JIA POV
Kalalabas lang namin ni Bea ng pintuan, nagulat ako ng makitang sumulpot sa labas ang dalawang alien. At masama ang tingin.
LIZ: "Go back inside."
Utos agad niya at akala mo ay parang nagtataboy lang ng mga manok sa palayan.
BEA: "Get out of the way."
Ayun lang, pinatulan siya ng isa. Mag-aaway pa ata silang dalawa.
LAINE: "Don't be stubborn again. You have to get inside now."
Nakisali na rin ang isa pa, hindi lang dalawang bato ang nag-uuntugan, tatlo silang magsasalpukan sa harapan ko.
BEA: "Get out of my way. And that is an order."
Sumigaw na siya kaya naglabasan ang mga kapatid ko at ang parents ko.
PAPU: "What's going on?"
LIZ: "They are running away again."
JIA: "Well, we are not running away. We are just going for a date."
Pagpapaliwanag ko sa dalawa na nakaharang sa daan. Until now ay naandito pa rin ang dalawa. Ayaw kasi sumama ni Bea sa planeta nila.
Kaya ending yung dalawa ay walang magawa, hindi naman nila maiwan si Bea. Dahil ang mission nila ay kailangan bumalik sa planeta na kasama na si Bea.
Hindi ko alam kung anong napagkasunduan nilang tatlo, dahil nagkausap sila at wala naman sinasabi si Bea about it. Ayoko naman tanungin dahil sure ako hindi niya sasagutin.
Kaya ngayon, sa bahay nakatira ang dalawa pang alien. Minsan ay sumusulpot na lang sila bigla kagaya ngayon.
BEA: "Bebejowa, let's go. And don't follow me!"
Hinatak niya ako sa kamay at hindi alintana ang dalawang nakaharang sa dadaanan namin. Binantaan pa ng niya eh. Yung dalawa gumilid na lang at wala nagawa.
JIA: "I will call you if something happens. But don't worry, everything will be fine."
Pahabol na pag-alo ko sa dalawa at nagnod na lang ang mga ito habang pinapanuod kaming paalis ng kasama kong alien.
Pumasok na kaming dalawa sa kotse at umalis na sa lugar. Ako na rin ang nagmaneho ng sasakyan.
BEA: "Bebejowa"
Biglang pagtawag niya sa akin kaya napalingon ako sa direksiyon niya habang nagmamaneho.
JIA: "What is it?"
BEA: "Bakla ikaw?!"
The tone of her voice is asking. I take a look at her, trying to assess if she is serious or not.
JIA: "What?!"
Hindi ko na naman alam kung saan niya nakuha ang bagong ideya niya.
BEA: "You. You are bakla!"
Wika niya habang nakangiti sa akin. This time it is no longer a question. But rather a declaration.
JIA: "Do you have any idea what bakla means?"
Sandali ko lang siyang tiningnan at itinutok na ulit ang attention sa daan. For sure, may nagturo na naman sa kanya at hindi niya alam ang ibig sabihin.
BEA: "You like me, that is why you are bakla."
Sigurado siya sa sinasabi niya.
JIA: "What?!"
BEA: "You are not listening bebejowa. I said, You are bakla bebejowa because you like me."
Pagpapaliwanag niya sa akin na animoy wala akong alam sa kung ano ang mga sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
FALLEN (JiBea)
Fanfiction#whateverittakes Hanggang kelan? Hanggang saan? Hanggang kelan mo paninindigan ang isang pagmamahalan na alam mong wala namang patutunguhan? Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang relasyon na walang kasiguruhan?