CHRONICLE 31

1K 33 14
                                    

JIA POV

JIA: "Mamu, pwede po ba tayong magsalad today?"

MAMU: "Pwede naman. Kumpleto naman ata ang mga kakailanganin at gagamitin diyan. Bakit anong meron?"

JIA: "Para po kay Bea."

JOBOK: "Naglilihi na po ba ate?"

Binato ko siya ng napulot na dyaryo katabi ng sofa. Pero tinawanan lang ako.

MAMU: "Ako na ang magluluto. Hali kayo Jamie at Jess, samahan niyo akong magluto."

JAMIE: "Mamu naman, bakit hindi po si Julia ang isama niyo siya yung nagpapaluto eh."

MAMU: "Oh sige, soya isasama ko kayong dalawa magbantay kay Bea sa taas."

JESS: "Halika na Mamu, doon na po tayo sa kusina. Wala akong balak ubusin ang dugo ko para makipag-usap sa isang yun."

Kaya natawa na lang kami. Si Jamie tumayo na rin at sumunod sa dalawa na pumunta ng kitchen. Umakyat na ulit ako sa room kung saan iniwan si Bea.

Kaya ako nagpaluto because it was one of Bea' s favorite. And gusto ko bago siya umalis mapasaya ko man lang siya sa simpleng bagay.

Flashback...

Dumalaw kami ni Bea sa dorm, isinama ko siya dahil ayaw siyang bantayan ng mga tao sa bahay. Tatakas sana ako para hindi siya makasama, kaso nagmaktol mga kapatid ko.

Ending ito, kasama ko siya at kakapark ko pa lang ng kotse. Pagbaba, magkaholding hands kaming naglalakad papunta sa dorm.

Pagpasok namin sa loob, nagkakagulo sila at nagkakasiyahan. Yun pala, nagluto si ate Den ng para sa snacks.

ELLA: "Ang lakas naman ng pang-amoy niyong dalawa, paano niyo nalaman may kainan dito?"

Bungad na hirit agad ni ate Ella, pagkapasok namin ni Bea sa sala.

JIA: "Nabagot po ako sa bahay kaya naisipan ko po kayong pasyalan."

PONGS: "Hindi na nahiwalay yang jowa mo ah. HHWW pa kayong dalawa, nakakainggit naman yan."

JHO: "Ligawan na kasi si Maddie para may ka HHWW ka na."

MADZ: "Lakas ng tama mo Jhoanna. Gutom lang yan, ayan salaksakan mo nga yang bunganga mo ng manahimik ka "

Sabay abot niya dito ng pizza. Pero tinawanan lang siya ni Jho.

LY: "Hali na kayo rito. Sabay na kayo kumain."

Naupo na kami sa sofa pero si Bea mukhang linta, kapit na kapit sa braso ko. Akala mo naman batang nawawala.

Inabutan kami ni ate Mae ng plato at tinidor pati na rin ng kutsara.

JIA: "Thanks po ate."

I was about to get a spaghetti but Bea stops me. I look at her at salubong ang kilay niya.

JIA: "Why?"

Takang tanong ko sa kanya dahil ayaw bitawan ang kamay ko.

BEA: "What was that?"

Hindi na maipinta ang mukha niya, parang nandidiri pa ata sa pagkain.

JIA: "Spaghetti."

Simpleng sagot ko. Nakatingin lang sa amin ang mga teammates ko at nagtataka sa pag-uusap namin ni Bea.

BEA: "Spaghetti?!"

Pag-ulit niya ng sinabi ko and her facial reaction says it all. Na para bang masama na may spaghetti na kakainin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FALLEN (JiBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon