CHRONICLE 29

542 21 3
                                    

JIA POV

Pauwi na kaming dalawa ni Bea sa bahay. Happiness is written all over her face. Kaya naman, nakakagaan ng feeling na makita siyang masaya at hindi aburido sa buhay.

JIA: "Did you enjoy?"

Nakangiting tanong ko sa kanya. I just enjoyed her company today. Sinama ko siya sa school para ipaalam na papasok siya sa mga classes ko.

BEA: "Yes, bebejowa."

Masayang sagot niya habang hawak hawak niya ang kanang kamay ko sa byahe. Nakahawak naman ang kaliwang kamay ko sa manibela.

She always wants to hold hands kapag lumalabas kami or di kaya ay kapag nagmamaneho ako. I want ko ba sa kanya feeling niya ata any moment ay mawawala ako.

JIA: "I have good news for you."

Lalong pagpapasigla ko sa mood niya.

BEA: "Good news?!"

Hearing the word good news nanlaki ang mata niya sa excitement.

JIA: "Yap. I have already talk to my professors and school heads. They allowed you to come with me during classes as long as you do not make any scene during classes."

Pagpapaliwanag ko sa kanya.

BEA: "It means, I can go to school with Bebejowa!?"

Nanlaki na naman ang mga mata niya hearing about going to class.

JIA: "Yes. You can go to school and even during my trainings and games."

BEA: "I want to go to school already."

Wika niya at excited na naman siya knowing na makakasama niya ako sa school. Sa totoo lang naghehesitate talaga akong isama siya kasi hindi ko alam kung ano ang mangyayari.

But then, maaaring makakatulong din ito sa kanya para matuto siyang makisalamuha sa iba maliban sa family at teammates ko. Sana lang ay huwag siyang gumawa ng eksena.

Isa pa, she only have a bit of two days left bago umalis. Siguro naman sa loob ng dalawang araw hindi siya gagawa ng kung anu-ano sa klase.

Habang nasa byahe ay naghahanap siya ng tugtog sa radio. Siya ang pumipili kung saang station ang may gusto niyang tugtog. Lagi na niyang habit yan sa kotse.

Pagpihit niya ay narinig niya ang kantang tagalog na lagi niyang kinakanta kahit nga naliligo sa banyo.  Itinigil na niya ang pagpihit at sinabayan na ang kanta.

BEA: "Mundo'y magiging ikaw."

Tapos nakatingin siya sa akin.

JIA: "You know what it means?"

BEA: "No. But, I remember bebejowa everytime I heard and sing the song."

Hinayaan ko na lang siya at hindi na ipinaliwanag pa. Patuloy lang siya na sumabay sa awitin at hinayaan ko na lang.

Dahil wala namang traffic ay mas maaga kaming nakarating sa village.
Kaya lang pagpasok sa village, may mga kakaiba kaming sasakyan na dinaanan.

Pati siya ay napatingin sa mga ito at sa mga sasakyan pero hindi naman siya nag-abala na magtanong. I am also puzzled kung anong meron.

Siguro mga nasa sampu ang mga sasakyan na nadaanan namin at pareho lang ang mga itsura nito. Lalo pa ako nagtaka ng makitang may mga nakaparada rin sa tapat ng bahay namin.

Kaya naghanap ako ng maparadahan at bumaba na agad ng kotse. Habang naglalakad, hinawakan ni Bea ang kamay ko.

May mga tao ring unipormado katabi ng mga sasakyan at napatingin sila ng makita kami ni Bea. Pero hindi naman sila kumilos. Nakatingin lang sila.

FALLEN (JiBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon