at kinakawayan niya)
Pero lumingon si Bea sa akin as if asking my permission kung pupunta ba siya or hindi kaya tumango ako to allow her para naman makakausap din niya ang mga ito
After I nodded to her, tumayo siya at naglakad na papunta kung nasaan si Ponggay at ibang teammate ko. I just watch her as she walks towards them.
Ate Ella gave Ponggay a ball as soon as Bea gets near her. Ponggay was saying something to Bea as if giving her instruction pero parang hindi siya naintindihan ng kausap.
Si Maddie lumapit na rin at nakisali. After magsalita pinalo ni Maddie ang bola ng malakas. Sapat lang para makatawid sa kabilang side ng court.
It seems like they were teaching her how to serve the ball. Tinuturuan ata nila ang alien kung paano maglaro ng volleyball.
Si Jho ay nakisali na rin sa kanila at nagserve din. Si ate Ella also serve the ball and Bea was just silently and attentively watching them.
Well, atleast may ibang tao na siyang pwede makausap ngayon at hindi lang dikit ng dikit sa akin. Mukhang kumportable siyang kausap ang mga ito.
Nagpatuloy lang ako sa paglagay ng medyas ko at pagsuot ng sapatos. At sinusulyapan ko lang sila sa gitna ng court.
Later on binigyan ni Ponggay si Bea ng bola urging her to hit the ball. Well, lahat silang nandun pinipilit si Bea na tamaan. Kaya natuon ang pansin ko sa kanila.
Watching them from afar ay mukhang alam ko na ang kalalabasan nito. Pero hinayaan ko na lang sila. Abangan ko na lang ang susunod na mangyayari.
Hinatak na nila si Bea papunta sa line. And urge her to start hitting the ball. And just like what they told and taught her. Itinapon ni Bea pataas ang bola and pagbaba just hit it.
Paghampas niya ay tinamaan niya agad ito. Well, she hit it hard kaya yung bola ang bilis ng lipad lagpas sa inaasahan na spot at tumuloy ito hanggang dun sa bintana ng gym.
Kaya tuloy kumalabog ang lahat na mga tinamaan nito at napangiwi silang lahat. Nagdulot ito ng malakas na ingay. Napatakip pa ng tenga yung iba.
Kaya yung coaching staff na mula sa loob ng office ay napalabas sa isang room at nagtatakbo papunta sa court.
BINABASA MO ANG
FALLEN (JiBea)
Fanfiction#whateverittakes Hanggang kelan? Hanggang saan? Hanggang kelan mo paninindigan ang isang pagmamahalan na alam mong wala namang patutunguhan? Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang relasyon na walang kasiguruhan?