CHRONICLE 19

727 27 0
                                    

JIA POV

I was lying in the bed while my eyes closed. My feet touch the floor habang nakalagay naman ang aking kaliwang kamay sa bandang noo. Medyo nakatakip sa aking mga mata.

Naghihintay ako sa alien na matapos sa paliligo. Isa pa, naaliw din kasi ang tenga ko na pakinggan ang pagkanta niya while taking a bath.

Di ko alam anong trip niya at naisipan niyang kumanta habang naliligo sa banyo. Well, lahat naman ng ginagawa niya madalas ay ewan lang at kakaiba.

For now, naentertain naman ako sa paraan ng pagkanta niya. Maliban sa nakakaaliw pakinggan ang kanyang pagtagalog, maganda din ang liriko ng kanta. Habang nakahiga, aktibo ang tenga ko sa pakikinig sa kanya.

Para akong dinuduyan habang nakahiga sa kama at nakapikit. Nag aagaw na nga ang gising na diwa ko at ang patulog na diwa ko.

Hanggang sa naramdaman ko na may tumusok sa kili-kili ko kaya bigla ako napapiksi dahil sa naramdamang kiliti. Pagmulat ko ng mga mata, yung mukha ng alien ang bumungad sa akin.

BEA: "I like your liki-liki."

Labas ngipin niyang wika na wari moy naaliw sa pagtusok sa kilikili ko. Nung isang araw pa niya trip ang kili kili ko.

JIA: "Kili-kili."

Pagtama ko sa pagbigkas niya. Bulol na alien.

BEA: "Liki-liki, kili-kili. They were both sounds alike."

Tumutulo pa ang basa niyang buhok sa akin. Ngumiti pa siya na labas ang ngipin pagkamulat ko. Itinulak ko ang mukha niya palayo sa akin habang pabangon ako sa bed.

BEA: "I'm done."

Wika niya nang pareho na kaming nakaupo sa gilid ng kama.

JIA: "You wear your clothes now."

BEA: "Can I kiss your likiliki?"

JIA: "No. And kilikili nga."

Pero bigla niya iniangat ang kaliwang kamay ko at akmang hahalikan ang kilikili ko. Siraulong alien ito, kelan pa siya natutong magkulit ng ganito.

Agad ko ibinaba ang kamay ko para hindi niya mahalikan kaso bigla niya ako dinaganan at tumatawa pa. Kaya napatumba ako sa bed at nakapatong na siya sa akin.

JIA: "Hey stop."

Pag-awat ko sa kanya. Kasi pababa na mukha niya sa kilikili ko. Iisipin ko pa lang na hahalikan niya ang kilikili ko ay nakikiliti na ako. Malakas kasi ang kiliti sa kilikili.

Pero hindi niya pinakinggan ang pakiusap ko. Itinaas niya pareho ang kamay ko sa ulo kaya parehong naka expose ang kilikili ko sa kanya.

Unti unti niya ibinababa ang mukha papunta sa kilikili ko. Hindi ako makakilos kasi nakaipit ako sa katawan niya. Tumutulo pa yung tubig mula sa buhok niya papunta sa leeg ko.

Hindi siya talaga nagpaawat sa gustong mangyari. Hinalikan niya ang kilikili ko kaya bigla ay napatili ako sa sobrang kiliti na naramdaman.

Mukhang naaliw siya sa pagsigaw ko kaya lalo pa niyang hinalikan ng sunod sunod and I hear her chuckled for her foolishness.

JIA: "Hahahaha. Bea. Hahahaha. Stop. Hahahhaha."

Pero nilipat lang niya ang paghalik sa kabilang kilikili ko. Nagpabaling baling na ang ulo ko sa kama sa sobrang kiliti. Sinisipa ko na yung paa ko na nakasayad sa floor.

Naiiyak na rin ako kakatawa dala ng kiliting nararamdaman. Yun lang kasi ang magagawa ko dahil hindi ako makakilos.

JIA: "Bea.... Hahaha. Please.... Hahaha.. Stop... Na.... Hahahaha."

FALLEN (JiBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon