CHRONICLE 23

686 31 4
                                    

JIA POV

BEA: "Bebejowa."

Pagtawag niya sa akin for the 3rd time para lang kuhanin ang atensiyon ko.

JIA: "What?!"

Singhal ko sa kanya. Nakukulitan na kasi ako. Isa pa, mainit ang ulo ko sa kanya, sinigawan niya ako kanina eh. Hindi pa ako naka get over dun.

BEA: "Don't be mad."

Nanatili siyang nakatayo sa gilid ng bed.

JIA: "Your fault."

BEA: "Did I do something illegal?! I don't want bebejowa mad."

Inosente niyang wika. Minsan talaga hindi ko alam kung nagkaka-intindihan ba kaming dalawa or nagmamaang-maangan lang siya sa mga nangyayari.

JIA: "If you don't want me to be mad, then stop bothering me. Go to Jobok's room and join your guardians there."

Pagtataboy ko sa kanya. Pero lumapit siya sa akin at akma akong yayakapin. Pinigilan ko siya pero ayun nagawa pa din niya ang gusto.

BEA: "Why bebejowa is mad?!"

Wika niya habang pilit ko namang kinakalas ang pagkakayakap niya ng mahigpit sa akin.

JIA: "I am not mad."

Pagsisinungaling ko na lamang para lang matigil siya.

BEA: "Smile first."

JIA: "Why would I?"

Angil ko sa kanya at nakakunot noo na ako.

BEA: "I don't want bebejowa angry."

JIA: "Go to your guarduans. You stay with them."

Nasa katabing room lang nagstay ang mga guardians niya, wala magawa ang mga ito dahil ayaw niya bumalik ng Merth kaya napilitan ang mga ito na mag stay.

At dahil diyan, napilitan si Mamu at Papu na dito patuluyin ang mga panibagong dalawang alien nang pansamantala.

Dapat ay sa room ko sila makikitulog kasama si Bea kaso ayaw ni Bea na patuluyin kaya dun muna sila sa room ni Jobok. Ikinahaba tuloy ng nguso ng kapatid kong madaldal.

Pero kahit anong tutol at palusot ng kapatid ko ay wala siya nagawa. Kaya lumipat muna siya at doon sa room niya pinatuloy ang dalawa.

BEA: "I want halik bebejowa" 😐😐😐

Biglang hirit niya at binalak pa akong nakawan ng halik. Iniwas ko agad ang mukha ko away from her. Kaya salubong ang dalawang kilay niya.

JIA: "Bahala ka sa buhay mo."

Sabay higa ko sa bed at talukbong ng kumot. Matutulog na lang ako kaysa intindihan siya. Puputi buhok ko sa kanya.

BEA: "Bebejowa."

JIA: "No."

BEA: "Bebejowa."

Sabay hatak niya sa kumot na hawak ko. Kaya napabangon ako to face her.

JIA: "What?!"

Pero tumikom lang siya ng bibig. Kaya bumalik ako sa pagkakahiga.

BEA: "Bebejowa, Why are you still mad?!"

JIA: "Well you please stop bothering me?! I don't want to talk to you."

Sagot ko sa kanya habang ako ay nakahalukipkip sa hawak ko na kumot. Naramdaman kong lumundol yung bed at tumabi siya sa akin sa paghiga.

Hanggang sa naramdaman ko ang kamay niya pumulupot na sa bewang ko. Habit naman na niya ang bagay na yan bago kami matulog.

Parang nagiging ritwal na niya ang yumakap sa akin kapag matutulog na siya.

FALLEN (JiBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon