CHRONICLE 14

745 33 2
                                    

JIA POV

Naandito kami sa isang private resort. Birthday kasi ni ate Den at lahat ay invited. Even Bea was invited. I actually beg off not to come  pero sinamaan ako ng tingin ni ate Den.

And since kasama ako kailangan ay kasama si Bea. Package deal na kami ng alienI explain to them why I could not come. And they assured me that if something happens, they will cover up for Bea kapag nagkalat na ang alien.

May mga invited din kasing ibang tao maliban sa team kaya hesitant talaga akong dalhin siya. Baka magkulit siya at marami siyang makikitang bago sa kanya.

Nung sinabi kong sasama siya, ang dami niyang tanong. At habang nag-aayos ako ng gamit naming dalawa ay nakikigulo din siya. Dalawang bag ang inayos ko, isa para sa kanya at isa sa akin.

Kaya lang, nung nag CR ako at iniwan siya sa bed yung nasa bag niya kinuha niya at pinaglalagay din niya sa bag ko. Akala niya ata ibubukod ko na siya.

Kaya pagbalik ko kinuha ko ulit ang gamit niya sa bag ko para ilagay sa bag niya kaso nakipag agawan sa akin at binabalik sa bag ko.

Later on pinaliwanag ko sa kanya pero wala ayaw umintindi. Kaya naghanap ako ng isa pang bag na mas malaki at kasya ang gamit naming dalawa.

Kapag binuksan mo yung bag, pareho lang halos ang laman. Gusto niya kasi uniform kami.

Actually nung nakaraang linggo namili kami ng damit niya sa mall ayaw niya ng mga pinili ko for her. Ang pinili niya ay ang kaparehong kulay or di kaya design ng damit ko.

At sobrang natuwa siya sa isang stuff toy na hindi niya tinigilan hanggat hindi namin binili. Araw-araw bitbit na niya at katabi matulog. Hanggang dito sa resort dala pa niya.

Flashback...

BEA: "Where are we going?"

JIA: "We will go to the mall and buy your clothes."

BEA: "I have clothes already. Like this one." (hawak ang suot niyang damit)

JIA: "That's not yours. It's mine, I just let you borrow it."

Makaangkin naman ng gamit itong alien na to akala mo siya bumili nang gamit. Nakikigamit lang naman siya.

BEA: "What's yours is mine. What's mine is yours. Because you are my mate."

JIA: "I don't know about that mate thing of yours. You are not in Merth. You are here in our planet."

BEA: "Still you are my mate."

Actually hindi ko alam ang sinasabi niya about 'mate' thing. Marami pa about it na sinasabi niya. Kahit ipaliwanag niya hindi ko rin talaga maintindihan. Kaya hindi ko na lang tinatanong.

JIA: "Still. We have to buy some clothes. "

Hindi naman na siya komontra. Pagbaba ng kotse ay naglakad na kami papasok sa mall. Yung alien, hinawakan ang kamay ko.

Habit na niya pagsalikupin ang aming kamay. Tapos ang higpit ng hawak niya. Tuloy pinagtitinginan kami ng lahat ng nakakakita.

Pagdating namin sa bilihan, ang unang nakatakaw ng atensiyon niya ang mga mannequin na nakatayo at hindi gumagalaw.

Nilapitan niya agad ito at tinitingnan ng maayos. Kaya hinatak ko na siya bago pa mapansin ng mga tao ang kakaiba niyang ginagawa.

I started picking up clothes for her para matry niya kung kasya at nakasunod lang siya sa akin.

Nung pinasusukat ko na ang mga pinili ko na damit para sa kanya ayaw niya.  Nagpilitan pa kami na itry niya kaso nagalit at nainis.

Kaya naghanap kami ulit, hinayaan ko na siya. Pagsukat ng pinamili niya ay pilit niya pinasusukat sa akin.

FALLEN (JiBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon